MATINDI rin pala ang pinagdaanan ng Kapuso star na si Yasmien Kurdi nu’ng kasagsagan ng isyu sa kanyang anak kaugnay ng school bullying.
Sa unang pagkakataon, naglabas ng mga resibo si Yas kung gaano naapektuhan ang kanyang mental health habang nakikipaglaban para sa anak na si Ayesha na nabiktima ng mga bully sa kanilang school.
Nag-post ang celebrity mom sa Facebook ng mga litrato kung saan makikita ang mga pinagdaanang pagsubok sa kanyang personal and family life nitong mga nagdaang taon.
Isa sa mga pictures na ibinahagi ni Yasmien ay ang pagkakaroon niya ng sakit sa balat dahil umano sa labis na stress at pangamba nang mabiktima ng school bullying ang panganay na anak.
Makikita sa litrato ang kanyang braso na tadtad ng rashes.
Ayon kay Yas, malaki raw ang naitulong sa kanya ng pagpasok sa Law school para gumaling siya at makalimutan ang trauma nilang mag-ina.
“Bakit daw sa akin naging healing ground ang law school?
“After everything my family and I went through, I needed something to distract my mind from the pain and trauma. Hindi na-address ang bullying kahit ilang beses na kaming nagreklamo,” simulang pagbabahagi ni Yasmien.
Baka Bet Mo: Yasmien Kurdi todo-fan girl kay Lea Salonga: ‘Well-deserved star!’
Patuloy niya, “Na-hospital ang anak ko for 2 weeks dahil sa anxiety at nag-therapy for 6 months after the December 2024 incident para lang bumalik sigla niya.
“Tapos nag stop pa siya class kailangan ulitin ang buong year in just 2-3months,” kuwento ng aktres.
Naospital din daw siya habang lumalaban para makamit ang katarungan sa dinanas ng kanyang anak, “Dahil sa sobrang stress at pag-aalala ko sa kanya, ako naman ang sumunod na nag-ER dahil nagkaroon ako ng matinding urticaria.
“I was breastfeeding at the time, kaya kinailangan ko ring itapon ang mga breast milk ko,” saad ni Yasmien.
“Ganun ka-traumatic yung pinagdaanan namin ng pamilya ko, and sabay pa noon ang postpartum period ko. Naalala ko every detail ng trauma na pinagdaanan ng anak at pamilya ko sa school na iyon,” dagdag ni Yasmien.
At last year nga ay nagdesisyon siyang mag-aral ng abogasya, “Kahit pagod sa dami ng readings, cases, recitations, at deadlines, I found myself enjoying being busy with something completely different.
“Law school became my healing ground,” sey pa ni Yasmien sa hiwalay na post.
Patuloy pa niya, “Hindi ibig sabihin na walang stress sa law school. Pero ibang klaseng stress siya.
“Kasi may choice ka naman kung mag-stay ka o hindi. It keeps my mind occupied, gives me purpose, and helps me focus on something positive instead of constantly reliving what happened.
“Kaya for me, law school became my healing ground. #NeverForget #NoToBullying,” ang sey pa ni Yasmien.
The post Yasmien Kurdi na-ER dahil sa stress, inatake ng matinding urticaria appeared first on Bandera.
