MAY magandang balita para sa mga motorista!
Malaki ang ibababa ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, partikular na ang gasolina na inaasahang magkakaroon ng bawas-presyo na halos P17 kada litro.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin na iniulat ng INQUIRER, bababa nang P16.80 kada litro ang presyo ng gasolina simula ngayong Martes, November 10.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon mula nang sumiklab ang digmaan sa Middle East na magkakaroon ng double-digit na rollback sa presyo ng gasolina.
Baka Bet Mo: MANIBELA tigil-pasada sa Sept. 14-15 dahil sa taas-presyo ng langis
Hindi lang gasolina ang makikinabang sa pagbaba ng presyo dahil magkakaroon din ng bawas ang diesel at kerosene.
Inaasahang bababa nang P4.10 kada litro ang diesel, habang P3.70 naman kada litro ang itatapyas sa presyo ng kerosene.
Ipinaliwanag ni Garin na isa sa mga dahilan ng malaking rollback ang pag-asa ng merkado na posibleng matapos na sa lalong madaling panahon ang sigalot sa Middle East, isang rehiyong kilala sa pagiging pangunahing pinagkukunan ng langis.
Samantala, sinabi rin ni Jetti Petroleum president Leo Bellas na nakatulong sa pagbaba ng presyo ng langis ang mga naganap na halalan sa United States.
“Perception of a lower chance of escalation following sweeping victories by the Democratic Party in the recent midterm elections also pressured prices,” sey ni Leo Bellas, Jetti Petroleum president.
Dagdag pa niya, nakaapekto rin sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel ang mas murang krudo at ang inaasahang pagdami ng suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.
Dahil dito, malaking ginhawa ang inaasahang mararamdaman ng mga motorista sa gitna ng patuloy na pagtaas at pagbabago-bago ng presyo ng mga produktong petrolyo.
The post Big-time rollback! Presyo ng gasolina babagsak halos P17 kada litro appeared first on Bandera.
