Mikee Quintos may isinumbong kay Big Brother, binalikan ‘thesis issue’

Mikee Quintos may isinumbong kay Big Brother, binalikan ‘thesis issue’

Primo Alterado at Mikee Quintos

HINDI napigilan ng Kapuso actress na si Mikee Quintos ang maging emosyonal nang muli siyang makipag-usap kay Big Brother.

Pumasok ang “Pinoy Big Brother: Collab 3.0” housemate sa Confession Room ng Bahay ni Kuya matapos ang komprontasyon nila ni Primo Alterado.

After ng first nomination night, binigyan ni Primo ng isang puntos si Mikee kasabay ng pag-amin na feeling daw niya ay hindi nagiging totoo ang aktres sa kanya.

Sa ika-17 araw ng “PBB Collab 3.0” napag-usapan nga nina Mikee at Primo ang nangyaring nomination night kahit ipinagbabawal ito sa loob ng Bahay ni Kuya.

“I feel like you’re not being genuine sa akin. Pero ‘yun pa rin tingin ko sa ‘yo sa maniwala ka man o sa hindi, ate pa rin kita kahit anong mangyari,” ani Primo.

Sey naman ni Mikee, “I didn’t mean to hurt you.”

“I think, can I be honest? It’s just you thinking that. Do you see now? From me, wala akong napi-feel na ganu’n,” sabi ng aktres.

Wala rin daw siyang hindi gusto kay Primo at pagkatapos nito ay nagyakap na ang dalawang housemate.

Baka Bet Mo: Cianne Dominguez, Shea Valerio ipinagtanggol ng Star Magic sa bashers

Sa Confession Room naman, nabanggit ni Mikee kay Kuya ang kinasangkutang “thesis issue” na naging dahilan ng matinding pamba-bash sa kanya sa social media.

Ani Mikee, “Sanay na po ako na people misunderstand me and my intentions. And naging mabigat na journey po ‘yon sa akin, Kuya. Nu’ng college po, Kuya.

“Kasi, Kuya, doon ko po nakita nu’ng hinate po ako online ng maraming tao about thesis. Na akala nila thesis po kasi ‘yon, but it was group work. Basically, Kuya, medyo pinagpiyestahan talaga ako,” lahad ng aktres.

“So I can’t expect everyone to think like me. I can’t expect everyone to understand me. ‘Cause if I do that, ako lang po ang masasaktan. 

“So that’s how I protect myself, I guess na hindi ko po i-expect ‘yon,” esplika ng Kapuso housemate.

Para kay Mikee, hinayaan daw ni Lord na maranasan niya ang mga pagsubok na ito para maintindihan niya na magkakaiba ang bawat tao sa mundo.

The post Mikee Quintos may isinumbong kay Big Brother, binalikan ‘thesis issue’ appeared first on Bandera.

Source link