HINDI napigilan ng Kapuso actress-comedienne na si Pokwang ang maikumpara ang Kapaskuhan noon sa Christmas ngayong taon.
Sa video na ibinahagi niya sa Instagram, inilabas niya ang saloobin habang naglalagay sila ng Christmas decorations sa kanilang bahay.
“Late na kami naglagay ng mga dekorasyon. Dati, September pa lang, kabit kabit ka na ng mga dekorasyon, mag-i-start ka na,” panimula ni Pokwang.
Pagpapatuloy niya, “Alam mo, napuna ko lang, sa panahon ngayon, wala na masyadong nagde-decorate. Naiintindihan ko naman kasi ang mahal-mahal ng kuryente.”
Baka Bet Mo: Pokwang type maging leading lady ni Bailey May: Why not!?
View this post on Instagram
Chika pa ni Pokwang, noong araw ay excited ang mga tao sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
“Dati nu’ng mga bata tayo, sabi nila ang Pilipinas ang may pinakamahabang Pasko. September pa lang, nandyan na ang mga dekorasyon. Hindi ba?
“Noong mga panahon na ‘yan hindi pa masyadong mahal ang bilihin. Kung mahal man, hindi natin masyadong ramdam kasi mga bata pa tayo noon. Ang alam lang natin, tumbang preso, maglandi-landian, laru-laruan kaya hindi natin nararamdaman. Pero ngayong may sari-sarili na tayong pamilya, naghahanapbuhay tayo, nagkakanya-kanya tayong sikap, nararamdaman na talaga natin ang hirap sa panahon ngayon,” lahad pa ni Pokwang.
Naloloka at naninibago lang daw siya dahil noong mga nagdaang taon ay makikita mong umpisa pa lang ng ber months ay puno na ang mga dekorasyon sa bahay ngunit ngayon ay bihira na lang ang nagde-decorate.
Kahit nga si Pokwang ay nagtitipid na rin at recycled na lang ang mga Christmas decors.
“Ayoko sanang isipin na parang nawawala na ‘yung spirit [ng Pasko], ‘yung nae-excite tayo kapag Pasko. Kasi nga ang hirap na rin ng buhay talaga.
‘Pero ang importante, alam natin ang spirit of Christmas. Alam natin kung bakit may Pasko. Yun ang importante tsaka mapangiti natin ang mga bata because Christmas is for children,” pagtatapos ni Pokwang.
The post Pokwang pansin ang tamlay ng Pasko ngayong taon: Ang hirap na rin ng buhay talaga appeared first on Bandera.
