SUSPENDIDO sa Lunes, Nobyembre 16 hanggang sa Miyerkules, Nobyembre 18, ang expanded number coding scheme, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Baka Bet Mo: Ilang kalsada sa Pasay sarado dahil sa Asean Summit
Ang suspensyon ay kaugnay sa 49th Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Summits.
Sa inilabas na abiso, sinabi ng MMDA na ang tatlong araw ay idineklara na rin na special non-working days sa Metro Manila.
Nagpa-alala din ang ahensya sa mga motorista na pagplanuhan ang kanilang mga biyahe dahil may ilang kalsada na isasara dahil sa pagpupulong at pagtitipon ng ilang matataas na pinuno ng ibang bansa.
Kabilang sa mga dadalo si US President Donald Trump.
The post Number coding suspendido sa 3-day ASEAN Summit appeared first on Bandera.
IKINATUWA ng grupo ng mga magbababoy ang aksyon ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng 60-araw na import restriction sa mga inaangkat na pork cuts at pork offals.
Ngunit iginiit ng grupo na hindi ito sapat upang maisalba ang naghihirap na industriya ng paghahayupan sa bansa.
Ayon sa pahayag ng Alliance of Philippine Agricultural Producers (AGAP), Producers of Pork (PROPORK) at Philippine Pork Council, dapat pangpalawigin ang import restriction hanggang unang quarter ng 2027 at ibalik ang dating mas mataas na taripa sa imported pork.
Sa nagdaang press conference ng Agriculture department, inihayag ang pagpapatupad ng 60-day import restriction na maglilimita sa pag-aangkat ng mga produktong baboy.
Dumalo sa pagpupulong sina AGAP Party-list Rep. Nikki Briones, Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr., Usec. Asis Perez, Atty. Vincent Maronilla ng Bureau of Customs (BOC), Eric Harina ng PROPORK, Ernie Ordonez ng Alyansa Agrikultura, Chester Tan ng NATFED at Rosendo So ng SINAG.
Ayon sa mga grupo, maaaring umabot sa P100 bilyon ang pagkalugi ng lokal na industriya ngayong taon dahil sa pagdagsa ng murang imported na karne, habang tinatayang P250 milyon kada araw ang nawawala sa mga lokal na magbababoy dahil sa bagsak na farmgate prices.
Iginiit nila na kailangang agad ipatupad ang restriksyon at palawigin ito hanggang unang quarter ng 2027 dahil mismong ang DA ang nagsabing sapat ang kasalukuyang stock ng baboy para sa 92 hanggang 143 araw, at may sapat pang suplay hanggang katapusan ng unang quarter ng susunod na taon.
Hiniling din nila ang direktang subsidiya at tulong pinansyal sa mga magbababoy upang mapanatili at mapalakas ang lokal na produksyon, gayundin ang buwanang paglalathala ng DA sa website nito ng transaction values ng mga inaangkat na karne upang matiyak ang transparency.
Baka Bet Mo: Villar itinutulak ang agarang pagpasa ng ‘Urban Agriculture’ sa gitna ng oil crisis
Samantala, nanawagan ang mga grupo sa Department of Economy, Planning and Development (DepDev) at Tariff Commission na aksiyunan ang kanilang panawagan na ibalik ang dating taripa na 30 porsiyentong in-quota at 40 porsiyentong out-quota mula sa kasalukuyang 15 hanggang 25 porsiyento.
Hiniling din nila ang agarang reclassification sa pork jowls o pisngi ng baboy mula sa “offals” bilang “good meat” upang maitaas ang taripa nito mula 10 porsiyento hanggang 40 porsiyento.
Para naman sa BOC, iginiit ng mga grupo ang mas mahigpit na kampanya laban sa agricultural smuggling, partikular ang misdeclaration, maling klasipikasyon at undervaluation ng mga imported na produktong baboy.
Binigyang-diin ng mga prodyuser na hindi dapat matapos sa 60-day import restriction ang mga hakbang ng pamahalaan.
Kailangan anila ang pangmatagalang solusyon, kabilang ang pagbabalik ng mas mataas na taripa, upang mabigyan ng patas na kompetisyon ang lokal na karne ng baboy at matulungan ang mga magbababoy na makabangon.
Tiniyak din ng mga grupo na patuloy nilang isusulong ang kapakanan ng mga lokal na magbababoy at ang pagpapalakas ng sariling produksyon ng bansa.
The post Grupo ng magbababoy aprub sa 60-day import restriction ng DA, pero… appeared first on Bandera.
The Land Transportation Office (LTO) has issued a Show Cause Order (SCO) against an unnamed member of a popular P-pop girl group over alleged cellphone use while driving.
NASUBUKAN lang magbida sa isang teleserye ng aktor ay heto’t pinatanggal na niya sa next project ang aktres na dapat ay makakasama niya.
Naikuwento sa amin ng aming source ang ginawa ng aktor na pati production ng serye ay nagulat sa last minute instruction ng aktor na palitan ang aktres dahil may iba raw siyang gustong makasama.
Nalaman namin na ang ipinalit sa aktres ay bunga ng paglalambing sa aktor ng kapwa aktres dahil matagal na silang magkakilala.
Nalungkot kami para sa aktres dahil tuwang-tuwa pa naman ito nang malamang may project na siya dahil nga kailangan niya ito para sa pamilya niya, pero naunsiyami pa.
Anyway, base sa research namin ay wala pang major acting award ang aktor at pawang mga special awards lang ang natatanggap kapag dumadalo ito ng Gabi ng Parangal.
