TALAGA namang Paskong puno ng pagmamahal, liwanag, at saya ang hatid ng GMA Network ngayong holiday season!
Unang ipinalabas ng Kapuso Network ang kanilang 2026 Christmas Station ID, ang “Liwanag Natin Ang Isa’t Isa,” noong Lunes, November 9, at umani agad ito ng mga positibong reaksyon sa mga nakapanood.
Tampok sa latest Christmas Station ID ang mga paboritong Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Dennis Trillo, Alden Richards, Heart Evangelista, Barbie Forteza, at marami pang iba.
Siyempre, nariyan din ang catchy na Christmas anthem titled “Liwanag Natin Ang Isa’t Isa,” na kinanta ng powerhouse Kapuso singers para sa holiday season this year.
Panoorin ang GMA Network 2026 Christmas ID sa kanilang website at official social media pages sa Facebook at YouTube.
Samantala, ang kantang “Liwanag Natin Ang Isa’t Isa” ay available na rin sa lahat ng digital streaming platforms.
Samantala, handang-handa na ang multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho na salubungin ang Pasko at ibahagi ang diwa nito sa iba, batay sa video interview na inilabas ng Kapuso PR.
Sabi ni Jessica, “Masarap sa pakiramdam na ikaw ‘yung nakakapagbigay ng liwanag sa ibang tao. Antidote to sadness, loneliness, get out of yourself…think of other people and extend some kindness to them.”
Baka Bet Mo: ALAMIN: Bakit Setyembre pa lang, Pasko na sa Pilipinas?
Kaya naman, excited na rin siyang ipamahagi sa kanyang pamilya at mga kaibigan ang sikat niyang macaroni salad na taon-taon niyang ginagawa.
“Ito po ‘yung paraan ko para ipakita ang aking appreciation sa lahat ng taong nakasama ko sa isang buong taon, sa lahat ng mga nakatulong sa akin, at siyempre sa aming family,” sey ni Jessica.
The post Jessica Soho Christmas tradition na pagreregalo ng macaroni salad appeared first on Bandera.
