HINDI na rin nakapagpigil ang aktor at provincial board member ng Nueva Ecija na si Jason Abalos na ilabas ang galit sa malawakang korapsyon sa pamahalaan.
Naglabas ng saloobin si Jason sa pamamagitan ng social media tungkol sa mga opisyal ng gobyerno na inaakusahan ng plunder o pandarambong.
Walang binanggit na pangalan ang aktor ngunit pinaniniwalaang may kaugnayan ito kay dating House Speaker Martin Romualdez na napabalitang maraming iniindang karamdaman matapos isilbi ang arrest warrant laban sa kanya dahil sa kinakaharap na plunder case.
Mababasa sa Facebook post ni Jason nitong nagdaang Lunes, September 14, “Don sa mga doctor na nang iimbento ng sakit para sa may plunder case, ikina proud kaya ng pamilya niyo yan?
“Bilyong piso ang pinag uusapang kaso niyan, nakakahiya naman don sa nakulong na nagnakaw ng sardinas para napakain ang pamilya,” aniya pa.
Bago dalhin sa Male Dormitory ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) sa Payatas, Quezon City, naratay muna sa Philippine General Hospital (PGH) si Romualdez.
Baka Bet Mo: Vice Ganda mas dumami pa ang endorsement matapos lumaban sa korapsiyon
Ito’y matapos siyang ma-diagnose ng “major depression with anxiety”. Ngunit nang bumuti na ang kalagayan ng kongresista ay iniutos na ng Sandigbayan na dalhin na siya sa Quezon City Jail.
Sinampahan ang dating House Speaker ng kasong plunder, isang non-bailable na kaso, dahil sa pagkakasangkot umano sa anomalya sa flood control projects na nagkakahalaga ng P7.4 billion.
The post Jason Abalos nanggigil sa may plunder case, binarag mga doktor appeared first on Bandera.
