AMINADO sina Wacky Kiray at Boobsie Wonderland na nakababahala ang sunud-sunod na pagkamatay ng mga kapwa nila stand-up comedian.
Bago pumanaw si Ate Gay nitong nagdaang November 1 matapos makipaglaban sa cancer, nauna nang namaalam sina Dax Martin, Arnell Tamayo at Kirara Kawai nitong nagdaang buwan.
Marami ang nagkokomento na posibleng epekto rin ito ng kanilang lifestyle lalo na ang madalas na pagpupuyat, paninigarilyo at pagkain ng mga hindi healthy sa katawan.
Sa panayan ng “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong sina Wacky, Boobsie at Pepita Curtis kung ano ang reaksyon nila sa magkakasunod na pagyao ng kanilang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.
Sabi ni Wacky, “Nakakapraning lalo na kapag sunud-sunod. Actually, nangyari na ito before nung sunud-sunod na may mga namatay sa mga host.
“Ang nangyari, after nu’n, ang mga bakla, nagpagamot, nagpa-check up uli, pero nu’ng tumagal-tagal, bumalik na naman uli,” pag-amin ni Wacky.
“So ngayon, may sunud-sunod uli (na namamatay), lahat sila ngayon, nagpapa-medical na. Dapat every six months, magpa-check up kayo,” ang payo pa ng veteran host-comedian.
Sey ni Wacky, regular na siyang nagpapa-check up ngayon sa doktor para masiguro na okay ang estado ng kanyang kalusugan.
Baka Bet Mo: Pepita Curtis na-shock sa ginawa sa kanya ni Ate Gay bago pumanaw
Napakahalaga rin daw ngayon ang magkaroon ng health card lalo na sa mga nagtatrabaho sa comedy at sing-along bar.
Panawagan niya, “Sana sa gobyerno, please naman luwagan ninyo naman. Pagdating sa LGBTQIA+ community, parang ang higpit-higpit nila sa health card.
“Buti ngayon, medyo gumaan-gaan na. Dati ang hirap makakuha ng health card, lalo na kapag nalaman nila na mga bading,” aniya pa.
Personal daw niyang na-experience ito dahil sa kanyang gender identity kung saan ang mga bading daw ang madalas makakuha ng sakit.
The post Wacky Kiray sa sunud-sunod na pagpanaw ng stand-up comedian: Nakakapraning! appeared first on Bandera.
