Category: Entertainment
• Lea Salonga ka-join sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit sa Maynila
Lea Salonga ka-join sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit sa Maynila
PHOTO: Instagram/@malaysianphilharmonicorchestra
BUKOD sa Hollywood superstar na si Angelina Jolie, isa rin sa mga inaabangang personalidad na makikibahagi sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit sa Maynila ang international Broadway star na si Lea Salonga!
Gaganapin ang naturang summit sa November 11 kung saan makakasama ni Lea sa isang espesyal na talakayan ang ABS-CBN News anchor na si Rico Hizon para sa session na pinamagatang “In Unison: Amplifying every voice in ASEAN.”
Hindi lang basta kwentuhan ang mapapanood sa naturang session dahil pagsasamahin din ang conversation at music.
Ayon sa opisyal na website ng event, tatalakayin ni Lea kung paano magiging hindi lamang karangalan at pagkakakilanlan ng Southeast Asia ang pagkamalikhain at kultura, kundi maaari rin itong maging kabuhayan para sa mas marami pang alagad ng sining sa rehiyon.
Baka Bet Mo: Lea Salonga hindi atat magdyowa uli, ayaw maghabol sa lalaki
<svg width="50px" height="50px" viewBox="0 0 60 60" version="1.1" xmlns=" xmlns:xlink=" stroke="none" stroke-width="1" fill="none" fill-rule="evenodd"><g transform="translate(-511.000000, -20.000000)" fill="#000000"><g><path d="M556.869,30.41 C554.814,30.41 553.148,32.076 553.148,34.131 C553.148,36.186 554.814,37.852 556.869,37.852 C558.924,37.852 560.59,36.186 560.59,34.131 C560.59,32.076 558.924,30.41 556.869,30.41 M541,60.657 C535.114,60.657 530.342,55.887 530.342,50 C530.342,44.114 535.114,39.342 541,39.342 C546.887,39.342 551.658,44.114 551.658,50 C551.658,55.887 546.887,60.657 541,60.657 M541,33.886 C532.1,33.886 524.886,41.1 524.886,50 C524.886,58.899 532.1,66.113 541,66.113 C549.9,66.113 557.115,58.899 557.115,50 C557.115,41.1 549.9,33.886 541,33.886 M565.378,62.101 C565.244,65.022 564.756,66.606 564.346,67.663 C563.803,69.06 563.154,70.057 562.106,71.106 C561.058,72.155 560.06,72.803 558.662,73.347 C557.607,73.757 556.021,74.244 553.102,74.378 C549.944,74.521 548.997,74.552 541,74.552 C533.003,74.552 532.056,74.521 528.898,74.378 C525.979,74.244 524.393,73.757 523.338,73.347 C521.94,72.803 520.942,72.155 519.894,71.106 C518.846,70.057 518.197,69.06 517.654,67.663 C517.244,66.606 516.755,65.022 516.623,62.101 C516.479,58.943 516.448,57.996 516.448,50 C516.448,42.003 516.479,41.056 516.623,37.899 C516.755,34.978 517.244,33.391 517.654,32.338 C518.197,30.938 518.846,29.942 519.894,28.894 C520.942,27.846 521.94,27.196 523.338,26.654 C524.393,26.244 525.979,25.756 528.898,25.623 C532.057,25.479 533.004,25.448 541,25.448 C548.997,25.448 549.943,25.479 553.102,25.623 C556.021,25.756 557.607,26.244 558.662,26.654 C560.06,27.196 561.058,27.846 562.106,28.894 C563.154,29.942 563.803,30.938 564.346,32.338 C564.756,33.391 565.244,34.978 565.378,37.899 C565.522,41.056 565.552,42.003 565.552,50 C565.552,57.996 565.522,58.943 565.378,62.101 M570.82,37.631 C570.674,34.438 570.167,32.258 569.425,30.349 C568.659,28.377 567.633,26.702 565.965,25.035 C564.297,23.368 562.623,22.342 560.652,21.575 C558.743,20.834 556.562,20.326 553.369,20.18 C550.169,20.033 549.148,20 541,20 C532.853,20 531.831,20.033 528.631,20.18 C525.438,20.326 523.257,20.834 521.349,21.575 C519.376,22.342 517.703,23.368 516.035,25.035 C514.368,26.702 513.342,28.377 512.574,30.349 C511.834,32.258 511.326,34.438 511.181,37.631 C511.035,40.831 511,41.851 511,50 C511,58.147 511.035,59.17 511.181,62.369 C511.326,65.562 511.834,67.743 512.574,69.651 C513.342,71.625 514.368,73.296 516.035,74.965 C517.703,76.634 519.376,77.658 521.349,78.425 C523.257,79.167 525.438,79.673 528.631,79.82 C531.831,79.965 532.853,80.001 541,80.001 C549.148,80.001 550.169,79.965 553.369,79.82 C556.562,79.673 558.743,79.167 560.652,78.425 C562.623,77.658 564.297,76.634 565.965,74.965 C567.633,73.296 568.659,71.625 569.425,69.651 C570.167,67.743 570.674,65.562 570.82,62.369 C570.966,59.17 571,58.147 571,50 C571,41.851 570.966,40.831 570.82,37.631"></path></g></g></g></svg>
View this post on Instagram
Layunin naman ng 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit na pagsama-samahin ang mga lider mula sa negosyo, pamahalaan, civil society, at mga organisasyong pangkawanggawa upang pag-usapan kung paano gagawing oportunidad ang mga hamon at pagbabago sa ekonomiya, gayundin ang pagsusulong ng mas malawak at inklusibong pag-unlad.
