Xian Gaza sa madlang pipol: Start a new life abroad!

Xian Gaza sa madlang pipol: Start a new life abroad!

NAGBIGAY payo ang self-proclaimed “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza sa mga Pinoy na nananatiling nakatira sa Pilipinas.

Sa kanyang Facebook post, hinikayat niya ang mga kababayan na dapat umalis sa namda kung nais gumanda ang kanilang buhay.

“Leave the country. Start a new life abroad,” saad ni Xian.

Aniya, walang kahihinathan ang pananatili sa bansa at paglaban sa bulok na sistema ng gobyerno.

Baka Bet Mo: Xian Gaza titigilan na si Alden Richards: I will honor my word

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Fighting the system every 6 years will bring you nowhere. Poverty and misery lang aabutin mo,” pagpapatuloy ni Xian.

Chika pa niya, mas may kahihinathan pa ang pagsasakripisyo ng mga Pinoy sa ibang bansa kaysa manatili sa pagtatrabaho sa Pinas.

“But if you will suffer abroad for the next 6 years, may maipapamana kang good life sa mga anak at apo mo,” sabi pa ni Xian.

Sinasalamin lamang ng mga pahayag niya ang mapait na reyalidad na mararamdaman ngayon ng mga Pilipino.

“That’s our sad reality whether you hate it or not. So pipili ka lang either lumaban ka ng lumaban para sa bayan, just to benefit nothing. O maging selfish ka para sa mga mahal mo sa buhay?

“Your life, your choice. I pray na lahat ng pumuso sa post na ito ay makahanap ng magandang opportunity abroad sa along madaling panahon. God bless you,” banat pa ni Xian.

Pagtatapos niya, “Patriotism is great kung matutulungan mo muna yung sarili mo bago ang bayan. Ang hirap makipaglaban para sa iba kung ikaw mismo sa sarili mo ay hirap na hirap sa araw-araw.”

The post Xian Gaza sa madlang pipol: Start a new life abroad! appeared first on Bandera.



Source link