WALA mang diretsahang pag-amin, naniniwala ang madlang pipol na matagal nang magdyowa sina Will Ashley at Mika Salamanca.
Komento ng mga fans, playing beautiful music together na ang dalawang Kapuso Sparkle artist pero mukhang mas gusto nilang huwag muna itong isapubliko.
Naging bukas uli ang 9th The EDDYS Best Supporting Actor sa pagbabahagi ng ilang detalye tungkol sa estado ng relasyon nila ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” Big Winner.
Sa guesting ni Will sa online talk show na “Oh My Gan!”, natanong siya ni Krishnah Gravide ng, “Mas lumalim ba, would you say? Or still getting to know each other?”
Sagot ni Will, “At first siyempre, mahirap. Kasi ang dami rin naming mga ganap na magkahiwalay.
“Kumbaga, magkaiba kami ng pinatunguhang career sa industriya paglabas,” pahayag ng Kapuso star.
“Pero ngayon, yeah, masasabi ko na sobrang deep na talaga ng connection namin ni Mika, ng relationship namin,” sey pa ng binata.
Sundot na tanong kay Will, kung si Mika ba ang nasa isip niya noong isulat niya ang kantang “Paborito” kung saan may lyrics na, “Ang ganda mong nakakamangha na para bang ako’y minahika.”
Baka Bet Mo: Mika Salamanca 2 beses niloko ng jowa: Du’n sa bestfriend tsaka sa ex niya!!!
Tugon ni Will, “Lagi ko naman kasing sinasabi, sinulat ko ‘tong song na ‘to para sa isang espesyal na tao.”
Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbabakasyon ng rumored couple sa Thailand noong April, 2026 matapos silang mag-post ng kanilang sweet photos together.
Yun nga lang, hanggang ngayon ay nagpapatumpik-tumpik pa rin sina Will at Mika sa tunay nilang relasyon.
Abang-abang na lang tayo kung kailan sila lantarang aamin si publiko.
The post Will Ashley umamin: Sobrang deep na ng relationship namin ni Mika appeared first on Bandera.