Samantala, sariwa pa sa alaala ng marami ang makasaysayang tagumpay ni Lea matapos siyang maging kauna-unahang Pinay na nagkaroon ng sariling bituin sa Hollywood Walk of Fame.
Umaasa ang broadway star na magsisilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga performer ang kanyang makasaysayang tagumpay, upang mas marami pang Pilipino ang mangahas mangarap at magpakitang-gilas sa international stage.
The post Lea Salonga ka-join sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit sa Maynila appeared first on Bandera.
Source link
• Korean superstar Park Bo-gum certified hairdresser na!
Korean superstar Park Bo-gum certified hairdresser na!
HINDI lang sa pag-arte at pagpapakilig magaling ang South Korean actor na si Park Bo-gum – may bago na naman siyang talent na maipagmamalaki!
Bumandera sa social media ang latest achievement ng Korean heartthrob matapos maipasa ang national technical qualification examination para maging certified general hairdresser.
Ayon sa The Korea Times, nakuha na ni Bo-gum ang kanyang qualification bilang hairdresser bago ang pagbabalik ng kanyang reality show na “The Village Barber 2” ngayong Nobyembre.
Hindi biro ang pinagdaanan ng aktor dahil napakahirap ng naturang pagsusulit, na may average passing rate lamang na 20 hanggang 30 porsiyento.
Baka Bet Mo: Korean superstar Park Bo Gum bakit nag-sorry kay Anne?
Nagsimula ang kaniyang journey bilang aspiring hairdresser sa unang season ng “The Village Barber.”
Sa kabila ng kanyang super busy schedule sa showbiz, nagsikap siyang mag-aral at maghanda para sa nasabing examination.
Gayunman, hindi siya pinalad sa kanyang unang pagsubok dahil hindi niya naipasa ang practical examination.
Pero hindi sumuko ang K-Drama star, sa halip na panghinaan ng loob, lalo pa niyang hinasa ang kanyang kakayahan habang naghahanda para sa ikalawang season ng programa habang tinutupad ang iba pa niyang commitments.
And finally, nagbunga rin ang kanyang pagsisikap matapos ngang maipasa ang examination sa ikalawang pagkakataon.
Hindi rin ito ang unang lisensiyang nakuha ni Bo-gum sa larangan ng hairstyling. Mayroon na rin siyang national barbering license na nakuha niya noong ginagampanan niya ang kanyang military service.
Dahil sa bagong achievement na ito, mas marami pang pagkakataon ang aktor na maipamalas ang kanyang husay sa hairdressing sa pagbabalik ng kanyang show.
Sa “The Village Barber 2,” muling mapapanood si Bo-gum kasama ang kaniyang mga celebrity friends sa pagpapatakbo ng isang hair salon sa isang tahimik na seaside village.
Hindi lamang pagpapaganda ng hairstyle ng kanilang mga customer ang kanilang misyon kundi maging ang pagbuo ng espesyal na ugnayan sa mga taong bibisita sa kanilang salon.
Muling makakasama sa programa si Lee Sang-yi, na bahagi rin ng unang season, habang bagong dagdag naman sa grupo si Ko Kyung-pyo.
Sa teaser na inilabas noong huling bahagi ng Oktubre, ipinasilip na rin ang bagong lokasyon ng kanilang salon na may magandang tanawin ng dagat at sikat ng araw.
Kapansin-pansin din ang bagong salon na napalamutian ng mga namumulaklak na baging na nagbibigay rito ng kakaibang ambiance.
