Category: Entertainment

  • Alden Richards says pet dog Summer has passed away

    Alden Richards says pet dog Summer has passed away

    Alden Richards revealed that his pet dog, Summer, has already passed away.

    Source link

  • Michelle Dee naospital dahil sa appendix; paano ang Miss Grand Int’l All Stars?

    Michelle Dee naospital dahil sa appendix; paano ang Miss Grand Int’l All Stars?

    PHOTO: Instagram/@michelledee

    HINDI inaasahang pagsubok ang kinaharap ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee matapos siyang sumailalim sa emergency surgery dahil sa problema sa kanyang appendix.

    Ayon sa ulat, natuklasan ng mga doktor ang ilang abnormalidad sa CT scan ni Michelle, 

    kabilang ang maraming bato na bumara sa kanyang appendix. 

    Dahil dito, kinailangan siyang operahan agad sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor upang maiwasan ang posibleng pagputok ng appendix at mas malalang impeksyon.

    Baka Bet Mo: Michelle Dee nagsampa ng ‘cyber libel’ case laban kay Xian Gaza

    Nagsimula umano ang lahat nang makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan ang Kapuso actress, model, at beauty queen habang papunta siya sa isang photoshoot kasama ang fashion photographer na si BJ Pascual.

    Dahil sa hindi na matiis na pananakit, agad siyang nagtungo sa ospital upang masuri ang kanyang kondisyon.

    Mabuti na lamang at naging matagumpay ang isinagawang emergency appendectomy. 

    Maayos ang naging proseso ng operasyon at kasalukuyang nagpapahinga si Michelle sa ospital.

    Nasa stable condition din siya at patuloy na inoobserbahan ng medical team.

    Samantala, bumuhos naman ang dasal at mensahe ng suporta mula sa kanyang pamilya, team, at mga tagahanga na umaasang mabilis siyang makakabawi.

    Mas naging kapansin-pansin ang biglaang health scare ni Michelle dahil kasalukuyan siyang puspusang naghahanda para sa nalalapit na Miss Grand International All Stars.

    Nakatakda sanang lumipad patungong Thailand ang beauty queen sa November 26 para sa nasabing international competition.

    Dahil dito, marami ang nagtatanong kung paano ang magiging paghahanda niya sa kompetisyon.

    The post Michelle Dee naospital dahil sa appendix; paano ang Miss Grand Int’l All Stars? appeared first on Bandera.

    Source link

  • Marian Rivera, Carol Bunagan to play on 'Family Feud'

    Marian Rivera, Carol Bunagan to play on 'Family Feud'

    The wives of the “Family Feud” hosts are set to play on the game show!

    Source link

  • Heart Evangelista tuluy-tuloy ang pagtulong sa naulilang pamilya ni Ate Gay

    Heart Evangelista tuluy-tuloy ang pagtulong sa naulilang pamilya ni Ate Gay

    HINDI lang pala noong nabubuhay pa ang komedyanteng si Ate Gay naging sandigan si Heart Evangelista. 

    Kahit pumanaw na ang tinaguriang comedy star, patuloy pa rin ang kabutihang-loob ng Kapuso actress sa naiwang pamilya nito.

    Muling nagpaabot ng tulong si Heart sa pamilya ng yumaong komedyante sa gitna ng kanilang paghahanda para sa huling hantungan nito.

    Sa isang Facebook post kamakailan, ibinandera ng pamilya ni Ate Gay ang panibagong kabutihang ginawa ng global fashion icon at aktres. 

    Baka Bet Mo: Heart Evangelista may ni-reveal sa ‘connection’ nila ni Alden Richards

    Ayon sa kanila, muling nakipag-ugnayan si Heart upang alamin kung paano siya makatutulong sa mga gastusin at paghahanda para sa libing ng komedyante.

    Kalakip ng kanilang post ang larawan ng isang sobre na may sulat-kamay na mensahe ng pakikiramay mula kay Heart.

