Alden Richards recently sponsored a block screening of “Red Crown” to support his fellow Kapuso artists.
Source link
Category: Entertainment
Alden Richards holds block screening of 'Red Crown'
PBB: Calix, Ethan, Primo lead nominations; Raheel, Shea receive immunity
Six housemates are nominated for the first eviction in “Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0.”
Source link -
PBB: Robbie Jaworski revealed as house guest
Robbie Jaworski was revealed to be a house guest in “Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0.”
Source link -
Marian Rivera recalls viral confrontation on 'Dyesebel' set
Marian Rivera looked back on a viral video showing her confronting a man on the set of her 2008 fantasy series “Dyesebel.”
Source link -
Lans Nagal waging Education Creator of the Year; makakapag-Indonesia kaya?
PHOTO: Facebook/LANS HINDI man niya personal na nahawakan ang tropeyo dahil kasalukuyan siyang nasa loob ng Bahay ni Kuya, panalo pa rin si Lans sa mundo ng content creation!
Patunay na hindi hadlang ang pagiging housemate sa “Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3.0” para patuloy na makilala ang kanyang talento, itinanghal si Louise Anne Nagal, mas kilala bilang Lans o This Is Lans, bilang Education Creator of the Year sa TikTok Awards Philippines 2026.
At hindi lang simpleng pagkilala ang naghihintay sa kanya dahil isa rin siya sa mga Pinoy creators na magdadala ng pangalan ng Pilipinas sa TikTok Awards Southeast Asia 2026 na gaganapin sa Bali, Indonesia sa November 27.
Personal na nasaksihan ng BANDERA ang pagbibigay-pugay sa mga natatanging content creator sa awards night na ginanap noong November 5, kung saan kinilala ang mga personalidad na nagbigay-aliw, inspirasyon, at kaalaman sa kanilang mga followers.
Baka Bet Mo: Content creator Lans trending sa kalalakihan, umalma sa double standard
Kabilang nga sa mga pinarangalan si Lans dahil sa kanyang mga educational videos na hindi lang basta pinapanood ng netizens kundi may napupulot ding bagong kaalaman.
Bago pa man mapasama sa PBB, kilala na si Lans sa paggawa ng bite-sized educational content kung saan sinasagot niya ang iba’t ibang tanong ng netizens tungkol sa science, animals, nature, at iba pang interesting facts.
Isa rin siyang veterinary medicine student mula sa General Trias, Cavite, kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit marami siyang naibabahaging kaalaman tungkol sa mga hayop at siyensiya.
Sa isang panayam bago pumasok sa reality show, ibinahagi ni Lans kung bakit gusto niyang subukan ang pagiging housemate.
“Dito po sa Pinoy Big Brother [Collab 3.0], puwede n’yo po akong mas makilala pa. Outside sa 3-minute video na nakikita on social media,” sey niya.
Dagdag pa niya, gusto niyang makilala siya ng viewers hindi lamang bilang content creator kundi bilang kaibigan at housemate.
“Dito po mas makikilala n’yo si Lans, bilang LA, bilang Louise, bilang kaibigan, bilang housemate ni Kuya,” sambit niya.
Samantala, ang iba pang Pinoy creators na nagwagi sa kani-kanilang kategorya, kabilang sina Davao Conyo, Spencer Serafica, Margaux Nonato, Juri Imao, Pau Pelaez, Belle Rodolfo, Jericho Mark Asis, Jomar Yee, Ryssi Avila, at Aeriel Jan Tolentino.
Pero ang tanong ng marami, makakalipad din kaya sa Indonesia si Lans bilang kasalukuyan siyang nasa Bahay ni Kuya?
The post Lans Nagal waging Education Creator of the Year; makakapag-Indonesia kaya? appeared first on Bandera.
Noche Buena upgrade: 16 kakaibang pagkain na pwedeng idagdag sa Christmas menu
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez HINDI lang hamon, queso de bola, at fruit salad ang pwedeng magpasaya sa Christmas handaan!
Kung naghahanap kayo ng bagong putahe na pwedeng idagdag sa inyong Noche Buena at Christmas party, may mga kakaibang pagkaing siguradong makapagpapagana sa inyong panlasa.
