Zsa Zsa Padilla nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid na si Sonny

Zsa Zsa Padilla nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid na si Sonny

PHOTO: Facebook/Zsa Zsa Padilla

MALAKING dagok para sa pamilya ng veteran singer-actress na si Zsa Zsa Padilla ang pagpanaw ng nakababatang kapatid na si Peregrine “Sonny” Padilla.

Siya ay 57 taong gulang.

Hindi man idinetalye ni Zsa Zsa ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang kapatid, ramdam sa kanyang mensahe ang bigat ng kanilang pinagdaraanan bilang isang pamilya.

“It is with deep sadness that we announce the passing of our dearest brother, Peregrine ‘Sonny’ Padilla,” bungad niya sa isang social media post.

“Sonny was deeply loved, and his passing leaves an immeasurable void in our family.

Baka Bet Mo: Zsa Zsa Padilla umapela ng work ethics sa mga Pinoy, tinawag na ‘entitled’

“We are grateful for the love, laughter, and memories we shared with him, which we will carry with us always,” mensahe pa ng batikang singer.

Para sa singer-actress, maaaring wala na sa kanilang piling si Sonny, pero mananatili naman ang mga alaala nito sa puso ng kanilang pamilya.

Kasabay ng malungkot na balita, humingi rin si Zsa Zsa ng panalangin para sa kanilang pamilya habang hinaharap nila ang masakit na pagkawala ng isa sa family member nila.

“We ask for your prayers for Sonny and for our family during this difficult time,” pakiusap niya.

Aniya pa, “Rest in peace, my dearest brother, Sonny. You will always be loved and forever missed.”

Si Zsa Zsa at Sonny ay kabilang sa anim na magkakapatid na anak ng yumaong world-renowned boxing referee na si Carlos Padilla Jr. at ng kanyang asawang si Esperanza Felipa Padilla.

Samantala, agad namang bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kaibigan, tagahanga at kapwa artista ni Zsa Zsa.

Kabilang sa nagpaabot ng mensahe sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Dawn Zulueta, Wendell Ramos, Gary Valenciano, at iba pang personalidad sa showbiz.

Nagbigay rin ng maikling mensahe si Karylle, anak ni Zsa Zsa, para sa kanyang yumaong tiyuhin.

“We love you Tito Sonny,” wika niya.

The post Zsa Zsa Padilla nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid na si Sonny appeared first on Bandera.

Source link