HINDI na bago sa mga Pinoy ang pagkahilig sa Japanese food.
Mula ramen, sushi, at takoyaki hanggang sa mga pagkaing may Japanese twist, tila laging may puwang sa puso at tiyan ng mga Pinoy ang mga pagkaing mula sa Japan.
Pero paano kung pagsamahin ang Japanese flavors at isang paboritong comfort food ng mga Pinoy… ang burger?
Ito ang isa sa mga konseptong nais ipakilala sa mas maraming Pinoy ng Japanese-style burger concept na unang dumating sa bansa mula Fukuoka, Japan.
Kamakailan, opisyal nang binuksan ang ikalawang branch ng Masajiro Burger Philippines sa The Podium sa Ortigas, kasunod ng unang branch nito sa Glorietta sa Makati.
Baka Bet Mo: Kaila Estrada ibinandera Japan trip kasama si Daniel Padilla
<iframe src=" width="500" height="735" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Ayon kay co-owner Claudia Joson, nagsimula ang kanilang kwento nang matikman nila mismo ang burger sa Fukuoka.
“So Masajiro Burger is actually a franchise from Fukuoka, Japan. So they have about six branches specifically in Fukuoka, Japan. We decided to bring it here in the Philippines because we actually kind of had like a light bulb moment. The first time that we tried it in Canal City in Fukuoka, we really enjoyed their golden buns. And we wanted the Filipinos and the Pinoys to try it also,” chika ni Claudia sa BANDERA.
Ayon kay Joson, kabilang sa kanilang mga tampok na produkto ang tinatawag nilang “golden buns” na ginagawa at bina-bake araw-araw. Gumagamit din sila ng Japanese wagyu patties at homemade sauces.
Pero dahil isinasaalang-alang din nila ang panlasa at eating habits ng mga Pinoy, hindi rin nawala ang isang bagay na halos hindi pwedeng mawala sa hapag ng maraming Pilipino, ang kanin!
Kung sa Fukuoka ay burgers at sides ang pangunahing laman ng menu, nagdagdag naman sila ng rice meals para mas akma sa panlasa ng Filipino diners.
“We considered how Filipinos really love our rice, so we had to create rice meals that would be fit for the Filipino palate also. So all the rice meals that you see in our menu, it’s all exclusive for the Philippine branches,” paliwanag ni Claudia.
<iframe src=" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
Sa ganitong paraan, makikita kung paano inaangkop ng mga food business ang ilang konsepto mula ibang bansa sa panlasa at eating habits ng mga Pinoy.
Hindi man bago ang Japanese food sa Pilipinas, patuloy naman itong nagkakaroon ng iba’t ibang anyo habang naghahanap ang mga food business ng paraan para maging pamilyar at relatable sa Filipino diners ang kanilang mga produkto.
The post Pinoy cravings: Bakit patok ang Japanese-style burger sa Pinas? appeared first on Bandera.
