TULUYAN nang nagsalita ang dyowa ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose kaugnay sa kanyang pagbanggit sa ina ni Rene Baterbonia sa isyu sa pamilya ng mga Yulo.
Sa pamamagitan ng isang Instagram story, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe sa kanya ng isang netizen kung saan kinukuwestiyon nito ang kanyang ginawang pagdawit kay Rovelyn Baterbonia hinggil sa isyu ng pamilya ng kanyang dyowa.
“Why would you attack rene’s mom? Nanay nalang ni caloy since involved naman talaga kayo dun. Pero a dead person’s mom na oo mahirap at tinulongan ng anak nung buhay pa na mabuhay ibang kapatid pero di sya katulad ng nanay ni caloy na bumili ng house and lot at kotse. Literal for survival yun,” panimulang talak ng netizen kay Chloe.
Pagpapatuloy niya, “Sobrang layo. Nag ttrabaho din naman sila mag asawa. Mahirap lang talaga sila kaya kahit mga anak kinailangan tulungan sila. She deserves an apology na tinataint mo yung name nya sa isang sugalero na nanay. Ang layo!”
Baka Bet Mo: Chloe San Jose binatikos, ina ni Rene damay sa isyu ng mga Yulo?
View this post on Instagram
Nagpasalamat naman si Chloe sa nagpadala ng mensahe sa kanya at nilinaw ang ilang mga punto na dapat niyang malaman.
“I genuinely appreciate the added perspective, based on this, I can see that the situation is more nuanced.
“I can’t imagine the pain of losing a child, and I truly believe him and his parents deserve justice,” sabi ni Chloe.
Aniya, bagamat naiintindihan niya na ang ginagawa ng ina ni Rene ay para masuportahan ang kanilang pamilya, alam niyang may iba pang paraan para gawin ito.
“I also understand that some of their actions are ultimately about survival and supporting the family.
“I still believe there are other ways to earn a living without continually relying on their story, collections or belongings. But I also recognise that I’m looking at it from the outside,” sabi pa ni Chloe.
Sakali raw na humingi ng tulong ang pamilya ni Rene sa kanya ay agad siyang tutugon.
“If their family ever reaches out for help, I’m more than willing to help in the way I can.
“Hence, apologies for the misunderstading. I still hope and look forward to both mothers’ meet up!” pagtatapos ni Chloe.
The post Chloe San Jose sa pagsali sa ina ni Rene: Apologies for the misunderstanding appeared first on Bandera.
