MULI na namang nabuhay ang chikang may something sa pagitan ng Ex-Battalion member na si Skusta Clee at leader ng nation’s girl group na BINI na si Jhoanna Robles.
Isang larawan ng male singer ang nagba-viral at laman ng usap-usapan ng madlag netizens dahil sa kakaiba nilang napansin sa background.
Hinuha ng netizens, ang album na makikita sa likod ni Skusta ay FLAMES album ng BINI at si Jhoanna ang nasa cover.
Ang nagba-viral na larawan sa social media ay mula sa naging TikTok live ng “Lagi” singer.
Baka Bet Mo: Skusta Clee sinupalpal matapos paghintayin sa ulan ang fans
Isang netizen ang nag-post sa Reddit ng mga screenshots na umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens.
View this post on Instagram
A post shared by Bandera (@banderaphl)
“Si bini jhoanna ba tong pic sa likod ni skusta?
Gustong gusto talaga ni skusta ma issue sya with jhoanna eh, iniinit ulo ng mga blooms,” saad sa post ng Redditor.
Hindi naman napigilan ng ilang netizens ang magkomento sa hindo mamatay-matay na isyu tungkol sa dalawa.
“Kung totoo man, si Skusta ang magiigng greatest lesson ni Jhoanna,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Ang hilig talaga ng bini sa mga exotic.”
“Honestly kung dati pa nag deny or nag salita si Jhoanna sa issue na ito tatawanan na lang ito naNg mga fans nya. Tingnan nyo si Aiah before may issue Kay Kyle nagsalita agad sya sa issue ayun sarado agad wala nang follow-up pa,” sabi naman ng isa.
Marami rin ang nanawagan sa dalaga na sana’y magsalita na at idenay kung wala talagang namamagitan sa kanila ni Skusta Clee.
Matagal na rin kasing kumakalat ang isyu ngunit walang pahayag si BINI Jhoanna hinggil rito.
Bukas naman ang BANDERA para sa mga panig ng mga taong sangkot sa isyu.
The post Skusta Clee, BINI Jhoana muli na namang naiisyu dahil… appeared first on Bandera.
Hindi na nakatiis ang ina ni Francine Diaz, 18, na si Merdick Saenz Diaz at tinalakan nito si Andrea Brillantes, 19.
Ito ay dahil sa pagkakaladkad umano ng pangalan ng anak tuwing may kontrobersiyang kinasasangkutan si Andrea.
Muling pinag-usapan si Andrea dahil sa pagsagot niya sa basketball star na si Ricci Rivero pagkatapos ng UAAP game ng UP Fighting Maroons at FEU Tamaraws noong Sabado, April 9, 2022.
Read: Ricci Rivero, pinag-“YES” si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya
Na-bash nang husto si Andrea dahil sa pagtalikod diumano nito sa love team nila ni Seth Fedelin na kung tawagin ay “SethDrea.”
Ipinagtanggol ni Seth si Andrea sa isang Instagram Live noong Linggo, April 10, dahil alam daw niya ang katotohanan.
Read: Seth Fedelin defends Andrea Brillantes’s relationship with Ricci Rivero from bashers
Sa kanya namang Instagram Live nitong Linggo ng gabi, April 11, isiniwalat ni Andrea na nagkaroon sila ng relasyon ni Seth sa loob ng dalawang taon at tatlong buwan.
Inamin din ng Kapamilya young actress na nasaktan siya nang makita ang viral picture nina Seth at Francine nang dumalaw ang binata sa bahay nina Francine noong January 2022.
Read: Is there brewing tension between Andrea Brillantes and Francine Diaz over Seth Fedelin?
Pero pinabulaanan ni Andrea ang lumabas na isyu kung saan sinugod diumano niya si Francine sa dressing room ng ABS-CBN noong December 2021.
Ayon kay Andrea, “At pinakaimportante sa lahat, hindi po ako nanugod sa dressing room.
“I also don’t know where people got that. Ang alam ko lang may isang dummy account na nag-tweet, and naniwala naman agad lahat sila kahit it was just words.
“Pero meron din kasing entertainment reporter, may public figure na sinabi niya, which made the alleged rumor more credible for people to believe.”
Read: Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin; explains issue involving Francine Diaz
“NANANAHIMIK ANAK KO”
Sa kanyang Facebook ngayong araw, April 12, bakas ang panggigigil sa mga salita ng ina ni Francine na si Merdick Saenz Diaz.