    Hindi rin napigilan ng pamilya na ipahayag ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa aktres dahil sa walang sawang pagdamay at pagtulong nito sa kanila, lalo na ngayong dumaraan sila sa isang napakahirap na yugto ng kanilang buhay.

    “Since then, thank you so much, Miss Heart. And now, when we need help the most, you continue to reach out to us, asking how you can help ease our burdens,” sey sa isang Instgram Story na deleted na.

    Wika pa, “Your kindness and thoughtfulness mean so much to us, especially during this difficult time.”

    Matatandaang naging malaking bahagi rin ng laban ni Ate Gay sa Stage 4 cancer ang tulong na ibinigay ni Heart.

    Sa isang eksklusibong panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Marso, ibinunyag mismo ng komedyante na kabilang si Heart sa mga taong umaalalay sa kanya financially.

    Hindi lamang pinansyal na suporta ang inialok ng aktres dahil handa rin umano siyang dalhin si Ate Gay sa Singapore upang doon magpagamot.

    Magugunitang pumanaw si Ate Gay noong November 1 sa edad na 55.

    The post Heart Evangelista tuluy-tuloy ang pagtulong sa naulilang pamilya ni Ate Gay appeared first on Bandera.

    Source link

  • Angelina Jolie, dumating na sa Pilipinas para sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit

    Angelina Jolie, dumating na sa Pilipinas para sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit

    Dumating na sa Pilipinas ang Hollywood star na si Angelina Jolie para magsalita sa gaganaping 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit.

    Source link

  • Big-time rollback! Presyo ng gasolina babagsak halos P17 kada litro

    Big-time rollback! Presyo ng gasolina babagsak halos P17 kada litro

    INQUIRER file photo

    MAY magandang balita para sa mga motorista! 

    Malaki ang ibababa ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, partikular na ang gasolina na inaasahang magkakaroon ng bawas-presyo na halos P17 kada litro.

    Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin na iniulat ng INQUIRER, bababa nang P16.80 kada litro ang presyo ng gasolina simula ngayong Martes, November 10.

    Ito ang kauna-unahang pagkakataon mula nang sumiklab ang digmaan sa Middle East na magkakaroon ng double-digit na rollback sa presyo ng gasolina.

    Baka Bet Mo: MANIBELA tigil-pasada sa Sept. 14-15 dahil sa taas-presyo ng langis

    Hindi lang gasolina ang makikinabang sa pagbaba ng presyo dahil magkakaroon din ng bawas ang diesel at kerosene.

    Inaasahang bababa nang P4.10 kada litro ang diesel, habang P3.70 naman kada litro ang itatapyas sa presyo ng kerosene.

    Ipinaliwanag ni Garin na isa sa mga dahilan ng malaking rollback ang pag-asa ng merkado na posibleng matapos na sa lalong madaling panahon ang sigalot sa Middle East, isang rehiyong kilala sa pagiging pangunahing pinagkukunan ng langis.

    Samantala, sinabi rin ni Jetti Petroleum president Leo Bellas na nakatulong sa pagbaba ng presyo ng langis ang mga naganap na halalan sa United States.

    “Perception of a lower chance of escalation following sweeping victories by the Democratic Party in the recent midterm elections also pressured prices,” sey ni Leo Bellas, Jetti Petroleum president.

    Dagdag pa niya, nakaapekto rin sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel ang mas murang krudo at ang inaasahang pagdami ng suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.

    Dahil dito, malaking ginhawa ang inaasahang mararamdaman ng mga motorista sa gitna ng patuloy na pagtaas at pagbabago-bago ng presyo ng mga produktong petrolyo.

    The post Big-time rollback! Presyo ng gasolina babagsak halos P17 kada litro appeared first on Bandera.

    Source link

  • Heart Evangelista among Harper's BAZAAR Thailand's Women of The Year 2026 

    Heart Evangelista among Harper's BAZAAR Thailand's Women of The Year 2026 

    Heart Evangelista is among the notable personalities featured in the lineup of Harper”s BAZAAR Thailand”s Women of The Year 2026.

    Source link

  • BTS RM inspirasyon sa mental health course ng Stanford University!