Maagang sinalubong ng Guevarra’s by Chef Laudico ang Kapaskuhan sa pamamagitan ng paglunsad nila ng Christmas Menu 2026 na ginanap kamakailan lang, na eksklusibong ipinatikim sa media friends kasama ang BANDERA, influencers, at special guests.
Mula sa mga paboritong pagkaing Pinoy na binigyan ng kakaibang twist hanggang sa mga matatamis na panghimagas, siguradong may pwedeng maging bagong bida sa inyong hapag ngayong Pasko.
Baka Bet Mo: Bonus mo, ingatan! 7 tipid tips para hindi maubos agad 13th month pay
Kung sawa na kayo sa nakasanayang handa, narito ang mga pagkaing pwedeng maging inspirasyon para sa inyong Christmas feast:
1. White Lasagna
Kung lasagna ang isa sa mga paborito ng inyong pamilya, bakit hindi subukan ang creamy version nito?
May mas rich at indulgent na twist ang White Lasagna ni Chef Lau na bagay na bagay sa mga salo-salong kumpleto ang pamilya.
2. Balamban Roast Pork Belly
Hindi mawawala ang lechon sa maraming handaan, pero pwede ring subukan ang Cebu-style Balamban Roast Pork Belly.
Herb-infused ang putahe na ito, kaya siguradong may kakaibang sarap na maidadagdag sa inyong Christmas table.
3. Christmas Ham
Hindi kumpleto ang maraming Noche Buena kung walang hamon.
Ang sweet at glazed na Christmas Ham ay swak na ulam, pulutan o palaman sa tinapay kinabukasan.
4. Chicken Galantina
Kung gusto ninyo ng ibang putahe bukod sa karaniwang roasted chicken, pwedeng maging magandang alternatibo ang Chicken Galantina.
Isa itong tradisyonal na stuffed chicken na bagay na bagay sa espesyal na okasyon.
5. Seafood Thermidor
Para naman sa mga mahilig sa seafood, magandang idagdag sa handaan ang Seafood Thermidor.
Ang creamy at baked na putahe ay pwedeng maging instant crowd-pleaser, lalo na sa mga bisitang mahilig sa masarap at espesyal na ulam.
6. Cream of Castañas
Hindi lang main course ang dapat paghandaan dahil pwede ring simulan ang Christmas feast sa isang mainit at comforting na soup.
Ang Cream of Castañas o chestnut soup ay may kakaibang dating na bagay sa malamig na panahon ng Kapaskuhan.
7. Bacon & Spinach Embutido
May embutido na sa inyong Christmas menu? Bigyan naman ito ng bagong twist!
Pinagsama sa Bacon & Spinach Embutido ang pamilyar na Pinoy meatloaf at mas kakaibang sangkap na pwedeng magdala ng bagong flavor sa inyong handaan.
8. Banana Q Pudding
Sino ang hindi pamilyar sa banana cue na madalas nating meryenda? Ngayon, ginawa itong inspirasyon ni Executive Pastry Chef Jac Laudico para sa isang kakaibang panghimagas.
Ang Banana Q Pudding ay nagbibigay ng bagong anyo sa paboritong Pinoy street food at ginagawa itong mas bonggang dessert para sa Christmas table.
9. Puto Bumbong
Hindi kailangang maghintay sa Simbang Gabi para matikman ang puto bumbong!
Ang paboritong kakanin tuwing Kapaskuhan ay pwede ring maging bahagi ng inyong Christmas dessert spread.
10. Summan Panna Cotta
Kung mahilig kayo sa panna cotta pero gusto ninyo ng Pinoy-inspired na dessert, siguradong interesting subukan ang Summan Panna Cotta.
Pinagsasama nito ang ideya ng klasikong kakanin at isang mas eleganteng panghimagas.
11. Buko Lychee Salad
Kung gusto ninyo ng dessert na presko at hindi masyadong mabigat pagkatapos ng maraming ulam, pwedeng subukan ang Buko Lychee Salad.
Bagay ito sa mga bisitang mahilig sa fruity at refreshing na panghimagas.
