HINDI napigilan ng TV host-actress na si Toni Gonzaga ang maging emosyonal matapos niyang makarga sa unang beses ang anak ng bunsong kapatid na si Alex Gonzaga.
Sa isang video na ibinahagi ni Alex sa kanyang Facebook page, mapapanood ang madamdaming sandali sa magtiyahin.
Maingat ngang kinarga ni Toni ang pamangkin na si Baby Isaac habang pinapanood sa kanyang bisig ang munting anghel.
“After years of watching me play with her kids, it’s finally my turn to see my older sister carry my own baby. She’s officially a Tata now, too!!” saad ni Alex.
Baka Bet Mo: Toni Gonzaga inilantad kung bakit magkaiba personality nila ni Alex
View this post on Instagram
Ang pagdating ni Isaac ay nagbigay kay Toni ng isa pang espesyal na titulo sa pamilya, kung saan buong pagmamalaking ipinagdiriwang ni Alex ang pagiging tiyahin ng kanyang nakatatandang kapatid sa kanyang unang pamangkin.
Ipinakita rin ng masayang sandaling ito ang mas malambot na bahagi ng pamilyar at mapagbiro nilang relasyon bilang magkapatid.
Bagama’t tila naantig si Alex nang makita si Toni na karga ang kanyang anak, hindi niya napigilang lagyan ng katatawanan ang mahalagang sandaling ito.
Pabirong ipinahiwatig niya na maaaring may isa pang responsibilidad na naghihintay sa bagong “Tata” ng kanyang anak—ang pagtulong sa matrikula ni Isaac sa kolehiyo.
“Isaac is lucky to have you as her tata, ate.!! Kahit pang buong college tution lang sisss Toni Gonzaga,” sabi ni Alex sa caption.
Bukod rito, sa bandang dulo ng video ay makikita ang bunsong anak ng kanyang ate na tila nagseselos sa bagong adisyon sa kanilang pamilya.
The post Toni Gonzaga emotional nang kargahin si Baby Isaac: Officially a tata too! appeared first on Bandera.
