ULTIMATE dream pa rin hanggang ngayon ng TV host-actress na si Atasha Muhlach ang gumanap na “Dyesebel” sa teleserye o pelikula.
Ang tanong ng kanyang mga fans, ito na kaya ang niluluto at pinaghahandaan ng Viva Entertainment para sa next project ng “Eat Bulaga” Dabarkads?
Sa isang panayam sa anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, kinumpirma niya na may bagong proyekto siyang gagawin sa Viva pero hindi pa raw puwedeng sabihin.
Ngunit ayon sa kakambal ni Andres Muhlach, kung may pangarap daw siyang gawing bonggang pelikula in the future, gusto niyang i-remake ang “Dyesebel” na ginawa noon ng mommy niyang si Charlene.
“‘Yan ang dream ko. ‘Yan ang dream role ko talaga,” sabi ni Atasha.
“Dream ko talaga… maging leading lady, ‘yan po, ang role na nakikita ko sa mom ko po. And growing up, akala ko talaga ‘yung nanay ko po sirena.
“So, para sa akin, sobrang big dream din ‘yun,” sabi pa ni Atasha.
* * *
Talaga namang nangunguna sa puso ng mga Pilipino ang mga programa ng GMA 7.
Ayon sa Nielsen TV Audience Measurement data, 29 sa Top 30 programs para sa buwan ng Setyembre 2026 ay mula sa Kapuso Network.
Baka Bet Mo: KMJS nag-sorry sa ‘hate post’ laban sa AzVer duo ng PBB Collab Edition
Nangunguna sa listahan ang Kapuso Mo, Jessica Soho, na sinusundan ng 24 Oras, The Voice Kids, The Master Cutter, at The Clash Teens.
Kasama rin dito ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, Taskforce Firewall, Family Feud, Magpakailanman, The People Have Spoken, BBL Gang/BG 30 Batang Bubble Ako, Born to Shine, Kamao, 24 Oras Weekend, Tadhana, It’s Showtime, Love Siargao, First Yaya, FPJ sa GMA, Barangay Love Stories, GGV: Gandang Gabi Vice, Wish Ko Lang, Daig Kayo ng Lola Ko, Fast Talk With Boy Abunda, Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso, Farm to Table, Regal Studio Presents, Maria Clara at Ibarra, at All-Out Sundays.
The post Atasha Muhlach wish maging Dyesebel; 29 GMA show pasok sa Top 30 appeared first on Bandera.
