IN FAIRNESS, unti-unti nang nakikilala at nakakagawa ng sariling pangalan sa international scene ang actor-singer at host na si Lance Raymundo.
Ipinagmamalaki ng mga Pinoy ang mga kababayan nating sina Manny Pacquiao, Lea Salonga, Alex Eala, at maging ang Filipino-American pop stars na sina Apl.de.Ap at Olivia Rodrigo na patuloy na nagbibigay-karangalan sa Pilipinas.
Ngayon, isa pang Filipino artist ang umaarangkada na rin sa ibang bansa, ang Viva Artist Agency (VAA) talent na si Lance Raymundo.
Nakikilala si Lance bilang isa sa mga hinahanap-hanap na celebrity host sa mga international beauty pageant at malalaking event sa iba’t ibang bansa.
Nakapagtala na siya ng mga hosting stint sa ilang prestihiyosong international events gaya ng Miss Universe India, Miss Grand Bangladesh, Miss Teen Universe sa Colombia, Miss Teen International sa Cambodia, at Mister India Universe.
Pagbalik sa Pilipinas mula sa sunud-sunod niyang international engagements, ilalabas na rin ni Lance ang kanyang holiday single.
Ito ay ang electropop version ng classic Christmas song na “Silent Night” under Viva Records, bilang handog sa nalalapit na Kapaskuhan.
Baka Bet Mo: Rannie Raymundo nakaipon ng panty mula sa babaeng fans, proud sa ‘WPS’
Abangan din ang kanyang thanksgiving concert na gaganapin sa Viva Cafe ngayong darating na Disyembre.
Makakasama ni Lance sa naturang concert ang kanyang celebrity brother na si Rannie Raymundo, isa sa mga sumikat na Philippine pop singer noong dekada 90; ang 2013 Bb. Pilipinas Grand Queen, singer at kapwa Viva artist na si Ali Forbes; at ang Viva actress at singer na si Chase Romero.
Tampok din sa thanksgiving concert ni Lance ang pinakabagong P-Pop girl group na PARFUM, na kabilang sa mga bagong artist na mina-manage ng VAA.
The post Lance Raymundo umaariba na rin sa international scene appeared first on Bandera.
