LTO ipinatawag TV personality, suspendido dahil sa road violations

LTO ipinatawag TV personality, suspendido dahil sa road violations

IPINATAWAG ng Land Transportation Office (LTO) ang hindi pinangalanang TV host kaugnay sa nag-viral na video na umano’y nagpapakita ng ilang paglabag sa batas-trapiko, kabilang ang hindi pagsusuot ng seatbelt habang nagmamaneho at paglabas ng sasakyan habang nasa gitna ng kalsada.

Sa inilabas na pahayag ng ahensya nitong Martes, September 22, naglabas sila ng show cause order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang SUV matapos nilang matanggap ang naturang video ng mga kilalang personalidad na nagre-record ng kanilang sarili habang kumakanta sa loob ng umaandar na sasakyan.

Ayon sa LTO, mapapanood na walang suot na seatbelt ang TV host habang nagmamaneho.

Bukod pa rito, napansin din ng ahensya sa bandang dulo ng video na bumaba ang drayber mula sa sasakyan habang nasa kalsada at iniwang bukas ang pinto ng sasakyan bago muling sumakay.

Baka Bet Mo: Niño Muhlach 2 years bawal mag-drive, lisensiya binawi ng LTO

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Dahil dito, inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at drayber ng SUV na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa Setyembre 29, 2026 para sa pagdinig,” mababasa sa inilabas na statement.

Inaatasan ang drayber na magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag, kasama ang mga kaukulang dokumento, upang ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat managot sa mga posibleng paglabag, kabilang ang hindi pagsusuot ng itinakdang seatbelt device at reckless driving.

“Gayundin sa posibleng pagdeklara sa drayber bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa pagsuspinde o pagbawi ng kanyang lisensya sa pagmamaneho,” sabi pa ng LTO.

Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na pahayag ang mga hosts na kabilang sa naturang video.

The post LTO ipinatawag TV personality, suspendido dahil sa road violations appeared first on Bandera.



Source link