Category: Entertainment

  • Yassi Pressman hindi in-expect biglang ‘paglaplap’ ni Luigi Villafuerte

    Yassi Pressman hindi in-expect biglang ‘paglaplap’ ni Luigi Villafuerte

    Yassi Pressman at Luigi Villafuerte

    BINALIKAN ng aktres na si Yassi Pressman ang viral “mukbangan” nila ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luigi Villafuerte.

    Ito yung biglang paglaplap kay Yassi ng kanyang fiancé sa harap ng napakaraming tao sa ginanap na Kaogma Festival noong July, 2024.

    Sa panayam ng “Ogie Diaz Inspires”, napag-usapan ang kumalat noong video clip nina Yassi at Luigi na talaga namang ikinagulantang ng madlang pipol.

    Batay sa naturang viral video, after kantahin ng magdyowa sa stage ang “Hero” ni Enrique Iglesias, biglang minukbang ng halik ni Luigi si Yassi na sinundan ng hiyawan at palakpakan mula sa audience.

    Kaya ang tanong ni Ogie, “In-expect mo ba ‘yon?”

    “Hindi naman. I think, baka na-carried away lang. Super excited. Pero it happened,” tugon ni Yassi.

    Maraming netizens ang naaliw at kinilig sa nasabing eksena pero may mga nangnega at nambengga rin sa kanila.

    Ngunit para kay Yassi, hindi na siya nagpapaapekto sa mga bashers kaya wala nang epek sa kanya ang pambabatikos ng netizens.

    Baka Bet Mo: Yassi pinaiyak ng driver ng na-book na TNVS: Kuya, ang swerte ko naman

    “Kasi most of the time, hindi naman po totoo ‘yong sinasabi nila. O hindi nila alam kung ano ‘yong sinasabi nila. 

    “So parang ako, based on na lang sa facts kung ano ‘yong totoong nangyari. ‘Yon na lang talaga ‘yong pinanghahawakan ko,” saad ng aktres.

    Noong July, ibinandera ni Luigi sa kanyang social media account ang mga litrato at video nila ni Yassi na kuha sa ginawa niyang marriage proposal. 

    Ayon sa aktres, “best relationship” para sa kanya ang relasyon nila ng kongresista.

    The post Yassi Pressman hindi in-expect biglang ‘paglaplap’ ni Luigi Villafuerte appeared first on Bandera.

    Source link

  • Mikee Quintos may isinumbong kay Big Brother, binalikan ‘thesis issue’

    Mikee Quintos may isinumbong kay Big Brother, binalikan ‘thesis issue’

    Primo Alterado at Mikee Quintos

    HINDI napigilan ng Kapuso actress na si Mikee Quintos ang maging emosyonal nang muli siyang makipag-usap kay Big Brother.

    Pumasok ang “Pinoy Big Brother: Collab 3.0” housemate sa Confession Room ng Bahay ni Kuya matapos ang komprontasyon nila ni Primo Alterado.

    After ng first nomination night, binigyan ni Primo ng isang puntos si Mikee kasabay ng pag-amin na feeling daw niya ay hindi nagiging totoo ang aktres sa kanya.

    Sa ika-17 araw ng “PBB Collab 3.0” napag-usapan nga nina Mikee at Primo ang nangyaring nomination night kahit ipinagbabawal ito sa loob ng Bahay ni Kuya.

    “I feel like you’re not being genuine sa akin. Pero ‘yun pa rin tingin ko sa ‘yo sa maniwala ka man o sa hindi, ate pa rin kita kahit anong mangyari,” ani Primo.

    Sey naman ni Mikee, “I didn’t mean to hurt you.”

    “I think, can I be honest? It’s just you thinking that. Do you see now? From me, wala akong napi-feel na ganu’n,” sabi ng aktres.

    Wala rin daw siyang hindi gusto kay Primo at pagkatapos nito ay nagyakap na ang dalawang housemate.

    Baka Bet Mo: Cianne Dominguez, Shea Valerio ipinagtanggol ng Star Magic sa bashers

    Sa Confession Room naman, nabanggit ni Mikee kay Kuya ang kinasangkutang “thesis issue” na naging dahilan ng matinding pamba-bash sa kanya sa social media.

    Ani Mikee, “Sanay na po ako na people misunderstand me and my intentions. And naging mabigat na journey po ‘yon sa akin, Kuya. Nu’ng college po, Kuya.

