Sassa Gurl aminadong ubos pera bilang 1st time producer; ibinunyag showbiz crush

Sassa Gurl aminadong ubos pera bilang 1st time producer; ibinunyag showbiz crush

INAMIN ni Sassa Gurl na mahirap pa lang maging producer dahil naranasan niya ito sa pelikulang “Multwoh (Patay na Patay Sa’yo),” na kasama sa Puregold Cinepanalo Film Festival 2026 na idinirek ni Rodina Singh.

Ayon kay Sassa Gurl, sa line-up ngayon ng PCPFF 2026 ay siya lang ang transwoman at sa pakiwari niya ay walang magpo-produce ng pelikula nila kaya siya na lang.

“Itong pelikula na ito ay prinodyus ko kasi ‘yung mga istorya namin ay hindi rin nabibigyan ng pondo para ma-produce,” sey niya.

Chika pa niya, “Ang intention ko lang talaga rito ay para makapaggawa ng mga pelikula na magbibigay buhay sa mga istorya namin, ‘yun lang naman po talaga kaya ‘yung mabigyan ako ng opportunity na mapasali pa sa festival ng Puregold ay sobrang opportunity na at privilege.”

Baka Bet Mo: Sassa Gurl: Hindi pa ako ipinapanganak, katulong na si Mama

“Kaya talagang hindi ko sinasayang (bawa’t pagkakataon) talagang todo promote po ako kahit ubos na ang pera ko, nakakaloka!” seryosong kwento ni Sassa Gurl nang makausap namin sa nakaraang Cinepanalo Film Festival mediacon 2026 na ginanap sa Rosario Restaurant.

First time producer si Sassa Gurl kaya hoping na tangkilikin ang kanilang pelikula dahil sulit at masaya raw talaga ang “Multwoh (Patay na Patay Sa’yo).”

“Masaya talaga itong pelikula na ito magbibigay talaga tayo ng ligaya sa mga makakapanood, worth it naman, sana masuportahan n’yo ako,” saad ng katunggaling Panalong Aktres ni Xyriel Manabat sa CPFF Awards Night soon.

Natanong si Sassa Gurl kung ano ang mga natutunan niya bilang producer ng pelikula.

“Producing this ay first time kong ginawa, pero hindi ko first time umarte pero first time kong naging lead sa isang pelikula at malaking bagay iyon at first time ko ring maghatak ng mga artistang malalaki at beterana para rito and I had so much care and investment to the film na talagang hindi ko pinabayaan, inalagaan ko na parang baby sister ko, proud ako na nasimulan at proud din ako na natapos namin with the help of the community (LGBTQIA+) at marami pang mga artists,” paliwanag ng producer-actress.

Ano nga ba ang kwento ng “Multwoh”? Bakit patay na patay sa’yo ang titulo at napangiti si Sassa Gurl dahil malaking porsiyento ng kwento ay sarili niyang experience.

“Big experience ko po ito, karamihan sa atin ay nagkaroon ng bet (type) na hindi natin nasabi na bet natin sila. Ako marami akong mga crushes (at) hindi nila alam na naging crush ko sila.

“Ang kwento po kasi sa buhay ni Marcel (Sassa Gurl) ay isang UP student na sobrang patay na patay sa lalaking si Miguel (Joao Constancia) na ang tanging want lang naman talaga ni Marcel ay normal, maka-graduate, at magkaroon ng trabaho.

“One day ang lalaking bet na bet niyang si Miguel biglang bumalik kasi gino-ghost siya before.  ‘Yung lalaking nagpakilig ulit, so, nataranta si ate, chance na kasi niya ito para umamin, e, namatay siya. Namatay si ate kaya ang tanging hang up niya in life at hang up niya after life ay magsabi ng ‘I Love You’ at doon tatakbo ang istorya,” pagbabahagi ng bida ng “Multhow.”

Aliw ang pelikula kaya nang ipalabas ang trailer nito sa nakaraang mediacon na ginanap sa Quantum Skyview, Gateway Mall 2 ay tawanan ang mga tao, sabi nga ni Sassa Gurl, nakakatakot, nakakatawa, nakakaiyak, at nakakagulat ang pelikula nila.

Kaya ang tanong ay sino ang crush niya sa showbiz at napatili si Sassa Gurl dahil ayaw niyang i-reveal dahil nahiya pero kinulit namin.

“Nu’ng natapos kaming mag-shoot, nasabi ko kay Joao na crush ko siya, ayyy (tumili). Nagulat siya, naloka siya, sana kinilig siya, sana walang pandidiri.

“Lahat naman tayo kahit isa may hang up in life and this film would tell you na it’s okay to take a risk na kahit sino ka pa, babae, trans, tomboy, bakla. Walang gender ang pag-risk and it’s worth the try na mag risk,” pahayag ni Sassa Gurl.

Bukod kay Sassa Gurl, kasama rin sa pelikula sina Phi Palmos, Gaia Poly, Inah Evans, Iya Mina, at Joao Constancia mula sa direksyon ni Rodina Singh.

Magsisimula ang CinePanalo Film Festival 2026 sa September 23 hanggang October 4 at mapapanood ito sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, at Market! Market!

The post Sassa Gurl aminadong ubos pera bilang 1st time producer; ibinunyag showbiz crush appeared first on Bandera.

Source link