INAMIN ng premyadong aktres na si Cherry Pie Picache na gusto niyang gantihan ang taong pumatay sa kanyang inang si Gng. Zenaida Sison.
Binalikan ni Ms. Pie ang naging journey niya sa pagtanggap at pagpapatawad matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa kanyang nanay noong September 19, 2014.
Sa panayam ng “I-Listen” ni Kara David, makalipas ang 12 taon, ibinahagi ng aktres na hindi naging madali para sa kanya ang patawarin ang taong pumatay sa pinakamamahal niyang ina.
Mahigit 30 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng Gng. si Zenaida matapos pagnakawan ng kanyang helper na si Michael Flores sa bahay nito sa Scout Lazcano, Quezon City.
Pinatawan ng korte si Flores ng 20 hanggang 40 taong pagkakabilanggo matapos mapatunayang nagkasala.
View this post on Instagram
Sinugod ni Cherry Pie ang suspek nang makita niya ito sa unang pagkakataon dahil sa sobrang galit at naisip na gumanti dahil sa sinapit ng ina.
Ngunit after how many years, nagawa rin niyang patawarin si Flores na binisita pa niya sa kulungan.
Baka Bet Mo: Cherry Pie di pa rin maka-move on sa brutal na pagpatay sa ina
“Ano naman ‘yun, process. Ang tagal. Three years. So, I think, hindsight, siguro, malaking tulong na… ‘di ba ‘yung wala kang masyadong aversion du’n sa mga PDL (persons deprived of liberty), ‘di ba? Tapos alam mo, open ka, ‘yung gano’n, nakasalamuha mo na sila, alam mo ang sitwasyon,” pagbabahagi ng aktres.
Patuloy niya, “Pero kasi, ‘di ba, kapag may nangyari sa ‘yo ‘yung ganu’n, wala ka naman talaga ibang kakapitan kundi faith eh. ‘Yun lang naman talaga.”
Inalala niya ang naging sign sa pagpapatawad niya sa pumatay sa ina, “One time sa Mass, when I was praying ‘Our Father,’ tapos ‘yung ‘Give us this day our daily bread, and forgive us our sins…’
“So parang may sumagi lang (sa isip ko) na parang humihingi ako ng tawad pero punung-punong ng galit, saka ng vengeance ng paghihiganti ‘yung puso ko,” ani Ms. Pie.
Inamin nga niya na may mga pagkakataon na gusto niyang gantihan ang pumatay sa nanay niya, “Kasi siyempre, ‘di ba, natural, in that process, let’s say, ‘yung mga earlier months ‘yun eh, siyempre, nandiyan ‘yung gusto mong gumanti. Nagalit ka, gusto ipaganyan.
“And then, ‘yun ‘yung question ko. Bakit parang gusto kong patawarin?” sabi ng beteranang aktres.
Malaking bahagi raw ng healing journey niya ang pakikipag-usap sa mga kaibigan niyang pari, “Doon na ako nag-pathway to forgiveness. Tapos, nag-talk na ako nang nag-talk. So, ‘yun. Three years until ‘yung it happened.” l
Sabi raw niya noon sa isang interview, “Naniniwala kasi ako, to forgive is a grace. It’s always a grace. It’s given. It’s a gift from God. So you pray. You process it. Hindi naman kailangan madaliin.
“I think that’s when the actual healing happened. Kasi ‘yung makita mo ‘yung assailant mo na talagang remorseful, nagsisisi. Alam mong nagsisisi siya.
“I think sa biktima, malaki ang tulong. I think nga, ‘pag nangyari ang isang violence sa isang tao na wala sa sarili niya, I think it’s harder for them. Kasi ‘pag bumalik na sa tamang katinuan, pagsisisihan nila ‘yun,” dugtong ni Cherry Pie.
“Kaya sa isang PDL, meron din silang process. Kaya sila may three months isolation for extreme cases. Kasi kailangan nilang mapatawad din ‘yung sarili nila.
“I think that was the hardest part. And that was what I realized nu’ng nakausap ko rin siya (Flores). Nagsisisi siya, pero at that time, hirap siya,hindi pa lubos.
“So, ang sinasabi ko rin sa kanya, ‘Pinatawad na kita, patawarin mo na sarili mo. So that, ‘yung dignity mo as a human being, bumalik ka na in your right senses. Now you’re back to how you are created. Trabahuhin mo na rin,’” anang aktres.
Hindi raw humingi ng tawad sa kanya si Flores, “Kasi I think, ang responsibilidad naman, humingi ng tawad o hindi, nasa sa ‘yo ‘yun. Kung pupunuin mo ng galit, ‘di ba? May option ka eh. Kung pupunuin mo ng galit, ng paghihiganti, ng poot, ng negative emotion ng sarili mo. So, hindi kailangan humingi ng sorry.”
Nagbigay din siya ng advice sa mga taong dumaraan sa mga katulad na pagsubok, “Ikaw naman, siguro, bilang victim, in whatever circumstance, nasa sa ‘yo na ‘yun eh. Kasi kung bibitbitin mo nang bibitbitin, parang ang daming baggage.”
“Pero ang diperensya, ‘yung pangalawang pagkakataon na binibigay natin sa kaniya, na ibalik niya ‘yung dignidad niya bilang tao. Kahit na pinagbabayaran niya ‘yung kasalanan niya,” pahayag ni Cherry Pie.
The post Cherry Pie Picache gustong gantihan pumatay sa ina, pero… appeared first on Bandera.
