Chito Roño binengga si Ruby Ruiz: ‘Dura lang, ‘di ka marunong?’

Chito Roño binengga si Ruby Ruiz: ‘Dura lang, ‘di ka marunong?’

Ruby Ruiz at Chito Roño

NAKATIKIM ng matinding pang-ookray ang award-winning veteran star na si Ruby Ruiz mula sa premyadong filmmaker na si Chito Roño.

Hindi pa rin nakakalimutan ng beteranang aktres ang naging karanasan niya kay Direk Chito nang mag-audition siya para sa isang pelikula nito.

Nakachikahan ng BANDERA at ilang piling member ng entertainment media si Ruby sa presscon ng pelikulang “Status: Rejected” para sa nationwide screening nito sa mga sinehan simula sa November 18.

Nagwaging best actress si Ruby Ruiz sa nasabing pelikula para sa Cinemalaya Film Festival 2026 kung saan naka-tie niya si Pokwang for her entry “2 Valid IDs.” 

Kuwento ni Ruby, nag-audition daw siya noon para sa pelikulang “Signal Rock” kung saan sinabihan siya ni Direk Chito na dumura nang malayuan.

E, hindi raw talaga siya yung tipo ng tao na dumudura kung saan-saan kaya naman ilang beses pinaulit sa kanya ng premyadong direktor ang eksena.

Ang sabi raw sa kanya ni Direk Chito, “’Ano ba yan, dura lang, ‘di ka marunong?’ And ‘wala kang karapatang mag-artista.’”

Baka Bet Mo: Kris Aquino, Bimby nakita si James Yap sa ospital, ‘utang’ ipinaalala

“Tinawag niya ako, (tapos sinabihan niya ako), ‘Do you know that you can’t even carry a character?’” kuwento pa ng aktres.

Pagpapatuloy pa niya, “So parang na-derail talaga ako when he said that ‘you can’t carry or sustain a character,’ na-derail pa ko. 

“Paano yon? Bakit pa ‘ko nag-artista? So parang sinasabi niyang wala kang karapatan. Of course, interpretation ko yon. Hindi naman siguro siya ganu’n ka-harsh.

“All throughout my life, I was gearing myself to become an actress and then somebody tells me whom I admire so much and tells me that I can’t carry a character. Nagkasakit ako dahil dinibdib ko yon,” sabi pa ni Ruby.

Pero sa ending, nakasama rin si Ruby sa “Signal Rock” na pinagbidahan ni Christian Bables kung saan napuri naman siya nang bonggang-bongga ni Direk Chito na nag-dialogue pa raw ng, “Yes, she can act.” 

Ang “Status Rejected” ay mula sa direksyon ni Vahn Leinard C. Pascual na bukod sa Best Actress na naiuwi ni Ruby Ruiz ay siya ring nanalo ng NETPAC Award at napiling makipaglaban sa First Feature Competition ng 30th Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia. 

Ito’y mula sa produksyon ng Clever Minds at Black Cap Pictures at showing na sa mga sinehan nationwide simula sa November 18.

The post Chito Roño binengga si Ruby Ruiz: ‘Dura lang, ‘di ka marunong?’ appeared first on Bandera.

Source link