Maybelyn dela Cruz nagulantang sa family picture, may misteryosong kamay sa leeg!?

Maybelyn dela Cruz nagulantang sa family picture, may misteryosong kamay sa leeg!?

TRENDING ngayon ang nakakakilabot na larawang ibinahagi ng dating child star na si Maybelyn dela Cruz na kuha mula sa kanilang family trip sa Japan.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng dating child star ang “then and now” photos nila na noong 2015 ay sila lang ng asawang si Mike Fernandez at ngayong 2026 ay kasama na ang kanilang anak na si Olivia.

Ngunit ang masaya sanang family picture ay nabahiran ng katatakutan matapos mapansin ni Mabelyn ang kamay na tila nakasakal sa kanyang leeg.

Sa unang tingin ay hindi mo ito mapapamsin agad ngunit nang taasan niya ang brightness ng larawan ay mas naging malinaw ang misteryosong kamay sa kanyang leeg.

Baka Bet Mo: Cast ng ‘Home Along Da Riles’ may proyekto kayang binubuo?

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“A hand was wrapped around my neck in my camera roll for weeks—and I had no idea until I turned up the brightness this morning,” lahad ni Maybelyn.

Chika niya, wala namna daw nakatayo sa likuran nila nang kunan nila ang naturang larawan.

Pagpapatuloy ni Maybelyn, “This morning, I finally went to brighten the shadows on Olivia’s face—and my stomach just dropped. Nobody was standing behind us when we took this photo, yet there is clearly a hand wrapped around my neck.

“Adashino Nenbutsuji has been a resting ground for forgotten souls for centuries. Rather than react with fear, I am asking for your kindness. Hope you can say a prayer so whoever reached out to us that day may finally find peace.”

Marami naman sa mga netizens ang nag-react sa post ni Maybelyn.

“Shocks.. kinilabutan ako nung nakita ko,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Naku meron nga … sinasakal po kayo ng kamay.”

“Pag zinoom po, hair nyo po sya na nahati hati lang po kaya nagmukhang fingers,” chika naman ng isa.

The post Maybelyn dela Cruz nagulantang sa family picture, may misteryosong kamay sa leeg!? appeared first on Bandera.



Source link