Kris Aquino nais ma-appoint sa DOH kung mabibigyan ng chance

Kris Aquino nais ma-appoint sa DOH kung mabibigyan ng chance

NAIS ng Queen of All Media na si Kris Aquino na ma-appoint sa Department of Health (DOH) kung mabibigyan ng pagkakataon at kapag naging maayos na ang kalusugan.

Sa kanyang naging guesting sa program ng kaibigan na “Fast Talk With Boy Abunda“, ibinahagi niya kung paano niya napagtanto ang mga maaaring gawin upang mapabuti ang sektor ng kalusugan sa bansa.

Ang kanyang mga nalalaman ay base sa kanyang mga karanasan sa kanyang pakikipaglaban sa autoimmune disease na hanggang ngayon ay ongoing pa rin ang kanyang pagpapagamot.

Amin niya, bukas siya sa pagpasok sa serbisyo publiko kung malusog lamang siya at may kakayahang gampanan ang tungkulin, isang bagay na iginiit niyang hindi pa niya kayang gawin sa ngayon.

Baka Bet Mo: Kris Aquino sa magiging jowa ni Bimby: Sana maganda ‘yung girl

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Yes, but I’m not healthy. My dad had always… parang yun ang akala nung dad ko para sa akin but we need a miracle. Hindi ibibigay ang lahat,” saad ni Kris.

Pagpapatuloy niya, “But ako, if ever, sana ma appoint na kung sino man ang mahahalal na maging ano DOH [Appointee] kasi sa experience ko.”

Dagdag pa ni Kris, alam na umano ng publiko na hindi siya magnanakaw ng pera ng taumbayan.

Nabanggit din niya ang ilan sa mga planong nais niyang ipatupad kung mabibigyan siya ng pagkakataong humawak ng naturang posisyon.

“Alam nilang hindi ako magnanakaw and yung mapababa lang ang cost ng gamot, ang laking bagay na. Maybe by not taxing the importation of medicine so high, we can already make it so affordable,” sey ng Queen of All Media.

Chika pa ni Kris, higit na kailangan ngayon ang mga tapat na lingkod-bayan ngunit iginiit niya na wala siyang partikular na taong tinutukoy sa kanyang pahayag.

“Feel ko kasi talaga na dapat ang mga naappoint yung alam ng taong may natabing pera na.

Wala po akong sinasabi at pinariringgan ngayon but I would think we deserve honest public servants,” pagtatapos ni Kris.

The post Kris Aquino nais ma-appoint sa DOH kung mabibigyan ng chance appeared first on Bandera.



Source link