HINDI inaasahang pagsubok ang kinaharap ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee matapos siyang sumailalim sa emergency surgery dahil sa problema sa kanyang appendix.
Ayon sa ulat, natuklasan ng mga doktor ang ilang abnormalidad sa CT scan ni Michelle,
kabilang ang maraming bato na bumara sa kanyang appendix.
Dahil dito, kinailangan siyang operahan agad sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor upang maiwasan ang posibleng pagputok ng appendix at mas malalang impeksyon.
Baka Bet Mo: Michelle Dee nagsampa ng ‘cyber libel’ case laban kay Xian Gaza
Nagsimula umano ang lahat nang makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan ang Kapuso actress, model, at beauty queen habang papunta siya sa isang photoshoot kasama ang fashion photographer na si BJ Pascual.
Dahil sa hindi na matiis na pananakit, agad siyang nagtungo sa ospital upang masuri ang kanyang kondisyon.
Mabuti na lamang at naging matagumpay ang isinagawang emergency appendectomy.
Maayos ang naging proseso ng operasyon at kasalukuyang nagpapahinga si Michelle sa ospital.
Nasa stable condition din siya at patuloy na inoobserbahan ng medical team.
Samantala, bumuhos naman ang dasal at mensahe ng suporta mula sa kanyang pamilya, team, at mga tagahanga na umaasang mabilis siyang makakabawi.
Mas naging kapansin-pansin ang biglaang health scare ni Michelle dahil kasalukuyan siyang puspusang naghahanda para sa nalalapit na Miss Grand International All Stars.
Nakatakda sanang lumipad patungong Thailand ang beauty queen sa November 26 para sa nasabing international competition.
Dahil dito, marami ang nagtatanong kung paano ang magiging paghahanda niya sa kompetisyon.
The post Michelle Dee naospital dahil sa appendix; paano ang Miss Grand Int’l All Stars? appeared first on Bandera.