Sa panibagong tagumpay ni Bo-gum, mukhang hindi lang acting skills ang dapat abangan ng kanyang fans. Ngayon, certified hairdresser na rin ang kanilang Oppa!
Mapapanood ang “The Village Barber 2” sa tvN ngayong Nobyembre.
The post Korean superstar Park Bo-gum certified hairdresser na! appeared first on Bandera.
Source link
• Good looks ni Jeo Ong may koneksyon daw sa Korean drama na Jumong?!
Good looks ni Jeo Ong may koneksyon daw sa Korean drama na Jumong?!
MUKHANG may Korean drama connection ang good looks ni Jeo Ong!
Bago pa man makilala bilang isa sa mga housemate na kinagigiliwan ngayon sa Pinoy Big Brother Collab 3.0, may nakakatuwang kwento na palang ibinahagi ang ina niyang si Janice.
Nabanggit na kasi noon ng nanay ni Jeo kung saan siya ipinaglihi noong ipinagbubuntis pa.
At sino pa nga ba? Walang iba kundi ang bidang karakter sa sikat na Korean historical drama na “Jumong”!
Baka Bet Mo: Jeo Ong ipinagtanggol ng celebrity dentist: Fresh breath yan
Mapapanood pa nga sa lumang vlog ng Ong Fam ang isang eksena kung saan nag-costume pa mismo ang binata para mas maging aliw ang pagpapaliwanag ni Janice.
“Sa hindi nakakaalam, si Jeo [Ong], pinaglihi ko ‘yan kay Jumong,” sey ng ina ng PBB housemate.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang tinutukoy ni Janice ay ang karakter na Jumong mula sa sikat na South Korean historical television drama na may parehong pamagat.
Ginampanan ito ng Korean actor na si Song Il-kook at naging patok na patok sa mga Pinoy nang ipalabas ang serye sa GMA Heart of Asia noong 2007.
Samantala, hindi rin naman nakapagtataka kung bakit maraming viewers ang napapatingin kay Jeo ngayong bahagi na siya ng PBB Collab 3.0.
Bukod kasi sa kanyang pagiging Adventure Boy-Next-Door ng Palawan, isa rin siya sa mga housemate na napapansin dahil sa kanyang good looks at charming personality.
Patunay rito ang isang eksena sa Day 3 episode ng programa na umere noong October 26.
Sa kanilang pag-uusap sa confession room, tinanong ni Kuya si Bela Arcal kung sino ang pinakapoging lalaki sa mga housemate.
Hindi man agad maalala ni Bela ang pangalan ng tinutukoy niya, malinaw naman ang kanyang description.
Ayon sa kanya, ang content creator na palaging nagsasabi ng “I got this” at nagsusuot ng bandana ang napansin niya.
Nang subukan niyang banggitin ang pangalan nito, nasabi niya ang “Jef Ong,” na agad namang itinama ni Kuya dahil si Jeo Ong pala ang tinutukoy niya!
Pero hindi lang mukha ang puhunan ni Jeo sa loob ng Bahay ni Kuya.
Napansin din ng viewers ang pagiging maasikaso at masipag niya, lalo na sa pagtulong sa mga gawaing-bahay.
The post Good looks ni Jeo Ong may koneksyon daw sa Korean drama na Jumong?! appeared first on Bandera.
Source link
• Boobsie may nakakalokang karanasan bago pumanaw si Ate Gay
Boobsie may nakakalokang karanasan bago pumanaw si Ate Gay
HINDING-HINDI malilimutan ni Boobsie Wonderland ang  huling pagkikita at pag-uusap nila ng kapwa komedyanteng si Ate Gay noong nabubuhay pa ito.
Naging parang eksena pa rin daw kasi sa comedy bar ang mga huling sandali ni Ate Gay o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay, nang bisitahin siya ni Boobsie sa kanilang bahay.
Pumanaw ang veteran comedian at kilalang impersonator ng Superstar na si Nora Aunor noong mismong All Saints’ Day, November 1, 2026 matapos makipaglaban sa cancer.
Sa guesting ni Boobsie sa “Fast Talk With Boy Abunda” kasama ang mga kapwa comedian din na sina Wacky Kiray at Pepita Curtis, ay naikuwento nga niya ang huling pagkikita nila ni Ate Gay.
Baka Bet Mo: Xian Gaza pinababayaran kay Alden Richards bill ni Ate Gay
Binisita raw niya si Ate Gay sa bahay nito sa Tondo, Manila pagkatapos ang isinagawang living funeral para sa yumaong komedyante sa Forest Lake Memorial Parks, Biñan, Laguna.
“After ng living funeral, naatasan po ako na ako yung humanap sa pamilya niya para mag-interview.
