HINDI man sangkot sa personal na buhay ng kanyang mga dating alaga, nagbigay pa rin ng kaunting kwento si Comedy Queen AiAi delas Alas tungkol sa dati niyang talent na si Jon Gutierrez, na mas kilala bilang King Badger.
Sa guesting ni AiAi sa pilot episode ng KALURKS! ng GTV, tinanong siya ni DJ Jhai Ho tungkol sa dating miyembro ng Ex Battalion, lalo na’t muling naging usap-usapan ang pangalan ni Jon kaugnay ng mga isyung may kinalaman sa kanyang love life.
Pero bago pa man magkaroon ng malalim na sagot, nilinaw agad ni AiAi na may isang bagay siyang hindi pinakikielamanan bilang dating manager.
“Alam mo actually ‘yung mga alaga ko dati hindi ako nakikialam sa mga personal nilang buhay. Sa love life nila hindi ako nakikialam,” giit ni AiAi.
Baka Bet Mo: AiAi Delas Alas hindi kayang ipa-deport si Gerald Sibayan: Baka magalit si Lord!
Dagdga niya, “Pero ang masasabi ko lang, as a manager nila dati, si Jon, si Badger ay isa sa pinakamabait kong alaga ‘yan. Mabait ‘yan, mabait na bata ‘yan, sumusunod ‘yan. Kung ano sinabi ko, ‘Oh! Badger, ganito’.”
Ayon pa nga sa aktres, “Yes, mama” ang madalas na sagot ni Jon kapag may ipinapagawa o sinasabi siya.
“Siya ‘yung talagang pala-‘Yes, mama.’ Sumusunod siya sakin. Kaya ‘yung personal nilang buhay, actually lahat sila, hindi ko sila pinapakialaman,” sey ng batikang komedyana.
Muli ring iginiit ni AiAi na iba ang pakikitungo niya sa trabaho bilang manager kumpara sa personal na buhay ng kanyang mga dating alaga.
“Ang sinasabi ko lang, si Badger as a talent, mabait siyang tao kasi sumusunod siya sa akin,” aniya.
Sa madaling salita, kahit may mga pinag-uusapang isyu tungkol sa love life ng kaniyang dating talent, pinili ni AiAi na manatili sa kanyang lane at huwag makialam sa personal na desisyon nito.
The post AiAi delas Alas sa love life ng dating alagang si Jon Gutierrez: ‘Di ako nakikialam! appeared first on Bandera.
