FEELING “nostalgic” ang mga fans sa mga litratong ibinandera ng aktor na si Joross Gamboa sa social media.
Pinusuan at umani ng sandamakmak na likes and comments ang mga pictures ni Joross kasama ang mga dati niyang kasamahan sa Kapamilya talent search na “Star Circle Quest”.
Nagkaroon ng “mini reunion” ang aktor with fellow SCQ alumni na sina Melissa Ricks, Jason Abalos (mula sa season 2), Raphael Martinez, at ang K-pop star na si Sandara Park.
Kuwento ni Joross, nakasama niya ang mga ito sa magkahiwalay na birthday celebration.
“SCQ mini reunion pakiramdam ko yesterday! Una Bday ng mga anak ni @theraphaelmartinez nagkita kami nina @mellyricks09 @thejasonabalos,” ang caption ni Joross sa una niyang post.
Nakasama rin daw niya roon ang asawang si Kat pati na ang kanilang mga anak.
Sa isa pang event, doon naman niya nakasama ang mga dati nilang handlers, pati na si Sandara at abg Black Eyed Peas member na si Apl.de.Ap.
“After that dumaan ako sa bday ni ate Elena kasama din mga handlers namin b4 andun din sina Kuya @apldeap with Krung @daraxxi na huling kita niya sa mga bata nung 2019 Korea pa namin hahaha.”
Baka Bet Mo: Sandara Park ibinandera pagmamahal sa Pinas: ‘PH raised me and changed my life!’
Panunukso pa niya kay Sandara, “Grabe din etong si Dara di nag bago sukat ng muka eh!”
Hirit pa ni Joross, “Kung nasubaybayan niyo kami simula batch 1 ibig sabihin….. Tanders nadin kayo!”
Ang first season ng “Star Circle Quest” ay napanood sa ABS-CBN noong March 1, 2004 kung saan ang itinanghal na Grand Questor ay si Hero Angeles.
Sina Joross, Sandara Park, Roxanne Guinoo at Melissa Ricks ang mga runners-up.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa mga post ni Joross.
“Grabe ka naman sa ‘tanders na kayo’ pero I really love your friendship, and I really love the fact na nagsasama-sama pa din yung batch niyo occasionally.”
“It always makes me happy seeing you guys having a mini reunion.”
“Nakasubaybay naman , natakas pa nga at tinitiis nakikinood sa labas at bintana ng kapitbahay makanood lang pinaka natataandaan ko lang yung task na may pagka horror, si Sandara lang yata di natakot non elementary lang ako non kaya di pa naman tanders.”
“Parang kailan lng di q pa rin nakakalimutan lumiban ang buong section namin pra mapanood lng kayo sa Gaisano City Bacolod.”
The post Joross Gamboa: Grabe ‘tong si Dara di nagbago sukat ng mukha! appeared first on Bandera.
