NASUBUKAN lang magbida sa isang teleserye ng aktor ay heto’t pinatanggal na niya sa next project ang aktres na dapat ay makakasama niya.
Naikuwento sa amin ng aming source ang ginawa ng aktor na pati production ng serye ay nagulat sa last minute instruction ng aktor na palitan ang aktres dahil may iba raw siyang gustong makasama.
Nalaman namin na ang ipinalit sa aktres ay bunga ng paglalambing sa aktor ng kapwa aktres dahil matagal na silang magkakilala.
Nalungkot kami para sa aktres dahil tuwang-tuwa pa naman ito nang malamang may project na siya dahil nga kailangan niya ito para sa pamilya niya, pero naunsiyami pa.
Anyway, base sa research namin ay wala pang major acting award ang aktor at pawang mga special awards lang ang natatanggap kapag dumadalo ito ng Gabi ng Parangal.
Hindi pa nito nasubukan ang ma-nominate sa Gawad Urian, FAMAS at The EDDYS, pero napansin naman siya ng PMPC Star Awards bilang New Male Personality pero hindi na nasundan pa.
Baka Bet Mo: Barbie Imperial pumalag sa isang blind item: NO MAN helped me achieve this
Marami na kaming naririnig tungkol sa aktor na may pagka-mahangin at maangas dahil galing sa may kayang pamilya.
At pangarap niya talagang mag-artista kaya kung anu-ano ang sinalihang audition para mapansin at dahil consistent siya kaya nakapasok na sa showbiz.
Curious kami kung operational pa ang coffee shop business ng aktor dahil nais namin siyang payuhan – magkape rin siya paminsan-minsan.
The post Maangas na aktor pinatsugi kilalang aktres sa next project! appeared first on Bandera.
