MALAKING bahagi ng pagiging asawa at nanay ngayon ni Nikki Valdez ang mga naranasan niya noong pagkasawi sa pag-ibig.
Pinasalamatan ng award-winning Kapamilya actress ang kanyang past experience sa pakikipagrelasyon dahil mas tumatag at mas naging matapang pa siya sa buhay.
Nakachikahan ng BANDERA at ilan pang piling members ng showbiz media si Nikki sa naganap na Star Magic Spotlight presscon kamakailan.
Napag-usapan doon ang upcoming stage play ng Teatro Kapamilya at PETA Plus na “The Art of Breaking Up” kung saan isa sa cast members si Nikki.
Natanong ang aktres tungkol sa kanyang sentiments when it comes to breakup, “Dati nu’ng hindi pa ako masyadong natututo sa mga break-up ko, I would think that jumping to the next relationship would be the best answer.
“Akala ko the next person would make me happy,” paliwanag ni Nikki.
“I have to thank yung pain na naranasan ko from my past relationship because ang dami niyang itinuro sa akin, and I wouldn’t be the strong person now kung hindi ko naranasan yung mga yun,” aniya pa.
“Embracing the pain and learning from the experience” is the key para makapag-move on sa heartbreak.
Baka Bet Mo: Nikki Valdez 5 years naka-share ng dressing room si Gloria Romero
“Allow the pain first, acknowledge it. Allow your journey na maranasan yun lahat yun and then learn from it kasi wala naman ibang makakatulong sa ‘yo kundi ang sarili mo,” sey ng aktres.
Super happy ngayon si Nikki sa piling ng kanyang asawang si Luis Garcia kasama ang anak niyang si Olivia Ysabelle.
Samantala, gumaganap si Nikki bilang si Lou sa “The Art of Breaking Up” at isa lamang siya sa napakaraming cast ng play.
“Kaya marami kami, it comes in vignettes, ‘yung ipi-feature niya ‘yung per story of a breakup, but the characters are somehow connected. Basta maganda siya, ‘yung web ng characters,” chika ni Nikki.
Ang “The Art of Breaking Up” ay sa panulat ni late George de Jesus III at mula sa direksyon ni Dudz Teraña. Mapapanood ito mula November 6 hanggang December 6, 2026, sa PETA Theater Center.
Kasama rin dito sina Jake Cuenca, Janella Salvador, Yen Santos, Bibeth Orteza, Carlitos Siguion-Reyna, at Ruby Ruiz.
Nasa play din sina Teroy Guzman, Brent Manalo, JC Alcantara, Anna Luna, Analain Salvador, Jel Tarun, Yesh Burce, at AJ Sison.
The post Nikki Valdez sa ilang beses na breakup: Ang daming itinuro sa akin appeared first on Bandera.
