Cassy Legaspi, Inigo Pascual magdyowa na nga ba?

Cassy Legaspi, Inigo Pascual magdyowa na nga ba?

USAP-USAPAN ngayon ng madlang netizens kung may namanagitan nga ba kina Iñigo Pascual at Cassy Legaspi.

Ito ay matapos ibandera ng young actress ang mga larawan nila ng young actor sa kanyang Instagram story.

Makikita sa naturang post na talagang malapit at clingy sina Cassy at Iñigo sa isa’t-isa.

Ang naturang post ay ang birthday greeting ng Kapuso actress para sa anak ni Piolo Pascual.

Baka Bet Mo: Cassy Legazpi sa pagkakahawig nila ni Han So Hee: I don’t see it

“no decent photos cause that’s just how we are

@inigopascual,” saad ni Cassy sa post.

Agad namang umani ng samu’t-saring komento ang naturang post.

Ang ilan ay nagtatanong kung may relasyon ba ang dalawa habang ang iba naman ay nagsasabing marahil ay sobrang close lang nina Cassy at Iñigo.

“Sila ba? Di ba dyowa niya si Michael Sager?” tanong ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Parang bagay rin naman si Cassy at Iñigo. Sila na kaya?”

“Parang magtropa lang naman sila. Hindi naman ako kinikilig,” hirit naman ng isa.

Samantala, wala pa namang paglilinaw sina Cassy at Iñigo hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

The post Cassy Legaspi, Inigo Pascual magdyowa na nga ba? appeared first on Bandera.

Source link