    “Kasi, Kuya, doon ko po nakita nu’ng hinate po ako online ng maraming tao about thesis. Na akala nila thesis po kasi ‘yon, but it was group work. Basically, Kuya, medyo pinagpiyestahan talaga ako,” lahad ng aktres.

    “So I can’t expect everyone to think like me. I can’t expect everyone to understand me. ‘Cause if I do that, ako lang po ang masasaktan. 

    “So that’s how I protect myself, I guess na hindi ko po i-expect ‘yon,” esplika ng Kapuso housemate.

    Para kay Mikee, hinayaan daw ni Lord na maranasan niya ang mga pagsubok na ito para maintindihan niya na magkakaiba ang bawat tao sa mundo.

    The post Mikee Quintos may isinumbong kay Big Brother, binalikan ‘thesis issue’ appeared first on Bandera.

    Source link

  • Kabutihan ni Ate Gay, ibinahagi ng kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay

    Kabutihan ni Ate Gay, ibinahagi ng kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay

    Ipinagluluksa ng showbiz industry ang pagpanaw ng Filipino comedian na si Ate Gay, o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay, sa edad 55 noong Nobyembre 1. Muling sulyapan ang kuwento ng buhay ni Ate Gay, batay sa mga kuwento ng kaniyang pamilya at mga malalapit sa buhay.

    Source link

  • Alden Richards says pet dog Summer has passed away

    Alden Richards says pet dog Summer has passed away

    Alden Richards revealed that his pet dog, Summer, has already passed away.

    Source link

  • Michelle Dee naospital dahil sa appendix; paano ang Miss Grand Int’l All Stars?

    Michelle Dee naospital dahil sa appendix; paano ang Miss Grand Int’l All Stars?

    PHOTO: Instagram/@michelledee

    HINDI inaasahang pagsubok ang kinaharap ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee matapos siyang sumailalim sa emergency surgery dahil sa problema sa kanyang appendix.

    Ayon sa ulat, natuklasan ng mga doktor ang ilang abnormalidad sa CT scan ni Michelle, 

    kabilang ang maraming bato na bumara sa kanyang appendix. 

    Dahil dito, kinailangan siyang operahan agad sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor upang maiwasan ang posibleng pagputok ng appendix at mas malalang impeksyon.

    Baka Bet Mo: Michelle Dee nagsampa ng ‘cyber libel’ case laban kay Xian Gaza

    Nagsimula umano ang lahat nang makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan ang Kapuso actress, model, at beauty queen habang papunta siya sa isang photoshoot kasama ang fashion photographer na si BJ Pascual.

    Dahil sa hindi na matiis na pananakit, agad siyang nagtungo sa ospital upang masuri ang kanyang kondisyon.

    Mabuti na lamang at naging matagumpay ang isinagawang emergency appendectomy. 

    Maayos ang naging proseso ng operasyon at kasalukuyang nagpapahinga si Michelle sa ospital.

    Nasa stable condition din siya at patuloy na inoobserbahan ng medical team.

    Samantala, bumuhos naman ang dasal at mensahe ng suporta mula sa kanyang pamilya, team, at mga tagahanga na umaasang mabilis siyang makakabawi.

    Mas naging kapansin-pansin ang biglaang health scare ni Michelle dahil kasalukuyan siyang puspusang naghahanda para sa nalalapit na Miss Grand International All Stars.

    Nakatakda sanang lumipad patungong Thailand ang beauty queen sa November 26 para sa nasabing international competition.

    Dahil dito, marami ang nagtatanong kung paano ang magiging paghahanda niya sa kompetisyon.

    The post Michelle Dee naospital dahil sa appendix; paano ang Miss Grand Int’l All Stars? appeared first on Bandera.

    Source link

  • Marian Rivera, Carol Bunagan to play on 'Family Feud'

    Marian Rivera, Carol Bunagan to play on 'Family Feud'

    The wives of the “Family Feud” hosts are set to play on the game show!

    Source link

  • Heart Evangelista tuluy-tuloy ang pagtulong sa naulilang pamilya ni Ate Gay

    Heart Evangelista tuluy-tuloy ang pagtulong sa naulilang pamilya ni Ate Gay

    HINDI lang pala noong nabubuhay pa ang komedyanteng si Ate Gay naging sandigan si Heart Evangelista. 

    Kahit pumanaw na ang tinaguriang comedy star, patuloy pa rin ang kabutihang-loob ng Kapuso actress sa naiwang pamilya nito.