Puro na raw kasi sila pang-unawa at tiniis ang mga pangungutyang ibinabato sa anak dahil kay Andrea.
Tigilan na raw ni Andrea ang pandadamay kay Francine tuwing may isyu sa kanya.
Matapang na pahayag ni Merdick para kay Andrea (published as is): “Nananahimik anak ko tigil tigilan mo na anak ko, manahimik ka na wag mo ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo!!!
“Baka magkaalaman tayo, hangga’t maaari ayaw ka patulan!
“Puro pang unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko, namin alang alang sa ikatatahimik ng lahat, sa tuwing nababash ka, kayo lagi ninyo dinadawit ang anak ko.
“Hnd porket hnd kami sumasagut at kumikibo hnd ibig sabihin na OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!”
Bukod kay Andrea, binalingan din ng ina ni Francine si Seth.
Sana raw ay ganun din ang pagtatanggol na ginawa ni Seth kay Francine nang na-bash ito katulad ng pagtatanggol ng binata kay Andrea.
“At ikaw seth sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturung mong kaibigan anak ko!
“Na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kayo nang maayus at totoo pero ano ginawa n’yo!
“Sobra na pagtitimpi ko hnd na puwede tong ginagawa nyo”
“SOBRA KA NA”
Muling binalingan ni Merdick si Andrea.
Hindi raw niya lubos maintindihan kung bakit galit na galit si Andrea sa anak niya. Wala naman daw itong masamang ginagawa sa kanya.
Nagkasama sina Francine, Seth, at Andrea sa sikat na panghapong serye noon ng ABS-CBN na Kadenang Ginto. Nabuo rin ang grupong Gold Squad nila kasama si Kyle Echarri.
Tanong ng ina ni Francine: “bakit nga ba ANDREA BRILLANTES GALIT NA GALIT KA SA ANAK KO!
“Na wala naman ginawa sayo! Ikaw mag umpisa ng sasabihin mo sasagutin ko lahat ng sasabihin mo ngayon sa social media.”
Babala pa niya kay Andrea: “SOBRA KA NA!! Hindi na ako papayag na lagi mo na lang binubully anak ko kayo!
“Sinong nanay at magulang na papanuurin mo na lang na lagi inaaway at binubully anak ko!
“Lahat ng pang unawa at pag iwas ginawa namin sayo, sa inyo!! alam nyo yan”
Ilang oras ang nakalipas, burado na ang post na ito sa account ni Merdick. Pero maagap ang netizens at na-screenshot nila ang status ng ina ni Francine.
Kasunod nito, isang bagong post naman ang ibinahagi ni Merdick sa kanyang account.
Tila nahimasmasan na ito at sinabing bilang isang magulang, hindi siya papayag na saktan ang anak at pagsalitaan ng hindi maganda.
Hindi na raw niya kinaya pa ang nararamdaman kaya sumabog na siya.
Marahil ang tinutukoy niya ay ang burado nang post na galit na galit siya kay Andrea.
Buong pahayag ni Merdick: “Bilang isang magulang nasasaktan din kami sa mga sinasabi nyo na hindi maganda sa anak ko.
“Kaya pumutok na ako ng ganito dahil hnd ko kinaya na siguro naman naintindihan nyo bilang isang ina, maging happy nalang tayo, salamat sa taong nagpa kalma sa akin at mas maraming bagay na dapat ipagpasalamat namin.”
[facebook:
Wala nang bagong post pa si Merdick sa Facebook.
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng mga nabanggit sa artikulong ito.
NA-PREDICT na ng premyadong aktres na si Janice de Belen ang pakikipagrelasyon ni Kaila Estrada sa kapwa nila artista.
Muling nagsalita si Janice tungkol sa love story ng kanyang anak na si Kaila at ng Kapamilya actor-singer na si Daniel Padilla.
Natanong ang 9th The EDDYS Movie Icon about Kaila and DJ sa talk show na “Stars on Stars” sa Jeepney TV at kung ano ang naging reaksyon niya rito.
“Ano ‘yung naramdaman ko? Wala naman. Kasi na-predict ko na rin naman na may mga ganitong mangyayari kasi siyempre nag-umpisa ako sa showbiz,” sagot ni Janice.
“Halos lahat ng naging boyfriend ko, ‘yung napangasawa ko, showbiz din. Eventually, magkakaroon siya ng karelasyon na showbiz.
“Of course, hindi mo lang alam kung sino, ‘di ba? Mamimili ka lang. ‘Sino kaya dito?’” aniya pa.
