MAY matagal nang nachichika tungkol sa naging closeness nina Nyoy Volante at Jennylyn Mercado, pero ngayon lang may nilinaw ang singer ang tungkol dito.
Sa kanyang pagharap kay Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong si Nyoy kung niligawan ba niya noon ang aktres-singer.
“Jennylyn and I, during those times, there was a point in time when we really became close. She was watching my shows,” sey ni Nyoy.
Dahil dito, napunta ang usapan sa mga dating balita tungkol sa kanilang dalawa at maging sa umano’y pagkaselosa ni Mark Herras noong panahong iyon.
Baka Bet Mo: Nina ayaw pa ring makatrabaho ang ex-dyowang si Nyoy: Hindi kami OK!
Napangiti naman si Nyoy sa tanong tungkol dito at ang sagot niya: “Wow, that’s intense. Ah, I didn’t know about that.”
Pero ang mas nakakaintriga, naging opisyal nga ba ang namagitan sa kanila?
“There was no label,” diretshahang pag-amin ni Nyoy.
Paglilinaw pa niya, “What we had was what we had. It wasn’t—I mean, it was there. I was definitely very fond of her. But as I said, whatever we had before, it’s not for being safe, it didn’t have a label or anything. All I know is that we became very close before.”
Ibig sabihin, kahit may closeness at espesyal na pagkakaibigan sa pagitan nila noon, walang naging malinaw na label ang kanilang relasyon.
Sa kasalukuyan, parehong may kanya-kanyang buhay na sina Nyoy at Jennylyn.
Si Nyoy ay married sa theater actress na si Mikkie Bradshaw, habang si Jennylyn naman ay asawa ng aktor na si Dennis Trillo.
The post Nyoy Volante isiniwalat relasyon nila noon ni Jennylyn Mercado: Walang label! appeared first on Bandera.
