AMINADO ang premyadong aktor na si John Lloyd Cruz na nagbago ang kanyang buhay matapos isilang ang anak na si Elias.
Viral ngayon ang isang ad ng premyadong aktor kung saan ibinandera niya ang kuwento ng pangyayari sa kanyang buhay matapos dumating ang anak.
“John Lloyd po, nagbabalik. Meron lang ako sanang ikukuwento sa inyo tungkol sa isang taong nagbago ng buhay ko. Ang tinutukoy ko po ay ang favorite blessing ko, si Elias,” panimulang lahad ng aktor.
Pagpapatuloy niya, “Ganoon po talaga ano kapag tatay ka na? Lahat ng bagay, lahat ng desisyon, iniingatan mo. Siya ang priority pero inaalagaan pa rin niya ako.”
Baka Bet Mo: Trulili ba, John Lloyd Cruz, Isabel Santos naghiwalay dahil sa pera?
View this post on Instagram
Sa unang pagkakataon ay nagsama sa isang proyekto sina John Lloyd at Elias para sa isang kilalang gamot para sa mga nararamdaman nilang sakit, pagsakit ng ulo, at lagnat.
“Dada, ingat,” paggamit ni Elias sa sikat na litanya ni Lloydie para sa naturang brand.
Mukhang ito rin ang unang malaking brand endorsement ni Elias.
“Ilang beses ko nang narinig ‘yong ‘ingat.’ Pero kapag anak ko na ang nagsabi, ‘yan, mas ramdam ko. Mas lumalakas ako,” pagtatapos pa ni John Lloyd.
Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa pagsasama ng mag-ama.
“Ayan na, naipamama na ni John Lloyd ang ‘ingat’ kay Elias!” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Uyyy bakit parang nakaka teary eyes.. Ung feeling n hnd mo naman naging jowa pero namiss mo.”
“John Lloyd, beke nemen pwd kayo mag usap ni Patrick?” hirit naman ng isa.
Maging si Ellen Adarna ay super proud sa pagsasama nina John Lloyd at Elias sa isang malaking endorsement.
The post John Lloyd Cruz nagbago ang buhay nang maging ama: Siya ang priority! appeared first on Bandera.