    Muling nagpaabot ng tulong si Heart sa pamilya ng yumaong komedyante sa gitna ng kanilang paghahanda para sa huling hantungan nito.

    Sa isang Facebook post kamakailan, ibinandera ng pamilya ni Ate Gay ang panibagong kabutihang ginawa ng global fashion icon at aktres. 

    Baka Bet Mo: Heart Evangelista may ni-reveal sa ‘connection’ nila ni Alden Richards

    Ayon sa kanila, muling nakipag-ugnayan si Heart upang alamin kung paano siya makatutulong sa mga gastusin at paghahanda para sa libing ng komedyante.

    Kalakip ng kanilang post ang larawan ng isang sobre na may sulat-kamay na mensahe ng pakikiramay mula kay Heart.

    Hindi rin napigilan ng pamilya na ipahayag ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa aktres dahil sa walang sawang pagdamay at pagtulong nito sa kanila, lalo na ngayong dumaraan sila sa isang napakahirap na yugto ng kanilang buhay.

    “Since then, thank you so much, Miss Heart. And now, when we need help the most, you continue to reach out to us, asking how you can help ease our burdens,” sey sa isang Instgram Story na deleted na.

    Wika pa, “Your kindness and thoughtfulness mean so much to us, especially during this difficult time.”

    Matatandaang naging malaking bahagi rin ng laban ni Ate Gay sa Stage 4 cancer ang tulong na ibinigay ni Heart.

    Sa isang eksklusibong panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Marso, ibinunyag mismo ng komedyante na kabilang si Heart sa mga taong umaalalay sa kanya financially.

    Hindi lamang pinansyal na suporta ang inialok ng aktres dahil handa rin umano siyang dalhin si Ate Gay sa Singapore upang doon magpagamot.

    Magugunitang pumanaw si Ate Gay noong November 1 sa edad na 55.

    The post Heart Evangelista tuluy-tuloy ang pagtulong sa naulilang pamilya ni Ate Gay appeared first on Bandera.

    Source link

  • Angelina Jolie, dumating na sa Pilipinas para sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit

    Angelina Jolie, dumating na sa Pilipinas para sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit

    Dumating na sa Pilipinas ang Hollywood star na si Angelina Jolie para magsalita sa gaganaping 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit.

    Source link

  • Big-time rollback! Presyo ng gasolina babagsak halos P17 kada litro

    Big-time rollback! Presyo ng gasolina babagsak halos P17 kada litro

    INQUIRER file photo

    MAY magandang balita para sa mga motorista! 

    Malaki ang ibababa ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, partikular na ang gasolina na inaasahang magkakaroon ng bawas-presyo na halos P17 kada litro.

    Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin na iniulat ng INQUIRER, bababa nang P16.80 kada litro ang presyo ng gasolina simula ngayong Martes, November 10.

    Ito ang kauna-unahang pagkakataon mula nang sumiklab ang digmaan sa Middle East na magkakaroon ng double-digit na rollback sa presyo ng gasolina.

    Baka Bet Mo: MANIBELA tigil-pasada sa Sept. 14-15 dahil sa taas-presyo ng langis

    Hindi lang gasolina ang makikinabang sa pagbaba ng presyo dahil magkakaroon din ng bawas ang diesel at kerosene.

    Inaasahang bababa nang P4.10 kada litro ang diesel, habang P3.70 naman kada litro ang itatapyas sa presyo ng kerosene.

    Ipinaliwanag ni Garin na isa sa mga dahilan ng malaking rollback ang pag-asa ng merkado na posibleng matapos na sa lalong madaling panahon ang sigalot sa Middle East, isang rehiyong kilala sa pagiging pangunahing pinagkukunan ng langis.

    Samantala, sinabi rin ni Jetti Petroleum president Leo Bellas na nakatulong sa pagbaba ng presyo ng langis ang mga naganap na halalan sa United States.

    “Perception of a lower chance of escalation following sweeping victories by the Democratic Party in the recent midterm elections also pressured prices,” sey ni Leo Bellas, Jetti Petroleum president.

    Dagdag pa niya, nakaapekto rin sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel ang mas murang krudo at ang inaasahang pagdami ng suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.

    Dahil dito, malaking ginhawa ang inaasahang mararamdaman ng mga motorista sa gitna ng patuloy na pagtaas at pagbabago-bago ng presyo ng mga produktong petrolyo.

    The post Big-time rollback! Presyo ng gasolina babagsak halos P17 kada litro appeared first on Bandera.

    Source link