Will, Mika, Vince, Shuvee sa bagong PBB housemates: Magpakatotoo lang!

Will, Mika, Vince, Shuvee sa bagong PBB housemates: Magpakatotoo lang!

Will Ashley, Mika Salamanca, Vince Maristela, Shuvee Etrata

HINDI kailangang magpanggap para magustuhan ng mga manonood! 

Ito ang mensahe ng mga dating housemate ng Pinoy Big Brother (PBB) sa mga bagong pasok sa Bahay ni Kuya sa nagpapatuloy na Pinoy Big Brother Collab 3.0.

Para kina Will Ashley, Mika Salamanca, Vince Maristela, at Shuvee Etrata, mas magandang ipakita ng mga bagong housemate ang kanilang tunay na personalidad.

“Don’t plan kasi the more you plan, hindi lalabas ‘yung totoong personality mo. Enjoyin mo lang talaga kung ano ‘yung meron sa loob ng bahay lalo na’t bagong bahay ‘yung papasukan nila ngayon, panibagong experience,” sey ni Will sa isang panayam.

May paalala rin si Mika sa mga bagong boarder: “I-enjoy mo muna ‘yung nasa loob kasi pagkalabas mo, wala kang magagawa kung hindi harapin ‘yung labas.”

Baka Bet Mo: Winwyn Marquez sa PBB 3.0: Ready na ‘kong mas makilala sarili ko 

“Kaya hanggang meron kang ‘shield na Bahay ni Kuya, live there [and] enjoy it. Mahalin mo ‘yun, kasi wala kang choice ‘pag labas mo, hindi ‘yun ‘yung makikita mo,” esplika pa niya.

Para naman kay Vince, isa sa pinakamahalagang aral na natutuhan niya sa kanyang paglahok sa PBB ay kung paano niya nakitang nagbago ang kanyang buhay dahil sa karanasang ito.

“Iniba niya talaga ‘yung buhay ko,” sambit niya.

Patuloy pa niya, “Lahat sinasabi nila na ang tunay na laban nasa labas ng Bahay ni Kuya. Totoong totoo ‘yun! And pagdating mo sa loob ng Bahay ni Kuya, para sa akin, kailangan mo talaga mag-immerse.”

Binigyang-diin din ni Vince na hindi dapat matakot ang mga bagong housemate na ipakita kung sino talaga sila dahil lamang sa pangambang baka hindi sila magustuhan ng publiko.

“Kailangan mo ipakita ‘yung totoong ikaw, ‘yung sarili mo, ‘yung personality mo. Huwag mo isipin na baka hindi ako magustuhan ng mga tao kapag ganito ako, ganyan,” giit ni Vince.

May mensahe rin si Shuvee para sa mga bagong housemate na nagsisimula pa lamang sa kanilang PBB journey.

“Magpakatotoo ka lang, huwag kang matakot! Don’t be afraid to be different,” sey niya.

Ibinahagi rin ng morenang aktres ang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap niya ngayon, kabilang ang iba’t ibang proyekto at endorsement.

“They gave me the career na I have now, so all I can do is to thrive in the industry, gawin pa ‘yung dapat kong gawin para mas marami pa ako matulungan,” aniya.

The post Will, Mika, Vince, Shuvee sa bagong PBB housemates: Magpakatotoo lang! appeared first on Bandera.

Source link