NAPIGILAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang plano na “mass shooting” sa isang paaralan Batac, Ilocos Norte, mismong bayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag umamin ang isa mga menor-de-edad na nagplano na isasagawa ang pag-atake sa darating na Disyembre 16, unang araw ng Simbang Gabi.
Aniya limang estudyante ang target at may tatlong kabataan ng nasa kustodiya ng ahensya. Nakumpiska sa kanila ang isang baril.
Baka Bet Mo: Robin Padilla umapela ng ceasefire sa ASEAN Summit protests
Ibinahagi ni Matibag na nadiskubre nila ang plano base sa impormasyon mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos.
Idinagdag pa ng opisyal na ang plano ay napag-usapan sa isang chat group ngayon buwan at ang pangunahing suspek ay biktima ng bullying sa paaralan simula noong siya ay Grade 7.
Napanood ng suspek ang ilang videos ng Columbine school shooting, na nangyari noong 1999.
The post NBI napigilan Simbang Gabi mass shooting sa Ilocos Norte appeared first on Bandera.