Pagpapatuloy niya, “So nu’ng time na ‘yun na natsitsismis, ang naiisip ko, kailangan kong tingnan. Kasi feeling ko, there’s a possibility.
“Siyempre kapag sinabi mo kay Kaila, sasabihin niya, ‘Hindi, hindi, hindi,’” saad ng beteranang aktres.
Baka Bet Mo: Daniel napilitang umamin : Opo, baliw na baliw ako kay Kathryn!
Patuloy ni Janice, “Saka nasasabi ko na sa kanya na ‘pag showbiz ang naging boyfriend mo, whether you like it or not, the relationship will be public.
“Hindi mo maiiwasan, especially depende pa kung sino. So nu’ng nangyari naman ‘yun, eh ‘di, prediction games,” sey ng aktres.
Never din daw siyang nakialam sa love life ng mga anak, “It’s her life. She’s an adult. There is nothing I can do and there is nothing I want to do.”
“Basta masaya siya. Again, basta masaya ang anak mo, ‘yun lang ang importante. Okay ka du’n,” aniya pa.
Unang nagkatrabaho sina Kaila at Daniel sa ABS-CBN action-drama series na “Incognito” at mula noon ay madalas na silang makitang magkasama together.
Wala pang diretsahang pagkumpirma ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon pero base sa kanilang mga social media post, lantaran na ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
The post Janice de Belen sa relasyong Kaila-Daniel: It’s her life, she’s an adult appeared first on Bandera.
Naging viral noong February 2022 ang mga litrato at video ng isang Keanu Reeves look-alike na nagbebenta ng mini flower bouquets.
Ang post ay mula sa feed ng freelance photographer na si Mark Kelvin Aliliran, at umani na ito ng 9 million views.
Meet Martin Jay “MJ” dela Cerna.
Mas humanga ang mga netizens nang nadiskubreng ang ibinibenta niyang mini flower bouquets ay negosyo ng misis niyang si Celeste dela Cerna, dating flight attendant.
At si MJ ay isa palang piloto.
love in the skies
Ang inspirasyon ni MJ para magbenta ay ang kanyang misis.
Ang kuwento ng pag-ibig nina MJ at Celeste ay kasing-colorful ng ibinebenta nilang mga bulaklak.
Nagkakilala sila sa trabaho. Piloto si MJ at flight attendant si Celeste sa Philippine Airlines (PAL).
Hirit ni MJ, “love in the skies” nga niyang matatawag ang love story nila ni Celeste.
“Pareho kaming nag-work sa Philippine Airlines before, and that’s where we met. Nagkalipad kami once or twice and then yun po…” kuwento ni MJ sa 98.4 Love FM Teleradyo noong March 3, 2022.
Pero lumipat ng ibang airline si MJ kaya nagdesisyon si Celeste na tuluyan nang mag-resign sa PAL.
“Nag-resign ako when he transferred to a different airline, kasi hindi na kami nagkikita ‘tapos we have to compromise,” ani Celeste.
Patuloy pa rin sa pagiging piloto si MJ. May dalawa na silang anak na lalaki ni Celeste.
“I worked with airlines for 25 years now and counting,” sabi ni MJ.
“Fifteen years po akong nagtrabaho sa China. I worked with China Eastern Airlines, China Cargo Airlines for fifteen years.
“So 2006, nasa China na po ako. Before that, I was with Philippine Airlines.”
Samantala, nag-update si Celeste sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na si MJ ay “in the process of returning to Shanghai, China where he works.”
AFFORDABLE FLOWER BOUQUETS
Si Celeste ang nakaisip ng kanilang business na tinawag nilang Le Petite Bouquet Manille.
Ang layon daw nila ay makapag-provide ng affordable flower bouquets sa lahat.
“We came up with the price of PHP199 sana, but to make it more affordable to everybody, we lowered it down to PHP150,” paliwanag ng piloto sa February 18, 2022 episode ng Dapat Alam Mo!.
Dugtong ni MJ, “My wife is the one selecting all the flowers and the designs.
“It’s just me, my wife, saka yung aming trusted helper and our kids. In fact, yung anak ko yung nag-design ng paper cone.”
Dagdag ni Celeste, “Masaya kasi team work. ‘Tapos kaming dalawa magkasundo kasi from the start.
“Magkasama kami sa work and then kailangan naming maghiwalay because he went to a different country.
“‘Tapos ngayon magkasama kami ulit, so [we] make the most out if it.”
Hiningan ng PEP.ph si Celeste ng update ukol sa kanilang mini-bouquet flower business.
