Jackie Gonzaga kay Vice: Nandiyan siya for me kahit ano’ng mangyari

Jackie Gonzaga kay Vice: Nandiyan siya for me kahit ano’ng mangyari

Vice Ganda at Jackie Gonzaga

ISANG “fantasy turned reality” para sa TV host-dancer na si Jackie Gonzaga ang maging 2027 Calendar Girl para sa isang liquor brand.

Ni-launch recently si Ate Girl bilang GSM Calendar Girl para sa 2027 at para sa dalaga, isa itong dream come true para sa kanya.

Sey ni Jackie sa question and answer segment ng event, “Yun yung tinatawag natin na upgrade! Ha-hahaha! Na-upgrade tayo! Sobrang daming tumatakbo sa isip ko. Happiness, gratefulness, sadness.

“Talagang masasabi ko na yung fantasy naging reality kasi sa isang babae, parang ang saya sa feeling na makita mo sarili mo sa calendar. 

“Ang empowering, ang ganda, iba yung aura na binibigay ng babae na nasa calendar. Feeling ko, pinaka-exciting na part ng pagiging calendar girl, yung mismong binigay sa ‘yo yung opportunity na ito kasi hindi naman lahat ng tao binibigay na na-o-offer ‘tong pagkakataon.

“Kaya ako, mapalad ako na nandito ako sa posisyon na ito ngayon kaya nakaka-excite. It’s another blessing na ipinapasalamat ko. Talagang masasabi mo na sa buhay mo naging calendar girl ako,” pagbabahagi pa ng “It’s Showtime” host.

Pag-amin naman ni Ate Girl-turned Calendar Girl, “Siyempre may pressure kasi napakalaking opportunity into na binigay sa akin at siyempre, grateful ako na sa akin ipinagkatiwala yung ganito ding opportunidad. 

Baka Bet Mo: Vice Ganda nagpakatotoo: Lahat naman tayo matitigok in the future, di ba?

“But more of the pressure, iniisip ko na sila yung mga idol natin eh, sila yung mga tinitingala. Sila yung standard. So parang malaking pasasalamat na dapat ganu’n. 

“Kung paano nila ibinigay yung 100 percent sa ginagawa nila, ganun mo din ibibigay para making maganda yung output. Madi-differentiate ako among other Calendar Girls.

“Feeling ko yung rawness ng pagkatao ko, kasi bawat tao may kanya-kanyang personalidad. And so feeling ko, kung ano ako ay yun din yung ibibigay ko. 

“Kung ano yung kulit ko, yung mga biro, mga tawa, mga lungkot, nakadikit na yana an akin guys, yung lahat ng makikita nila. 

“So yung pagka-pure ng emosyon ang maio-offer ko. Yun po yun. As in ako na ‘to!  Sinabi ko din na kapag may trabahong in-offer sa akin, walang pagdadalawang isip. Basta po trabaho yan tara go, gusto ko yan. 

“Kasi sa pagkatao ko, hindi ako namimili, eh. Parang alam ko mag-e-enjoy ako kasi pinasok ko itong larangan na ‘to eh. So lahat ng bumukas na opportunity, go!” aniya pa.

Nagpapasalamat siyempre si Jackie sa kanyang “Showtime” family sa suporta ng mga ito sa kanyang Calendar Girl era, lalo na sa manager niyang si Vice Ganda. 

“Sobrang saya nu’n. Isa yun sa mga taong masaya para sa akin, kung ano man ang mangyari sa buhay ko. No matter what, isa si Ate sa mga taong nandiyan for me kahit ano ang mangyari.

“Sobrang grabe yung support nila sa akin, not just sa blessings but even yung mga down moments ko nandiyan sila. 

“Kaya talagang sini-share ko sa kanila itong opportunity na ‘to, tong blessing na ‘to for me to the whole Showtime family, the hosts, the staff, the crew, everyone na nasa Showtime. This is our win. It’s a win for me and a win for everybody na mahal ako,” sey pa ni Jackie. 

The post Jackie Gonzaga kay Vice: Nandiyan siya for me kahit ano’ng mangyari appeared first on Bandera.

Source link