Khalil Ramos game na game makipaghalikan sa lalaki sa 1 kondisyon

Khalil Ramos game na game makipaghalikan sa lalaki sa 1 kondisyon

Khalil Ramos at Ian Pangilinan

PAYAG na payag ang actor-singer na si Khalil Ramos na makipaghalikan sa kapwa lalaki sa isang acting project.

Si Khalil ang lead star sa Boys’ Love o BL-themed movie na “Patay Gutom”, na isa sa pitong official entry sa 2026 Puregold CinePanalo Film Festival (CPFF).

Mula sa direksyon nina Carl Papa at Ian Pangilinan na co-star din ni Khalil sa movie, iikot ang kwento ng “Patay Gutom” sa isang binatang may third eye.

At habang bukas nga ang ikatlo niyang mata, makikilala niya ang ghost ng isang lalaki na hahantong sa isang espesyal na friendship.

Nakachikahan ng media ang aktor sa grand mediacon at announcement ng official entries ng 3rd Puregold CinePanalo Film Festival kamakailan.

Ayon sa boyfriend ng Kapuso star na si Gabbi Garcia, super excited na siya sa bagong challenge na ito sa kanyang showbiz career na first time niyang gagawin.

Sa teaser ng “Patay Gutom” may eksenang muntik na silang maghalikan ni Ian Pangilinan kaya naman natanong si Khalil kung willing ba siyang makipag-kissing scene sa kanyang co-actor.

Baka Bet Mo: Gabbi Garcia nagkaroon ng PCOS: Be kinder to yourself

“As long as the script goes for it, I am a firm believer na story is king, and the scene is required to communicate the truth, and that’s good,” ang diretsahan niyang sagot.

At in fairness, all out daw ang support ni Gabbi sa kanyang BL project, “She’s actually very excited nang nakita niya ang teaser. The both of us were very much excited to see it. Hopefully, we get to attend the premiere.”

Matatandaang nanalo si Khalil bilang best actor sa 2nd CinePanalo Film Festival para sa “Olsen’s Day”, ka-tie si JP Larroder for “Tigkiliwi.”

At ngayong taon nga ay may entry uli siya, “Of course, very grateful. Naging suki na nga ako dito at it’s so nice to be able to ahh be blessed and just, you know, do what I still love doing which is acting.

“I’m very blessed to be part of another entry here in CinePanalo, at mukhang mas malaki ang CinePanalo this year. Nakakatuwa! Mas maraming tao, mas maraming filmmakers. And mas masaya,” aniya pa.

Kasama rin sa “Patay Gutom” sina Cris Villanueva, Agot Isidro, Mikoy Morales, Gio Gahol, at Erlinda Villalobos.

Magsisimula ang CinePanalo Film Festival 2026 mula September 23 hanggang October 4 sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay at Market! Market!

The post Khalil Ramos game na game makipaghalikan sa lalaki sa 1 kondisyon appeared first on Bandera.

Source link