Aniya, “We’re still a small online home-based business.
“Planning to scale up but still studying the flower business as we go along.
“Mahirap din po kasi kapag perishable ang product.”
Nakatulong din ang viral photos at videos ni MJ. Pagkatapos kasi noon, dumagsa ang inquiries at orders.
ISA sa wake-up call ni Nikko Natividad ang payo sa kanya ng mga nakatrabaho niyang veteran actors na laging mag-ipon habang kumikita siya.
Ito’y dahil hindi naman daw habambuhay na malakas siya at maraming natatanggap na offers.
Bukod sa mga payo na ito ay maraming napanood si Nikko sa vlog ni Julius Babao na “Unplugged” na dating mga kilalang celebrities na nangangatok sa mga producers na mabigyan sila ng trabaho para may pangtawid sa araw-araw.
At halos lahat naman ng na-feature sa “Unplugged” ay nabigyan ng trabaho sa mga programa ni Coco Martin tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “FPJ’s Batang Quiapo” at ang umeereng “Sigabo” dahil pinapanood pala talaga ito ng aktor, direktor at producer para bigyan ng chance ang mga ito.
Going back to Nikko, mukhang paborito siya ni Coco dahil napasama siya sa “Ang Probinsyano” at “Batang Quiapo” at muli siyang pinatawag sa “Sigabo” kaya naman sobrang grateful ang aktor.
“Handpicked po kami (para sa Sigabo), makakaramdam ka ng kilig kasi vocal na sinasabi (Coco) na bawa’t karakter na kahit maliit ang role o malaki dumadaan po sa kanya. Talagang hahanapin (sabi) kontakin n’yo to, ito ang gusto ko.
“So, nu’ng time na pinaplano po ‘yan (Sigabo) sakto wala po akong work may tumawag po at sinabi na secret muna, pinapakontak ka ni direk Coco. Siyempre tanggap ko agad hindi ko pa nga alam ‘yung role walang presyo-presyuhan (talent fee), um-oo agad ako,” kuwento ni Nikko.
Ang pinakadahilan kung bakit tinanggap niya agad ang “Sigabo” kahit hindi pa alam ng aktor ang karakter niya, “Ang habol ko po talaga dito ay alam naman nating maganda ‘yung show, taon po ang inaabot at iba rin pag kasali ka.
Baka Bet Mo: Nikko Natividad looking ng bagong yaya para sa anak: ‘Yung maganda, sexy!
“Kasi may tulong every time na pumupunta rito (pag-aaring coffee shop) ang mga tao, (sabi nila), ‘Oy nanonood kami ng Sigabo, dinayo ka namin kaya kami nagpunta diyan, natutuwa po ako,” masayang sabi ng dating member ng grupong Hashtags.
Natanong ni Julius kung gaano kahalaga ang magkaroon ng negosyo sa mga artista tulad ni Nikko.
“Unang-una ang dami ko pong napapanood sa inyo (Unplugged) na interview siyempre dating sumikat (at hindi) nakaipon, parang wake-up call din po sa akin na ayaw kong mangyari sa akin.
“Lagi rin po akong pinapangaralan kapag may nakakatrabaho na matatagal na artista at sinasabi sa amin na mag-ipon kayo, ‘wag n’yo kaming gayahin.
“So, ako naging wake up call ko na habang kumikita ako habang may pampuhunan ako gamitin ko kasi kailan ko pa maiisipang magnegosyo po kapag wala na akong pampuhunan?
“Kaya ngayong may kumukuha sa aking shows, ‘yung pera na hinahawakan ko, palaguin ko.
“Lalo po sa akin na tanggap kong hindi na po ako pangbida, hindi na ako ‘yung mala-Joshua Garcia, Daniel Padilla na maraming endorsements. Alam ko po na hindi na ako pangganu’n kaya isipan ko ng ibang way kung paano po gaganda ang buhay ko,” paliwanag ni Nikko.
The post Nikko Natividad tanggap na hindi pangbida tulad nina Daniel, Joshua appeared first on Bandera.
Maging si Robi Domingo, 32, ay hindi natuwa sa naging sagot ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 teen housemates sa ginanap na history quiz bilang challenge sa reality show ng Kapamilya Channel.
Trending ang GomBurZa, MaJoHa, SLEX dahil sa mga maling sagot ng housemates na sina Kai Espinido, 18, at Gab Skribikin, 19.
Maging si Robi, isa mga host ng PBB at nagsilbing “history teacher” sa quiz challenge ng mga housemate, ay trending din.