“Kasi yung ginawa po sa akin ni Ate Gay dati sa Wish Ko Lang, parang payback ko naman sa kanya dahil tinawagan po ako ng Forest Lake Funeral,” kuwento ni Boobsie.
Pagpapatuloy niya, “Medyo nakakatawa po kasi nung pagpunta ko sa pamilya niya, hindi ko ine-expect na nandun siya sa Tondo.
“So pagpasok ko ng bahay nila, sabi ng kapatid niya, ‘Ma’am Boobsie, diretso na po kayo sa itaas. Nandoon po si Ate Gay.’
“So nagulat ako. Nawala na sa focus ko yung pag-iinterbyu sa kanya. Pagpunta ko sa itaas, naka-oxygen siya. Sabi ko, ‘Ate Gay, anong nangyari sa ‘yo? Bakit ganyan?’
“Sabi niya, ‘Kahapon pa ako hindi makahinga.’ Nahihirapan daw siyang magsalita,” ani Boobsie.
Habang nagchichikahan daw sila ay na-focus ang tingin ni Boobsie ang oxygen tank ni Ate Gay, “Napansin ko yung tangke. Sabi ko, ‘Paanong hindi ka makakahinga, e, yung tangke, hindi nakabukas?”
“Opo, nakakatawa talaga. So ako, tawang-tawa talaga. Alam mo yung hindi kumukulo yung tangke?” natawang pag-alala pa ni Boobsie.
“Alam n’yo, umaga pa raw siya nakaratay nang ganoon. Dumating kami, ala-singko nang hapon.
“Ang ibig sabihin mula umaga hanggang ala-5 nang hapon, nagtitiis siya nang ganoon. Sabi ko, ‘Daddy (partner niya), buksan mo nga yung tangke!’ Sabi niya (Ate Gay), ‘Boobsie, buti na lang, dumating kayong mag-asawa!’ Sabi niya, ‘Hirap na hirap na ako. Mabuti pala, dumating kayo.’
“Napamura nga siya! Pagkabukas ng tangke, kumulu-kumulo na. Ay, yun pala, ganoon pala,” sabi pa ni
Boobsi sabay dialogue ng, “Ate Gay, I love you!”
The post Boobsie may nakakalokang karanasan bago pumanaw si Ate Gay appeared first on Bandera.
Source link
• Claudine kinukulit ng lalaking willing iwan ang partner, Boss Toyo nadawit
Claudine kinukulit ng lalaking willing iwan ang partner, Boss Toyo nadawit
Claudine Barretto, Boss Toyo
Sino kaya ang tinutukoy ng batikang aktres na si Claudine Barretto sa isang social media post na may gusto sa kanya at willing nitong iwan ang kasalukuyang partner?
“Ok ako makipagkaibigan sa kahit sino. Pero kung may partner ka at willing mo siyang iwan if sagutin kita malabo ‘yun. Sorry but I will never be the cause of another woman’s pain,” post ni Claudine sa kanyang Facebook kagabi, November 7.
Patuloy niya, “Sinabi ko na sa’yo iwasan mo ako pls lang nakakaabala at nakakabahala ka na salamat sa offer pero marami na kong mga kaibigan at ayokong ipaalam pa to sa partner mo.”
Baka Bet Mo: Claudine Barretto nagbabalak nang manirahan sa Samal Island?
Agad naman itong nag-trending at umabot pa nga sa mahigit 400 ang mga nagkomento, na karamihan ay binaggit ang pangalan ng vlogger, collector, at rapper na si Boss Toyo.
Isa sa nabasa namin mula sa netizen: “Si Boss Toyo? Malakas ang tama no’n kay Clau eh HAHAHAHHAHAHA Halata naman no’ng napanood ko‘yong pawnstar episode na guest si Ms. Claudine.”
Ngunit pagkalipas ng anim na oras ay agad na klinaro ng aktres ang pangalan ni Boss Toyo.
“Regarding sa post ko po. Wala po akong pinangalanan I just want to make it clear na hindi po ang kaibigan kong si Boss Toyo ang tinutukoy ko. Naglabas lang ako ng saloobin ko,” giit niya sa bagong post.
Humingi rin siya ng dispensa sa vlogger at sa partner nitong si Jhoy dahil nadamay sila at tina-tag ng netizens.
“Pasensya na Besh Boss Toyo at Loves Jhoy, I hope tigilan n’yo po ang pag-tag sa kanya ‘coz ayoko maging cause ng gulo ng isang pamilya kaya nga po ako nag-post ng ganu’n para tumigil ‘yung lalaking nangungulit sakin,” sey niya.