Hindi pa nito nasubukan ang ma-nominate sa Gawad Urian, FAMAS at The EDDYS, pero napansin naman siya ng PMPC Star Awards bilang New Male Personality pero hindi na nasundan pa.
Baka Bet Mo: Barbie Imperial pumalag sa isang blind item: NO MAN helped me achieve this
Marami na kaming naririnig tungkol sa aktor na may pagka-mahangin at maangas dahil galing sa may kayang pamilya.
At pangarap niya talagang mag-artista kaya kung anu-ano ang sinalihang audition para mapansin at dahil consistent siya kaya nakapasok na sa showbiz.
Curious kami kung operational pa ang coffee shop business ng aktor dahil nais namin siyang payuhan – magkape rin siya paminsan-minsan.
The post Maangas na aktor pinatsugi kilalang aktres sa next project! appeared first on Bandera.
GMA Pictures and GMA Public Affairs” animated documentary “58th” continues to expand its local and international reach through screenings and festival appearances in four countries, alongside a nationwide campus tour beginning November.
DALAWANG beses nakunan ang partner ng food content creator na si Ninong Ry bago sila muling biyayaan ng anak.
Naibahagi ni Ninong Ry ang pinagdaanan nilang pagsubok sa buhay ng kanyang dyowang si Belle Cruz nitong mga nagdaang taon.
Kuwento ng sikat na vlogger, bago isilang ang second child nila ni Belle na si Rafa last October, dalawang beses nagkaroon ng miscarriage ang kanyang partner in life.
“Bago ipanganak si Rafa, nakunan kami nang dalawang beses. Masakit, syempre. Tinanggap na lang namin kasi baka may plano si Lord para sa amin,” simulang pagbabahagi ng vlogger sa kanyang social media post.
Nang mabuntis uli, doon nila nalaman na may Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS) si Belle, isang kundisyon na maaaring malagay ang isang babae sa “pregnancy complications” kabilang na ang pagkawala ng sanggol.
Ani Ninong Ry, “Syempre, ayaw na naming maulit yun. Ginawa namin ang lahat. Sandamakmak na gamot, araw-araw na injection. Pero ok lang.
“Sa totoo lang, ang lahat ng hirap eh asawa ko ang tumangke. Sobrang lakas niya. Ayun, ‘di nagtagal, pinanganak na si Rafa,” lahad ng food vlogger.
Baka Bet Mo: Ninong Ry laging biktima ng baha: Tama na! Hindi natin deserve ‘to. Ayusin n’yo!
Hirit pa niya sa kanilang second baby, “Healthy at higit sa lahat, kamukha ko.”
“Para sa aming Rainbow Baby na si Rafa, happy first month! Salamat din talaga sa @niceprintphoto. Napakahusay n’yo!” mensahe pa ni Ninong Ry.
The post Partner ni Ninong Ry 2 beses nakunan: Masakit, siyempre! appeared first on Bandera.
The Marian Rivera-Dingdong Dantes starrer “Remember” will begin screening in Philippine theaters today, November 11 and on Instagram Wednesday morning, the Kapuso Primetime King took to Instagram to thank the film director Mae Cruz Alviar, revealing how the two became fast friends.
BINENGGA ng veteran host at entertainment columnist na si Cristy Fermin si Claudine Barretto kaugnay ng kasong isinampa nito laban sa kanya.
Personal na nagtungo si Tita Cristy sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI), kamakalawa, November 9, dahil sa reklamong cyber libel case ni Claudine.
Kasama niya ang kanyang co-host sa programang “Showbiz Now Na” na si Romel Chika at ang kanilang legal counsel sa pagpunta nila sa NBI.
Pero walang isinumiteng counter-affidavit sina Tita Cristy at Romel sa demanda ni Claudine na isinampa rin niya sa NBI noong nakaraang buwan.
Ayon sa premyado at beteranang host, ang pagtungo nila sa opisina ng NBI ay pagpapakita lamang ng respeto nila sa ahensya.
Batay sa report ng “Frontline Pilipinas,” magsa-submit lamang sila ng counter-affidavit kapag isinampa na sa prosecutor’s office ang nabanggit na reklamo.
“Depende na lang sa piskalya kung makakakita sila ng merito, para bigyan ng pagpapahalaga yung kaniyang reklamo,” paliwanag ni Tita Cristy.
Aniya pa, tuluy-uloy pa rin ang mga programa nila ni Romel Chika sa telebisyon pati na sa kanilang YouTube channel.
Baka Bet Mo: Claudine Barretto nagbabalak nang manirahan sa Samal Island?
“Hindi naman sapat si Claudine Barretto para patigilin kami sa pagtatrabaho,” ang matapang na sabi pa ng beteranang showbiz columnist.
Nag-react din si Tita Cristy sa naging pahayag ni Claudine kung saan ikinumpara nito ang kanyang reklamo sa pagsasampa rin ng cyber libel sa kanya nina Bea Alonzo at Megastar Sharon Cuneta.
“Napakalaki ng pangalan ni Sharon Cuneta, wag nating ikumpara sa kanya,” ani Tita Cristy.
At para naman sa mensahe ni Claudine sa kanila na “Happy Halloween”, sabi ng veteran host, “Positive kami. Merry Christmas.”
The post Bwelta ni Cristy Fermin, wag ikumpara si Claudine kay Sharon Cuneta appeared first on Bandera.