HINDI lang pala sa musika at performances nagbibigay ng inspirasyon ang sikat na Korean pop sensation na BTS!
Ngayon, pati ang paraan ng pamumuhay at mga interes ng kanilang lider na si Kim Namjoon o mas kilala bilang RM ay gagawing inspirasyon sa isang kurso sa prestihiyosong Stanford University.
Inanunsiyo mismo ng unibersidad ang pagbubukas ng kursong may titulong “Namjooning, and Other Well-Being Inspiration From BTS,” na nakatuon sa mental health at personal well-being para sa academic year 2026-2027.
Kabilang ang nasabing subject sa Psychology 65N (PSYC 65N), isang introductory seminar na may katumbas na tatlong academic units.
Baka Bet Mo: BTS RM sa kumakalat na ‘Islamophobic controversy’: I respect every belief and religion!
<iframe src=" width="500" height="505" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Ayon sa course description na inilathala sa website ng Stanford, gagamitin nilang inspirasyon ang pananaw ni RM tungkol sa mental health at well-being, pati na ang ilan sa mga paborito nitong gawain na kilala ng fans bilang “Namjooning.”
Para sa mga hindi pa nakaaalam, ang “Namjooning” ay terminong ginagamit ng fans para ilarawan ang mga aktibidad na kinahihiligan ni RM, tulad ng paglalakad sa kalikasan, pagbibisikleta, pagbisita sa mga art exhibit, at pagbabasa ng mga libro.
Hindi lang basta pagpapalaganap ng good vibes at healthy lifestyle ang magiging talakayan sa klase dahil pag-aaralan din ang iba’t ibang scientific research tungkol sa epekto ng mga nakagawian sa mental health.
Kabilang sa mga paksang tatalakayin ang tamang pagtulog, anxiety, creative block, self-love, self-awareness, paggamit ng medications at substances, tamang pagkain at ehersisyo, nutritional supplements, psychotherapy, at coaching.
Gagamit din ang klase ng iba’t ibang materyales tulad ng fiction, scientific papers, artwork, at YouTube videos bilang bahagi ng kanilang talakayan.
Hindi rin puro pakikinig ang gagawin ng mga estudyante dahil may mga in-class presentation, maiikling written assignments, quantitative reasoning activities, at final project silang kailangang tapusin.
Ang magiging inspirasyon naman sa kanilang huling proyekto ay ang solo album ni RM na pinamagatang “Indigo,” na inilabas noong 2022.
Pangungunahan ang seminar ni James R. Jacobs, MD, PhD, associate professor sa Department of Psychiatry and Behavioral Sciences ng Stanford University.
Para sa 2026 academic year, sinabi niyang excited siyang tuklasin ang konsepto ng well-being gamit ang quantitative approach o pagsusuri batay sa datos at siyentipikong pag-aaral.
Nakatakdang idaos ang klase sa autumn quarter ng Stanford, mula September 22 hanggang December 4, na gaganapin tuwing Lunes at Miyerkules.
Samantala, may isa pang magandang balita para sa ARMY dahil nakatakda ring bumalik sa Pilipinas ang BTS bilang grupo sa March 2027 para sa kanilang “Arirang” tour!
May tatlong concert date ang pitong miyembro sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan, sa March 13, 14, at 16.
Ito ang magiging pagbabalik ng BTS sa bansa bilang isang grupo matapos ang huli nilang mga pagtatanghal dito noong 2017 at ang kani-kanilang mandatory military service sa South Korea.
The post BTS RM inspirasyon sa mental health course ng Stanford University! appeared first on Bandera.