Dagdag na mensahe pa niya, “Besh pasenya na at sorry nadamay ka pa let’s all not be quick to judge ‘wag po tayo maging cause ng haka-haka at pamilya na pwede masira dahil sa naggu-guess lang tayo (emoji praying hands),  thank you & God bless you all.”
May nag-comment na ang ex-boyfriend nitong si Mark Anthony Fernandez daw ito, lalo’t napanood ang panayam ng aktor sa vlog na “Ogie Diaz Inspires” at inaming may project sila ni Claudine sa Vivamax.
Hmm, hindi kaya promo lang ito para umingay ang project ng ex-celebrity couple?
The post Claudine kinukulit ng lalaking willing iwan ang partner, Boss Toyo nadawit appeared first on Bandera.
Source link
• Ugali ni Marian Rivera inilantad ni Antoinette Jadaone: Grabe!
Ugali ni Marian Rivera inilantad ni Antoinette Jadaone: Grabe!
MARAMI palang alam ang direktor na si Antoinette Jadaone tungkol sa ugali ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Nagkaroon ng chance si Direk Tonet kasama ang kapwa niya direktor at co-host na si JP Habac na makachikahan si Marian sa kanilang “Ang Walang Kwentang Podcast.”
Ka-join din ni Marian sa naturang episode ang kanyang asawang si Dingdong Dantes bilang bahagi ng promo ng kanilang reunion movie na “Remember” na showing na sa November 11.
Sa isang bahagi ng interview ay naikuwento nga ni Direk Tonet ang naging experience niya noon bilang script con (script continuity) supervisor sa pinagsamahang teleserye nina Dong at Yanyan sa GMA 7 na “MariMar” at “Dyesebel.”
Baka Bet Mo: Marian Rivera sa ‘padlock’ isyu sa aktres: Napatawad ko na siya
Pinatunayan ni Direk Tonet kung gaano kabait at ka-generous si Marian sa kanyang mga katrabaho lalo na sa production staff.
“Si Yanyan noon nag-aartista na siya. Pero grabe ‘yung pag-angat nu’ng Marian Rivera, akala namin ano na snobbish na siya after,” pagbabahagi ng filmmaker about Marian.
“Isa siya sa pinaka-generous na mga artista. Naalala ko meron kaming ginagawang planner, may planner kami si Yanyan bumili siya.
“Nakulangan pa nga ako parang one dozen lang yata, two dozens lang. Bakit hindi 30?” natawang biro ni Direk Tonet.
Patuloy niya, “Pinuntahan ko pa sa bahay parang ganu’n…ano talaga hindi napunta sa ulo niya ‘yung pagiging MariMar niya.
“Minsan nga nakakalimutan niya na si Marian Rivera siya, parang biglang bibili sa gilid. ‘Ay, ‘te, si MariMar ka ha.’
“Kaya nakakatuwa na after MariMar, nasundan agad ng Dyesebel,” papuri pa niya kay Marian.
Ichinika rin ng direktor na lagi raw handa si Marian sa tuwing may mga nagdiriwang ng birthday mula sa production team ng kanyang mga projects.
“Yung likod ng kotse ni Yanyan maraming nakabangko na regalo kapag merong staff na may birthday, meron kang ibibigay. Tapos, lalagay mo ang happy birthday. Pinapili niya ako ng perfume!
“Doon ako nakaranas ng pabango na ang daming nangyayari,” sabi pa ni Tonet.
The post Ugali ni Marian Rivera inilantad ni Antoinette Jadaone: Grabe!  appeared first on Bandera.
Source link
• BALIKAN: Ang karumal-dumal na pagpatay sa aktres na si Nida Blanca
BALIKAN: Ang karumal-dumal na pagpatay sa aktres na si Nida Blanca
Ipinagluksa ng bansa ang karumaldumal na pagpatay sa respetadong aktres na si Nida Blanca, na natagpuang duguan at maraming saksak sa loob ng kaniyang sasakyan sa parking area ng isang gusali sa San Juan City noong Nobyembre 7, 2001.
Source link
• Sanya bilang cover star ng FHM Philippines: 'Sexy ay hindi lang sa pisikal'
Sanya bilang cover star ng FHM Philippines: 'Sexy ay hindi lang sa pisikal'
Grateful sa oportunidad na maging cover girl ng FHM Philippines, sinabi ni Sanya Lopez na ang pagiging sexy ay bukod pa sa pisikal na kaanyuan at umaasa siyang makikita sa kaniya ang women empowerment at pagtanggap sa sarili.
Source link