#WalangPasok: November 16-18 idineklarang special non-working days sa NCR

#WalangPasok: November 16-18 idineklarang special non-working days sa NCR

IDINEKLARA ng Palasyo na special non-working days ang mga petsang November 16 hanggang 18, 2026 sa Metro Manila dahil 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Ang pagtitipon, na dadaluhan ng mga lider mula sa Timog-Silangang Asya at iba pang mga bansa, ay gaganapin mula November 10 hanggang 12, habang ang ilang kaugnay na aktibidad ay magpapatuloy hanggang November 15.

Ang kautusan ay inilabas upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko at bigyang-daan ang host country na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kalahok sa pagtitipon, ayon sa Proclamation No. 1447, na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto sa bisa ng awtoridad ng Pangulo noong September 17.

Baka Bet Mo: Jessica Sanchez excited sa ASEAN Summit 2026

β€œIn order to alleviate traffic and to allow the host country to secure the safety of participants in the said event, it is necessary to declare 16-18 November 2026 as special (non-working) days in the National Capital Region,” saad sa proklamasyon.

Ang Pilipinas ang host country para sa 49th Asean Summit, kung saan si Marcos ang nagsisilbing chair.

Ang pangunahing venue ay ang Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, habang ang iba pang mga aktibidad 

The post #WalangPasok: November 16-18 idineklarang special non-working days sa NCR appeared first on Bandera.

Source link