Rayver Cruz ibinunyag nabasted noon dahil sa pagiging ‘super nice guy’

Rayver Cruz ibinunyag nabasted noon dahil sa pagiging ‘super nice guy’

PHOTO: Instagram/@ivorjullian

HINDI pala porke’t gwapo, charming, at jolly ay siguradong pasado agad sa ligawan!

Naranasan din kasi ni Rayver Cruz ang mabasted, at aminado siyang isa sa posibleng dahilan ay dahil sobra siyang naging “nice guy” sa babaeng nililigawan niya noon.

Sa pagharap ng aktor-host sa “Your Honor,” binalikan niya ang isang karanasan noong late teens siya, kung kailan todo effort siyang manligaw sa isang babae.

“Mga late teens, late teenager, like parang mga 19. Noong time na ‘yun, okay naman kasi may gusto ako ligawan, tapos tina-try ko pormahan. Tapos alam ko naman may patutunguhan, kaso masyadong super, super, super nice guy ‘yung atake ko, e. Siguro to the point na hindi na naman ‘yung magwo-work for her,” chika ng aktor.

Dito naman napaisip si Chariz Solomon kung baka naging “boring” ang dating ni Rayver sa nililigawan niya.

Baka Bet Mo: Rayver Cruz dumaan sa ‘butas ng karayom’ para sa parents ni Julie Anne

Agad naman itong sinang-ayunan ng aktor.

“Yes, thank you for the word, thank you. E, ‘yun din ‘yung na-feel ko. Hindi ko naman siya masisi, ‘di ba? So, siguro may iba rin siyang nagustuhan. Pero ang okay lang naman doon sa taong ‘yun, sinabi naman niya na wala nang pupuntahan,” sey ni Rayver.

Nakwento rin ni Rayver ang naging payo sa kanya ng kanyang kuya matapos siyang masaktan sa rejection.

“Okay lang ‘yan. At least alam mo na. Kaya next time, dapat maginoo, pero medyo bastos,” sabi raw sa kanya ni Omar noon.

Sa kasalukuyan, masaya ang love life ng aktor dahil karelasyon niya ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

Matatandaang naging public ang relasyon ng dalawa noong 2022.

The post Rayver Cruz ibinunyag nabasted noon dahil sa pagiging ‘super nice guy’ appeared first on Bandera.

Source link