Ugali ni Marian Rivera inilantad ni Antoinette Jadaone: Grabe! 

Ugali ni Marian Rivera inilantad ni Antoinette Jadaone: Grabe! 

MARAMI palang alam ang direktor na si Antoinette Jadaone tungkol sa ugali ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Nagkaroon ng chance si Direk Tonet kasama ang kapwa niya direktor at co-host na si JP Habac na makachikahan si Marian sa kanilang “Ang Walang Kwentang Podcast.”

Ka-join din ni Marian sa naturang episode ang kanyang asawang si Dingdong Dantes bilang bahagi ng promo ng kanilang reunion movie na “Remember” na showing na sa November 11.

Sa isang bahagi ng interview ay naikuwento nga ni Direk Tonet ang naging experience niya noon bilang script con (script continuity) supervisor sa pinagsamahang teleserye nina Dong at Yanyan sa GMA 7 na “MariMar” at “Dyesebel.”

Baka Bet Mo: Marian Rivera sa ‘padlock’ isyu sa aktres: Napatawad ko na siya

Pinatunayan ni Direk Tonet kung gaano kabait at ka-generous si Marian sa kanyang mga katrabaho lalo na sa production staff.

“Si Yanyan noon nag-aartista na siya. Pero grabe ‘yung pag-angat nu’ng Marian Rivera, akala namin ano na snobbish na siya after,” pagbabahagi ng filmmaker about Marian.

“Isa siya sa pinaka-generous na mga artista. Naalala ko meron kaming ginagawang planner, may planner kami si Yanyan bumili siya.

“Nakulangan pa nga ako parang one dozen lang yata, two dozens lang. Bakit hindi 30?” natawang biro ni Direk Tonet.

Patuloy niya, “Pinuntahan ko pa sa bahay parang ganu’n…ano talaga hindi napunta sa ulo niya ‘yung pagiging MariMar niya.

“Minsan nga nakakalimutan niya na si Marian Rivera siya, parang biglang bibili sa gilid. ‘Ay, ‘te, si MariMar ka ha.’

“Kaya nakakatuwa na after MariMar, nasundan agad ng Dyesebel,” papuri pa niya kay Marian.

Ichinika rin ng direktor na lagi raw handa si Marian sa tuwing may mga nagdiriwang ng birthday mula sa production team ng kanyang mga projects.

“Yung likod ng kotse ni Yanyan maraming nakabangko na regalo kapag merong staff na may birthday, meron kang ibibigay. Tapos, lalagay mo ang happy birthday. Pinapili niya ako ng perfume!

“Doon ako nakaranas ng pabango na ang daming nangyayari,” sabi pa ni Tonet.

The post Ugali ni Marian Rivera inilantad ni Antoinette Jadaone: Grabe!  appeared first on Bandera.

Source link