Ai Ai delas Alas ibinuking nalalaman tungkol kay Alden Richards

Ai Ai delas Alas ibinuking nalalaman tungkol kay Alden Richards

Alden Richards at Ai Ai delas Alas

PINATUNAYAN ng Comedy Queen at veteran actress na si Ai Ai delas Alas ang kabutihan ng puso ni Alden Richards.

Isa si Ai Ai sa mga nagtanggol sa Asia’s Multimedia Star sa gitna ng pagpapakalat ng social media personality na si Xian Gaza ng kung anu-anong malilisyosong balita tungkol sa binata.

Sa kanyang Instagram page, ibinandera ni Ai Ai ang ginagawang pagtulong ni Alden sa ibang tao, kasama na siya na ayaw daw nitong ipaalam pa sa publiko.

Mensahe ng beteranang komedyana, “Matagal na kami close neto ni David (marami ako tawag dyan kung ano anong name hahaha).

“Napaka neto sa maraming bagay, napaka harot, generous, mabait, sensitive sa mga pangangailangan ng mga kasama nya sa industriya lalo na sa mga kaibigan nya.

“Maiinis to kasi ayaw nyang sinasabi mga naitulong nya,” ang mababasa sa IG post ni Ai Ai.

Naikuwento rin niya ang ginawang pasorpresa ni Alden sa dati niyang restaurant.

Baka Bet Mo: Alden Richards natatakot tumandang walang dyowa: I don’t want that to happen 

“Anyways matagal na to may restaurant ako dati sa may abs tapos pumunta sya then kinausap nya ko ‘ipa renovate naten to ms ai.’

“Nyek sabi ko bago pa naman sabi nya basta ayun kinabukasan may architect and everything na.

“Nakakaloka yan sobrang ma surprise pero ayaw nya yang sinasabi secret lang namin parate so ngayun hindi na,” lahad pa ng aktres.

Sa huli, nangako si Ai Ai kay Alden na palagi lang daw siyang nandiyan para sa kanya.

“Labyu david God bless you always .. dito lang ako always lalo na pag nasira ang zipper ng jacket mo haha tyatyagain ko yan hanggang tapos na ang show maayos ko yan @aldenrichards02,” ang sey pa ni Ms. Ai.

Sa comments section ay sumagot naman si Alden sa komedyana, “Mahal na mahal kita Ms. Ai touched ako, pero mas tawang tawa ako dito haha.”

The post Ai Ai delas Alas ibinuking nalalaman tungkol kay Alden Richards appeared first on Bandera.

Source link