12. Mango Graham Crema
Isa sa mga inaabangang dessert tuwing Pasko ang mango graham, pero hindi naman kailangang sa bahay lang ito ihanda.
Ang Mango Graham Crema ay isa pang matamis na pwedeng idagdag sa inyong dessert lineup.
13. Boat Tart
Kung gusto ninyo ng panghimagas na may kakaibang presentasyon, pwedeng maging magandang addition ang Boat Tart.
Bukod sa pagiging dessert, maaari rin itong maging eye-catching na bahagi ng inyong Christmas spread.
14. Ube Macapuno Trifle
Para sa mga mahilig sa ube at macapuno, mukhang swak sa panlasa ang Uba Macapuno Trifle.
Pinagsasama nito ang dalawang paboritong Pinoy dessert flavors sa isang panghimagas na bagay na bagay sa selebrasyon.
15. Lengua Estofado
Gusto ninyo ng mas espesyal na ulam para sa Christmas handaan? Pwedeng maging bida sa hapag ang Lengua Estofado!
Isa itong classic at flavorful na putahe na bagay ihain sa mga espesyal na okasyon.
Kung naghahanap kayo ng alternatibo sa karaniwang meat dishes, siguradong magandang idagdag ito sa inyong Noche Buena menu.
16. Roast Turkey
Kung mas bonggang handa na parang pang-international na Christmas celebration ang nais, puwedeng subukan ang Roast Turkey!
Madalas itong makita sa mga Christmas feast sa ibang bansa, pero pwede rin itong maging espesyal na centerpiece sa inyong Pinoy Christmas table.
Perfect para sa malaking salu-salo kasama ang buong pamilya!
Bukod sa pagpapakilala ng kanilang Christmas menu, nagkaroon din ng special cooking demonstration sa event kung saan ipinakita nina Chef Lau at Chef Jac kung paano ihanda ang ilan sa kanilang holiday creations.
Ibinahagi ni Chef Lau ang paraan ng pagluluto ng White Lasagna, habang ipinamalas naman ni Chef Jac ang paggawa ng Banana Q Pudding.
Layunin ng kanilang cooking demonstration na mahikayat ang mga bisita na subukan ding maghanda ng mga espesyal na putahe sa sarili nilang kusina.
Kung walang time magluto o maghanda, matitikman ang naturang Christmas menu ng Guevarra’s by Chef Laudico mula November 16 hanggang January 1, 2027.
The post Noche Buena upgrade: 16 kakaibang pagkain na pwedeng idagdag sa Christmas menu appeared first on Bandera.
Sarah G obvious na raw ang pagbubuntis: Bilog na bilog ang pisngi!
HALATANG-HALATA na raw ang pagdadalang-tao ngayon ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
Base iyan sa mga naging comments ng netizens nang bumandera ang latest photos ng wifey ni Matteo Guidicelli sa social media.
Kitang-kita raw kasi ang ilang pagbabago sa face ni Sarah G, lalo na ang pag-umbok ng mga pisngi nito na isa raw senyales na pregnant ang isang babae.
Sa Instagram post ng salon na zero1story, mapapanood ang pagpapagupit ng hair ni Sarah, kasama si Matteo at dito nga nila napansin na medyo chubby-chubby ang mukha ng singer-actress.
Baka Bet Mo: Popsters ni Sarah Geronimo na-excite, naloka sa ‘ultrasound’ post ni Matteo
Narito ang mga nakaiintrigang reaksyon ng mga netizens:
“Bagay ang hair ky Sarah G, bumabata, mghintay lng kami s Confirmation.”
“Pregnancy glow yarnnnn?”
“Namamaga mukha ni mommy Sarah.”
“For sure buntis na tlaga Ang Princess Sarah yeheyy.”
“oks lang yang pisngi ganyan talaga kapag…”
“Prep na for giving birth and new chapter on their new Baby.”
“Bilog na bilog na ang pisngi juntis na tlga.”
“Lapit na,namamaga na ang face.”
“Mataba na nga si Sarah…I am happy for her and matteo.”
“Halata na baby bump, I think it’s a Baby Boy.”
