Xander Ford bet pumasok sa PBB: Kahit tagalinis lang

Xander Ford bet pumasok sa PBB: Kahit tagalinis lang

MULING nanawagan ang social media personality na si Xander Ford o si Marlou Arizala sa totoong buhay na sana’y mabigyan ng chance na makapasok sa Bahay Ni Kuya.

Sa kanyang naging Facebook live nitong Miyerkules, October 28, inihayag niya ang pagkalungkot dahil noon pa man ay pangarap na niyang makasali sa “Pinoy Big Brother”.

“Nakakalungkot lang kasi, alam mo ‘yon, pangarap ko talaga ‘yong makapasok ako sa bahay ni Kuya,” saad ni Xander.

Pagpapatuloy niya, “Pero syempre, ang hirap din naman ipipilit kong makapasok ako doon tapos hindi pala ako puwede doon. Siguro h’wag na lang.”

Baka Bet Mo: Xander Ford nagmakaawang bigyan ng raket: Kahit komedyante

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bago ang kanyang livestream, nauna nang mag-post ng video si Xander ng kanyang panawagang makasali sa “PBB”.

Kahit nga raw maging tagalinis ay ok lang sa kanya basta magkaroon siya ng trabaho.

“Hello, guys. This is Xander, ako ay taga Cavite. Ang Cute Daddy ng Cavite. Nanawagan ako kay Kuya at sa bumubuo ng Pinoy Big Brother na sana maka-guest artist ako sa inyo. Sana maging regular artist or regular housemate ng bahay ni Kuya.

“Dahil sa mga basher ko na gusto nila daw na makahanap ako ng trabaho kahit tagalinis lang po, gagawin ko diyan sa bahay ninyo,” lahad ng social media personality.

Hiling niya na makaabot sa mga bumubuo ng programa ang kanyang panawagan para mabuhay muli ang kanyang career.

“Gagawin ko po lahat-lahat ng aking makakaya. Syempre papatunayan ko na mabuti po akong tao at hindi po [ako] masama,” pagtatapos ni Xander. 

The post Xander Ford bet pumasok sa PBB: Kahit tagalinis lang appeared first on Bandera.



Source link