Tinanong ni Robi ang nakasalang na housemates na sina Kai at Gab kung ano ang acronym ng tatlong Pilipinong paring martir noong panahon ng Kastila na sina Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora.
Kilala sila sa tawag na “GomBurZa,” na itinuturo sa mga Pilipinong mag-aaral mula pa sa elementarya.
Pero ang isinagot ni Kai ay “MarJo,” habang si Gab ay “MaJoHa.”
Sa pag-pan ng camera sa ibang housemates na hindi sumalang sa round na iyon, makikitang nabigkas ng housemate na si Maxine Trinidad ang tamang sagot.
Dahil dito, naging malaking usapin sa social media ang paksang ito.
Makikita si Robi na natawa sa sagot ng housemates at idinaan pa sa biro ang maling sagot ng housemates.
Pero sa kanyang tweet ngayong Martes, April 12, 2022, pinanigan ni Robi ang pagpuna ng netizens sa housemates na mali ang isinagot sa history questions.
Ni-repost ni Robi ang tweet ng isang netizen na pinuna ang pagkakamali nina Kai at Gab.
“150 years after the martyrdom of the GOMBURZA, they have been renamed as MAJOHA,” bahagi ng tweet ng netizen.
Tweet ni Robi: “Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa.
“Sana maging daan ito para makita kung ano ang kakulangan sa sistema ng ating edukasyon.”
Naghamon pa si Robi sa mga content creator na labanan ang maling impormasyon.
“Sa lahat ng content creators, let’s battle #MaJoHa,” aniya.
[twitter:
Ni-retweet din ni Robi ang post ng Knowledge Channel na nagbahagi ng life story ng GomBurZa sa past episode ng ABS-CBN educational program na Bayani.
HINAMON ng misis ni Niño Muhlach na si Diane Abby Tupaz ang rider na nadamay sa aksidenteng kinasangkutan ng aktor sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal noong August, 2026.
Matapos ipagtanggol si Niño sa reklamo ni Nicolas Villanueva na hindi pa rin daw tinutupad ng aktor ang mga ipinangakong tulong matapos ang road accident, muling naglabas ng pahayag si Diane.
Ipinagdiinan ni Diane na kasinungalingan ang sinasabi ni Villanueva na parang tinatalikuran at tinatakbuhan ng aktor ang kanyang responsibilidad sa naganap na aksidente.”Totoo ba na walang tinupad si Niño Muhlach sa mga ipinangako nyang tulong???
“Ikaw mismo sa sarili mo sigurado ka ba na walang naitulong si Niño?
“Kung hindi mo kayang aminin sa sarili mo yung totoo eh itanong na lang kaya natin kay Lord? Sya naman ang pinaka nakakaalam ng totoo.
“Paalala ko nga pala, may schedule ka ulit ng check up sa doctor mo bukas. Sasamahan ulit kayo sa check up mo ng family member namin.
“Yan po ba ang sinasabi nyo na pinabayaan kayo ni Niño and hindi kayo inaasikaso???” ang post ni Diane sa kanyang Facebook page.
Kalakip nito ang artcard kung saan mababasa ang FB post ni Villanueva at ang bwelta ni Diane sa kanya.
Baka Bet Mo: Sandro Muhlach sa healing journey: I’m better than I was before
“Sir NIÑO MUHLACH pangatlong linggo na po. Parang binabalewala na po ninyo ‘yung nangyari sa ‘kin,” simulang post ni Villanueva.
“Ang galing galing niyong mangako pag may camera. Wala pala kayung isang salita sa mga sinasabi niyo.
“Di pa ako nakakapag trabaho dahil sa nangyari sakin pati motor ko di niyo pa rin pinapalitan,” aniya.
Narito naman ang sabi sa kanya ng wifey ng aktor, “Kung ganoon, eh di dapat ginusto niya din na may camera tuwing nagbibigay siya ng cash and noong pinapagawa niya yung mga nasirang establishment.
“Kaso walang kuha ng camera, ‘di ba? Wala ngang nakaalam na naipagawa na niya yung tindahan and barber shop na nasira eh. And wala din nakaalam kung magkano na nailabas niyang cash na tulong.”
Ito naman ang buong laman ng unang post ni Diane sa FB, “Yung post na kumakalat eh parang pinapalabas na wala man lang ginawang tulong si Niño Muhlach sa taong naperwisyo nya sa aksidente. HINDI YAN TOTOO!