“Halata sa pesnge at sa tiyan.”
“Intuition is something else! I knew Sarah was pregnant, just like I had a feeling about Alex G before she announced it.”
Matagal nang nababalita na buntis na si Sarah sa first baby nila ni Matteo pero wala pa silang official announcement at confirmation hinggil dito.
Nagpakasal ang celebrity couple noong February, 2020.
The post Sarah G obvious na raw ang pagbubuntis: Bilog na bilog ang pisngi! appeared first on Bandera.
Zephanie reunites with Miguel Tanfelix as Yumi makes crossover appearance in 'Taskforce Firewall'
Zephanie couldn’t help but feel nostalgic after her fictional girl group Yumi, from “Born to Shine,” made a special crossover appearance in the Kapuso action-drama series “Taskforce Firewall.”
Source link -
Janine hindi pa rin matanggap ang pagkawala ni Yaya Pat: Miss you everyday
HINDI pa rin lubusang matanggap ni Janine Gutierrez ang pagkawala ng taong itinuring niyang bahagi ng kanilang pamilya sa loob ng maraming taon.
Sa unang anibersaryo ng pagpanaw ng kanilang pinakamamahal na si Yaya Pat, muling nagbalik-tanaw ang aktres sa masasayang alaala nila at ipinaalala kung gaano kalaki ang puwang na iniwan nito sa kanilang buhay.
Sa Instagram post ni Janine, ibinandera niya ang isang madamdaming mensahe para sa dating yaya na hanggang ngayon ay labis nilang nami-miss.
“Yayaaaa, we love you [white heart emoji] we miss you everyday,” sey ng aktres.
Baka Bet Mo: Janine Gutierrez answered prayer si Echo: Jesus heard me!
Kasabay nito, nagbahagi rin si Janine ng mga larawan mula sa pagbisita nila kamakailan sa hometown ni Yaya Pat sa Bicol.
Kasama niya ang inang si Lotlot De Leon, mga kapatid na sina Jessica at Max, at nakababatang kapatid na si Diego.
Sa kanilang pagbisita, nagkaroon din sila ng pagkakataong makasama muli si Ate Amy, kapatid ni Yaya Pat na mahigit dalawang dekada ring naging bahagi ng pamilya Gutierrez.
Bagama’t masaya silang nakabalik sa lugar, hindi naiwasang makaramdam ng lungkot ni Janine dahil hindi na nila kapiling ang taong nais sana nilang makasama sa naturang pagbisita.
“Nakakainis na ngayon lang kami nakadalaw sa inyo, kung kelan wala ka na. Kala ko masasama mo pa ko dito pag matandang matanda ka na eh,” emosyonal niyang pahayag.
Inamin din ng aktres na hindi pa rin madali para sa kanya ang tanggapin ang pagkawala ni Yaya Pat.
“Ang bilis na one year na. It still breaks my heart that you’re gone. But maybe one day it will all just turn into happiness and gratitude that I got to have you,” wika niya sa post.
“You’re in my heart always. don’t worry, tinatapos pa rin yung house mo, ya. Love you. Happy one year in heaven [white heart emoji],” aniya pa.