    BTS RM inspirasyon sa mental health course ng Stanford University!

    PHOTO: Instagram/@rkive

    HINDI lang pala sa musika at performances nagbibigay ng inspirasyon ang sikat na Korean pop sensation na BTS! 

    Ngayon, pati ang paraan ng pamumuhay at mga interes ng kanilang lider na si Kim Namjoon o mas kilala bilang RM ay gagawing inspirasyon sa isang kurso sa prestihiyosong Stanford University.

    Inanunsiyo mismo ng unibersidad ang pagbubukas ng kursong may titulong “Namjooning, and Other Well-Being Inspiration From BTS,” na nakatuon sa mental health at personal well-being para sa academic year 2026-2027.

    Kabilang ang nasabing subject sa Psychology 65N (PSYC 65N), isang introductory seminar na may katumbas na tatlong academic units.

    Baka Bet Mo: BTS RM sa kumakalat na ‘Islamophobic controversy’: I respect every belief and religion!

    <iframe src=" width="500" height="505" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    Ayon sa course description na inilathala sa website ng Stanford, gagamitin nilang inspirasyon ang pananaw ni RM tungkol sa mental health at well-being, pati na ang ilan sa mga paborito nitong gawain na kilala ng fans bilang “Namjooning.”

    Para sa mga hindi pa nakaaalam, ang “Namjooning” ay terminong ginagamit ng fans para ilarawan ang mga aktibidad na kinahihiligan ni RM, tulad ng paglalakad sa kalikasan, pagbibisikleta, pagbisita sa mga art exhibit, at pagbabasa ng mga libro.

    Hindi lang basta pagpapalaganap ng good vibes at healthy lifestyle ang magiging talakayan sa klase dahil pag-aaralan din ang iba’t ibang scientific research tungkol sa epekto ng mga nakagawian sa mental health.

    Kabilang sa mga paksang tatalakayin ang tamang pagtulog, anxiety, creative block, self-love, self-awareness, paggamit ng medications at substances, tamang pagkain at ehersisyo, nutritional supplements, psychotherapy, at coaching.

    Gagamit din ang klase ng iba’t ibang materyales tulad ng fiction, scientific papers, artwork, at YouTube videos bilang bahagi ng kanilang talakayan.

    Hindi rin puro pakikinig ang gagawin ng mga estudyante dahil may mga in-class presentation, maiikling written assignments, quantitative reasoning activities, at final project silang kailangang tapusin.

    Ang magiging inspirasyon naman sa kanilang huling proyekto ay ang solo album ni RM na pinamagatang “Indigo,” na inilabas noong 2022.

    Pangungunahan ang seminar ni James R. Jacobs, MD, PhD, associate professor sa Department of Psychiatry and Behavioral Sciences ng Stanford University. 

    Para sa 2026 academic year, sinabi niyang excited siyang tuklasin ang konsepto ng well-being gamit ang quantitative approach o pagsusuri batay sa datos at siyentipikong pag-aaral.

    Nakatakdang idaos ang klase sa autumn quarter ng Stanford, mula September 22 hanggang December 4, na gaganapin tuwing Lunes at Miyerkules.

    Samantala, may isa pang magandang balita para sa ARMY dahil nakatakda ring bumalik sa Pilipinas ang BTS bilang grupo sa March 2027 para sa kanilang “Arirang” tour!

    May tatlong concert date ang pitong miyembro sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan, sa March 13, 14, at 16.

    Ito ang magiging pagbabalik ng BTS sa bansa bilang isang grupo matapos ang huli nilang mga pagtatanghal dito noong 2017 at ang kani-kanilang mandatory military service sa South Korea.

    The post BTS RM inspirasyon sa mental health course ng Stanford University! appeared first on Bandera.

    Source link

  • Jao Mapa clarifies 'TOTGA' remark about Rosanna Roces

    Jao Mapa clarifies 'TOTGA' remark about Rosanna Roces

    Jao Mapa clarified his “TOTGA” or “The one that got away” remark about his former co-star, Rosanna Roces.

    Source link