“I know hindi na dapat ako mag react but I can’t. I really can’t!! Hindi ko kaya na hindi ko maidedefend yung Husband ko (Niño Muhlach) or mga anak ko Lalo na sa mga taong ‘Mema’ memasabi lang sa comment section o mga feeling may alam sa totoong nangyayari.
“Pati anak ko dinadamay pa sa mga walang kwentang comment nila!” simulang pagbabahagi ng saloobin ni Diane.
Patuloy niya, “My husband is a good man! I’m saying this not because I’m his wife, but because he really is that kind of person na kailanman hinding hindi ginustong makasakit o maka agrabyado o maka perwisyo ng ibang tao.
“Alam ni Niño kung ano yung responsibilidad nya sa mga taong naperwisyo nya and hinding hindi nya yun tatalikuran.
“Nakita naman din ng lahat na nu’ng una palang inamin nya yung pagkakamali nya, hindi nya tinalikuran, tinakbuhan o pinabayaan yung mga taong naperwisyo dahil sa aksidenteng nagawa nya.
“Sa taong nahospital na si Nicolas Villanueva, araw araw sinisiguro ni Niño na natututukan ng mga doctor si Nicolas and naibibigay sa kanya lahat ng gamot na kailangan nya.
“Sinigurado din ni Niño na nabibigay yung araw araw na pangangailangan ni Nicolas Villanueva and ng family nya habang nasa hospital sila. Cash pang food, mini grocery, travel expenses, and pati pang baon na money sa school ng daughter ni Nicolas.
“And yung sa ‘motor’ huwag ho kayong mag alala kasi siguradong mabibigyan yan ng kapalit, hindi naman tatakas si Niño ng dahil lang sa motor.
“Hindi sila pinababayaan ni Niño… Hindi tumigil sa pag bigay ng tulong si Niño lalo na kay Nicolas Villanueva and hanggang ngayon tuloy tuloy pa rin ang pag suporta ni Niño sa gastusin ni Nicolas Villanueva dahil may mga check up pa sya.
“Kung magpopost tayo ng hindi totoo at hindi maganda tungkol sa isang tao pag isipan muna natin maigi kung deserve nya ba na masira sya sa ibang tao?
“Kasi kung hindi, eh alam nating lahat na napakabilis ng balik ng KARMA. Lalo na sa mga tao na walang ginawa kundi manglamang ng kapwa,” ang kabuuan ng post ng misis ni Niño.
The post Wifey ni Niño naglabas ng resibo sa nagreklamong biktima ng aksidente appeared first on Bandera.
Isang dating chef sa London, United Kingdom ang Polish vlogger na si Damian Drazek.
Noong 2010 ay nagretiro siya para tuparin ang matagal nang planong mag-travel around the world.
Isa sa kanyang mga naging destinasyon ang Pilipinas.
Sa April 11, 2022 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kung saan naging tampok ang story ni Damian, aminado siyang nabighani siya sa ganda ng ating bansa.
Nalibot niya ang Cebu, Apo Island sa Negros Oriental, at Pamilacan Island sa Bohol.
Pagbabahagi niya, “I fell in love from the very beginning when I came to the Philippines. I felt like I landed on another planet.”
Minsang nasa Panglao Island sa Bohol, niyaya siya ng mga kaibigan na pasyalan ang Badjao Village.
Ayon kay Damian, hindi kagandahan ang lugar at larawan iyon ng kahirapan. Isa iyong komunidad ng mga Badjao na karamihan ay kumikita sa panghihingi ng limos.
Ngunit para sa kanya, naka-relate siya sa kalagayan ng mga Badjao roon dahil naranasan din niyang maging homeless.
Aniya, “I felt like I could connect with people in that village.”
NABIGHANI SA DALAGANG BADJAO
Habang nag-iikot sa lugar at inire-record sa kanyang camera ang paligid, isang dalagang Badjao na nakilalang si Aico Ayrana ang nag-usisa kay Damian.
Tanong sa kanya ni Aico, “Where are you going? What do you do here?”
Na-smitten umano ang Polish vlogger sa mapanghalinang kagandahan ng dalagang Badjao.
Paglalarawan ni Damian sa eksena nila ni Aico, “When I saw her face for the first time, I just felt like I wanted to stay there and have a conversation with her.
“I really felt some kind of connection.”
The feeling was mutual naman pala para kay Aico. “Nabigla po rin ako. Handsome po siya. Para po akong na-love at first sight.”
