KALIWA’T kanang pang-ookray ang natikman ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo mula sa mga basher sa social media.
Pinagpiyestahan ng mga netizens ang mga video at litrato ni Carlos kung saan makikita ang palpak na performance niya bilang gymnast.
Sumablay kasi ang dyowa ni Chloe San Jose sa vault category ng Artistic Gymnastics Competition ng 2026 Asian Games nitong Lunes, September 21.
Batay sa napanood naming video clip, mapapanood na sa unang pag-attempt ni Caloy ay nawalan siya ng balanse at bumagsak paupo.
Sa ikalawa naman niyang attempt ay makikitang bahagya uli siyang nawalan ng balanse pero in fairness, nagawa naman niyang bumagsak nang nakatayo.
Sa mga comments na nabasa namin sa socmed, may mga nanghinayang at nakisimpatya sa hindi kagandahang performance ni Carlos pero meron ding nambasag sa kanya nang bonggang-bongga.
Baka Bet Mo: Chloe San Jose may pasabog, irerespeto lang nanay ni Carlos Yulo kung…
May ilan pa ngang nagsabi na mukhang nakarma ang Olympic medalist dahil sa pagtrato nito sa kanyang mga magulang. Narito ang reaksyon ng mga netizens:
“Ayan na ang karma.”
“Buti nga sayo natalo ka. Karma is real.”
“Honor your both parents.”
“Mukhang malakas manalangin si mother.”
“Bukod sa karma, palaos na HAHAHA.”
“‘Yan tuloy bagsak hehe maganda talaga maayos relasyon sa magulang kahit ano pa ‘yan.”
“Kung gaano kataas ang lipad, ay siya rin pabagsak.”
“Andami kong tawa, twoball na bagsak.”
“‘Yang kayabangan mo ang magpapatalo sayo, sayang ang gold.”
Samantala, nagtapos sa ika-9 na puwesto si Carlos matapos makakuha ng 75.465 na score sa men’s all around event.
Ang nakababata naman niyang kapatid na si Karl Eldrew Yulo ay nagtapos sa ika-7 puwesto na may score na 77.264.
Hindi man pinalad sa men’s all around event, lalaban pa rinnang magkapatid na Yulo sa susunod na events.
Sasabak sa finals ng floor exercise, vault at floor exercise si Carlos habang lalaban sa floor exercise finals si Karl Eldrew.
The post Carlos Yulo inokray pagbagsak sa 2026 Asian Games, karma raw appeared first on Bandera.