<svg width="50px" height="50px" viewBox="0 0 60 60" version="1.1" xmlns=" xmlns:xlink=" stroke="none" stroke-width="1" fill="none" fill-rule="evenodd"><g transform="translate(-511.000000, -20.000000)" fill="#000000"><g><path d="M556.869,30.41 C554.814,30.41 553.148,32.076 553.148,34.131 C553.148,36.186 554.814,37.852 556.869,37.852 C558.924,37.852 560.59,36.186 560.59,34.131 C560.59,32.076 558.924,30.41 556.869,30.41 M541,60.657 C535.114,60.657 530.342,55.887 530.342,50 C530.342,44.114 535.114,39.342 541,39.342 C546.887,39.342 551.658,44.114 551.658,50 C551.658,55.887 546.887,60.657 541,60.657 M541,33.886 C532.1,33.886 524.886,41.1 524.886,50 C524.886,58.899 532.1,66.113 541,66.113 C549.9,66.113 557.115,58.899 557.115,50 C557.115,41.1 549.9,33.886 541,33.886 M565.378,62.101 C565.244,65.022 564.756,66.606 564.346,67.663 C563.803,69.06 563.154,70.057 562.106,71.106 C561.058,72.155 560.06,72.803 558.662,73.347 C557.607,73.757 556.021,74.244 553.102,74.378 C549.944,74.521 548.997,74.552 541,74.552 C533.003,74.552 532.056,74.521 528.898,74.378 C525.979,74.244 524.393,73.757 523.338,73.347 C521.94,72.803 520.942,72.155 519.894,71.106 C518.846,70.057 518.197,69.06 517.654,67.663 C517.244,66.606 516.755,65.022 516.623,62.101 C516.479,58.943 516.448,57.996 516.448,50 C516.448,42.003 516.479,41.056 516.623,37.899 C516.755,34.978 517.244,33.391 517.654,32.338 C518.197,30.938 518.846,29.942 519.894,28.894 C520.942,27.846 521.94,27.196 523.338,26.654 C524.393,26.244 525.979,25.756 528.898,25.623 C532.057,25.479 533.004,25.448 541,25.448 C548.997,25.448 549.943,25.479 553.102,25.623 C556.021,25.756 557.607,26.244 558.662,26.654 C560.06,27.196 561.058,27.846 562.106,28.894 C563.154,29.942 563.803,30.938 564.346,32.338 C564.756,33.391 565.244,34.978 565.378,37.899 C565.522,41.056 565.552,42.003 565.552,50 C565.552,57.996 565.522,58.943 565.378,62.101 M570.82,37.631 C570.674,34.438 570.167,32.258 569.425,30.349 C568.659,28.377 567.633,26.702 565.965,25.035 C564.297,23.368 562.623,22.342 560.652,21.575 C558.743,20.834 556.562,20.326 553.369,20.18 C550.169,20.033 549.148,20 541,20 C532.853,20 531.831,20.033 528.631,20.18 C525.438,20.326 523.257,20.834 521.349,21.575 C519.376,22.342 517.703,23.368 516.035,25.035 C514.368,26.702 513.342,28.377 512.574,30.349 C511.834,32.258 511.326,34.438 511.181,37.631 C511.035,40.831 511,41.851 511,50 C511,58.147 511.035,59.17 511.181,62.369 C511.326,65.562 511.834,67.743 512.574,69.651 C513.342,71.625 514.368,73.296 516.035,74.965 C517.703,76.634 519.376,77.658 521.349,78.425 C523.257,79.167 525.438,79.673 528.631,79.82 C531.831,79.965 532.853,80.001 541,80.001 C549.148,80.001 550.169,79.965 553.369,79.82 C556.562,79.673 558.743,79.167 560.652,78.425 C562.623,77.658 564.297,76.634 565.965,74.965 C567.633,73.296 568.659,71.625 569.425,69.651 C570.167,67.743 570.674,65.562 570.82,62.369 C570.966,59.17 571,58.147 571,50 C571,41.851 570.966,40.831 570.82,37.631"></path></g></g></g></svg>
View this post on Instagram
“Yaya Pattttt[red heart emojis]” sey ng aktor.
Matatandaang noong November 2025 nang ibalita ni Lotlot ang pagpanaw ni Yaya Pat.
Inilarawan pa niya ito bilang “one of the greatest blessings” na natanggap niya sa buhay.
Samantala, sa isang nakaraang episode ng “Magandang Buhay,” sinabi ni Janine na isa si Yaya Pat sa mga naging inspirasyon niya para pasukin ang showbiz.
Ayon sa aktres, isa sa mga nagtulak sa kanya na subukan ang pag-aartista ay ang kagustuhang makatulong sa gastusin para sa pagpapagamot ng kanyang yaya na may cancer.
The post Janine hindi pa rin matanggap ang pagkawala ni Yaya Pat: Miss you everyday appeared first on Bandera.
Zack Tabudlo drops Gehlee and Jeo-inspired song 'Tsaka Nalang'
Zack Tabudlo is back with a new romantic track.
Source link