Nagkakaintindihan sila sa pag-uusap dahil noong nag-aaral pa si Aico ay favorite subject niya ang English. Napilitan lang siyang huminto pagkatapos ng Grade 10 dahil sa hirap ng kanilang buhay.
PAG-IIBIGANG AGAINST ALL ODDS
Naging panay na ang dalaw ni Damian kay Aico mula noon.
Kalaunan, naging sila na.
Aminado sina Damian at Aico na hindi smooth-sailing ang kanilang relasyon at mayroon ding naging hadlang.
Ayon sa Polish vlogger, dahil mas bata sa kanya si Aico, may nagsabi sa kanya na, “You are a pedophile.”
Dagdag niya, “Some of my friends are saying, ‘Don’t do it. Are you crazy?’”
Sa panig naman ni Aico, “Nahihiya ako sa sarili ko dahil iisipin ng mga tao, gold digger ako.”
Pero paglilinaw ng dalaga, “Money can’t buy love.”
Dumating din sa puntong nasasaktan ang dalaga dahil kahit boyfriend niya si Damian, hindi na ito lumalapit sa kanya.
Sabi niya sa sarili, “Parang malabo na yun [relasyon]…”
DAMIAN, AYAW MAGKAROON NG REGRETS
Ngunit after two weeks, isang bold decision ang ginawa ni Damian.
Kuwento niya, “I decided that I’ll take the risk because I don’t want to be in a situation that at the end of my life, I will regret.”
Napaluha naman sa tuwa si Aico dahil sa naging gesture ni Damian. “Nakikita mo na talaga siya, nagbalik na siya para sa iyo.”
At nagdesisyon na silang magpakasal.
Sinunod ni Damian ang Badjao tradition na pagbibigay ng “ungsod” o dowry nang hingin niya ang kamay ni Aico sa mga magulang nito.
Kinabahan naman si Aico nang sa mismong araw ng kasal nila, dalawang oras na ang nakalilipas ay wala pa si Damian.
Sa isip-isip niya, “Ano ba ito, darating ba siya o hindi?”
Ayon naman kay Damian, hindi niya inakala na late na siya sa kasal.
“But surely I will come.”
Kaya makalipas ang ilang tense moments, natuloy ang kasal.
“It was really magical, and I almost cried…” emotional na sambit ni Damian. “It felt amazing for me. One of the best experiences in my life.”
Sambit naman ni Aico, “Mahal na mahal po. Age doesn’t matter, and age is just a number.”
Sa ngayon ay plano ni Damian na ipagpatayo ng bahay ang kanyang misis. Isasama rin niya si Aico sa kanilang bansa para makilala ang kanyang parents, at magpakasal muli doon.
Iisa lang ang kanyang hiling sa maybahay.
“I hope that your pure heart will stay pure always. Reach your goals and your dreams, and you will use the power that you will have to influence your tribe and your family.”
Nagpasalamat naman si Aico sa mister na sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan ay tinanggap siya nito at piniling makasama habambuhay.
Mahigit dalawag dekada na, pero parang walang kupas ang energy ng 6cyclemind!
Present ang BANDERA sa 25th anniversary celebration ng banda, mula sa kanilang press conference hanggang sa bonggang concert na nagsilbing reunion at pasasalamat ng banda para sa kanilang mga tagahanga.
Ipinagdiwang ng 6cyclemind ang kanilang silver anniversary sa pamamagitan ng isang espesyal na homecoming concert sa Eton Centris Activity Center sa Quezon City noong Sabado, September 12.
Pagbukas pa lang ng concert, agad nang nagpakawala ng good vibes ang banda sa pamamagitan ng “Magsasaya.”
Baka Bet Mo: Tutti Caringal ng 6Cyclemind pinuna matapos kumandong sa babae habang nasa campaign rally
Siyempre, hindi nagpahuli ang audience at mabilis na nakisabay sa kantahan.
Sinundan ito ng iba pang paboritong 6cyclemind hits gaya ng “Paba,” “Biglaan,” “Prinsesa,” “Pangako,” “Basta Ako,” at “No Rewind.”
Talagang balik-throwback ang eksena habang sabay-sabay na kinakanta ng fans ang mga awiting tila kabisado pa rin kahit ilang taon na ang lumipas.
Pero hindi lang nostalgia ang puhunan ng 25th anniversary concert dahil sinamahan din ito ng mga espesyal na collaboration na nagpakitang patuloy na nakakatawid ang musika ng 6cyclemind sa iba’t ibang henerasyon.
