Sofronio Vasquez kay Michael Bublé: Para ko na siyang tatay at kuya

Sofronio Vasquez kay Michael Bublé: Para ko na siyang tatay at kuya

Sofronio Vasquez at Michael Bublé

IBINANDERA ng Filipino singer at “The Voice USA” champion na si Sofronio Vasquez III ang mas malalim na koneksyon nila ngayon ni Michael Bublé.

Ayon kay Sofronio, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magiging super close sila ng international singer. 

Si Michael Bublé ang naging coach ni Sofronio sa “The Voice USA” na umere noong 2024 kung saan siya nga ang itinanghal na grand winner.

Pero knows n’yo bang ang gusto sanang piliin ng binata bilang coach ay si Gwen Stefani at hindi si Michael? 

Sa panayam ng “Think, Talk, Tea” inalala ni Sofronio ang naging journey niya sa 26th season ng “The Voice USA” kung saan lumikha siya ng kasaysayan to be the first Asian to win the title under Coach Michael.

Umani siya agad ng standing ovation sa blind auditions pa lang kung saan lahat ng coach – Michael, Gwen, Snoop Dogg at Reba McEntire – ay umikot. 

Sey ni Sofronio, “Kasi kapag sumali ako kay Michael Bublé, eh idol ko nga siya, baka ma-starstruck lang ako sa kaniya kapag kausap ko siya…I was thinking na gusto kong mag-Gwen kasi si Gwen, hindi ko siya masiyadong ka-genre.

“Ako since iniisip ko na hindi ko alam kung anong genre ako, punta na lang ako kay Gwen,” paliwanag niya. 

Baka Bet Mo: Sofronio Vasquez balik sa ‘Tawag ng Tanghalan’, magiging hurado na

Patuloy ng binata, “Itong si Michael Bublé nu’ng nag-pitch na sila, talagang lumuluha na siya, ‘Please give me the opportunity to give back to the Philippines,” pagbabalik-tanaw ni Sofronio. 

Ayon pa sa singer, mas lumalim pa ang kanilang naging pag-uusap kesa sa ipinakita sa televised Blind Auditions. 

Ibinahagi raw ni Michael ang kuwento kung paano umunlad ang kanyang career at kung paano nakaimpluwensiya sa kanyang journey ang mga karanasan niya sa Asia, partikular na sa Pilipinas.

Ayon sa Filipino singer, nabanggit ni Michael ang OPM icon na si Martin Nievera habang ikinukuwento kung paano siya nahirapang makilala sa industriya ng musika sa Amerika bago niya nakamit ang mas malawak na pagkilala sa pamamagitan ng kaniyang mga pagtatanghal sa Asia.

“Pinag-usapan si Martin Nievera, kasi he started as nobody sa industry. Walang naniwala sa kaniya sa Amerika for years, ito ‘yung kwento niya. Not until nagpunta siya ng Asia and then one of the few sold-out concerts niya was Philippines.

“Then he became the Michael Bublé that we know. So gusto niya mag-give back,” ani Sofronio. 

Sabi pa niya, nagpatuloy ang suporta sa kanya Michael on and off cam, “Hindi talaga siya pang TV lang. Kaya hanggang ngayon, everytime na tumatawag siya or nagri-ring ‘yung phone ko kapag Michael Bublé, nag-i-screenshot talaga ako kasi hindi ko alam kung mauulit pa ba eh.”

Dagdag pa niya, “Friends na kami. Para ko na nga siyang tatay or kuya. Pero I always get the jitters kapag tumatawag siya. Unang-una ang daming taong nakapalibot sa kaniya pero at that moment, ikaw ‘yung iniisip niya.

“Isa rin talaga ako sa mapalad…si Michael Bublé talaga iba as a person. Mapagmahal siya. I felt like he was also tested by time,” kuwento ni Sofronio.

Nagpatuloy ang kanilang collaboration kahit matapos na ang “The Voice.” Noong Nobyembre, 2025, inilabas ang kanilang version ng Christmas song na “Maybe This Christmas.” 

The post Sofronio Vasquez kay Michael Bublé: Para ko na siyang tatay at kuya appeared first on Bandera.

Source link