Naki-jam si Rye Sarmiento para sa “Gaya Ng Noon,” habang nakipagkantahan naman si Bino ng Sunkissed Lola sa “I” at sa massive streaming hit na “Pasilyo.”
Lalong umingay ang venue nang umakyat sa entablado si Jet Pangan ng The Dawn para sa “Upside Down” at “Iisang Bangka Tayo.”
Hindi rin nagpahuli si pop superstar Gigi De Lana na nakisaya sa banda para sa “Bonggahan” at “Sige.”
Mas naging espesyal ang “Sige” dahil may surprise guest na si Chuck Isidro, dating miyembro ng 6cyclemind at producer ng kanilang paparating na album.
At dahil hindi lang puro balik-tanaw ang handog ng banda, binigyan din nila ng silip ang fans sa kanilang mga bagong awitin.
Kabilang sa mga bagong kantang ipinarinig nila mula sa kanilang upcoming album na nakatakdang ilabas ngayong taon ang “Hithit Buga,” “Di Na Babalik,” “Nagbago,” at “Huling Pagkakataon.”
Syempre, hindi rin mawawala ang mga kantang naging paborito ng maraming Pinoy gaya ng “Kung Wala Na Nga,” “Alapaap,” “Kasalanan,” “Trip,” at “Sandalan.”
At kahit umulan sa venue, hindi iyon naging dahilan para tuluyang matapos ang saya.
Sa halip na magsiuwian, nanatili ang mga concertgoer para makikanta, sumayaw, at makisaya sa anniversary celebration.
Sa halip na maging spoiler, naging dagdag-memorable moment pa ang ulan sa gabing puno ng musika at nostalgia.
Hindi rin pinabayaan ng 6cyclemind na maging bahagi mismo ng selebrasyon ang kanilang fans.
Ang unang 100 attendees ay nakatanggap ng exclusive 6cyclemind anniversary shirts at nagkaroon ng pagkakataong makipag-meet-and-greet sa banda.
May videoke contest din kung saan pwedeng ibandera ng fans ang kanilang sariling bersyon ng mga paboritong OPM songs. A
ng highest scorer ay nag-uwi naman ng cash prize.
Nagpasalamat ang banda sa kanilang management, fans, at brands na patuloy na sumusuporta sa kanila sa iba’t ibang yugto ng kanilang career.
“We are very thankful sa lahat na nandyan pa rin para sa amin: from our management, fans, and brands that continue to support us. Andito na kami sa age na we are enjoying the fruits of our labor,” saying banda.
Anila, “We are lucky and grateful na, sa dami ng nangyari sa banda, natawid namin lahat ng ’to.”
At kahit 25 taon na sila sa industriya, mukhang hindi pa rin nawawala ang excitement sa paggawa at pag-promote ng bagong musika.
“The excitement is always there…Para pa din kaming bago na nag-promote ng kanta namin to a new audience,” wika ni manager at 6th member ng banda na si Darwin Hernandez.
The post 6cyclemind pinasaya ang fans sa bonggang 25th anniversary concert! appeared first on Bandera.
Isang araw matapos ideklara ni Piolo Pascual na ang kandidatura ni Leni Robredo bilang pangulo ng Pilipinas ang kanyang sinusuportahan para sa eleksyon sa May 9, 2022, isinapubliko ni Anne Curtis sa pamamagitan ng Instagram post na ang bise presidente rin ng bansa ang presidential aspirant na tinatangkilik niya.
Read: Piolo Pascual, Regine Velasquez declare all-out support for Leni Robredo
Ginamit ni Anne ang bulaklak ng rosas na tanim umano ng nanay niya bilang simbolo ng kanyang pagsuporta kay Robredo.
Bago kinumpirma ni Anne na si Roberdo ang presidente niya, nag-post siya sa kanyang social media pages ng Luv-Anne, ang pamagat ng comeback concert ng 37-year-old actress na magaganap sa June 11 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.
“Hitting two birds with one stone” ang announcement ni Anne tungkol sa suporta nito kay Robredo dahil sa pagagamit niya ng hashtag na “Luv-AnneLeni” para mabanggit din ang titulo ng kanyang concert.
“Yan ang tawag sa rosas na ito. My mum planted this rose in her garden & how apt it is for this time… dahil ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito…mamahalin tayo…
“Kaya para sa akin, #KulayRosasAngBukas #LetLeniLead#LuvAnneLeni,” social media announcement ni Anne tungkol sa kanyang paniniwala na si Robredo ang karapat-dapat na susunod na pangulo ng Pilipinas.