VP Sara binoldyak ng Gabriela sa hirit na ‘esmiringhuy’ sa mga babaeng OFW 

VP Sara binoldyak ng Gabriela sa hirit na ‘esmiringhuy’ sa mga babaeng OFW 

Sara Duterte

BINANATAN ng grupong Gabriela ang pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa “pakikipag-esmiringhuy” ng mga kababaihang OFW.

Dumalo ang bise presidente sa isang event na inorganisa ng Filipino community sa Hong Kong kamakailan kung saan nagbigay siya ng mensahe para sa mga kababayan nating OFW.

Pinayuhan niya ang mga kababaihan doon na huwag daw ibibigay sa mga lalaki ang perang kinikita nila sa pagtatrabaho at pagsasakripisyo sa ibang bansa.

Mariing sinabi ni VP Sara na sa halip na bigyan ng pera o gastusan ang lalaki, galingan na lang daw ng mga ito sa pakikipag-esmiringhuy (sex o bembang) para hindi sila lokohin at iwanan.

“Alam n’yo paano hawakan ang lalaki? Na hindi talaga siya (mag-cheat), dapat magaling ka sa esmiringhuy,” ang hirit ng vice president.

Kasunod nito, nag-post sa Facebook ang Gabriela para pagsabihan si VP Sara sa naging pahayag nito na anila’y isang uri ng pangmamaliit sa talino at kakayahan ng mga kababaihang OFW.

“The remark is not merely tasteless banter but misogyny spoken from the second highest office of the land.

Baka Bet Mo: VP Sara: I do not feel safe, pakiramdam ko papatayin nila ako

“Delivered before women who were forced to leave their families and country to earn a living, it is doubly insulting — reducing them to instruments of men’s satisfaction rather than workers whose labor and sacrifice deserve respect and protection,” ang bahagi ng pahayag ng Gabriela.

Tila binalewala lang daw ni VP Sara ang ginagawang pang-aabuso at panloloko ng mga kalalakihan sa kanilang mga partner.

“Such advice teaches women to endure and to adjust for men, so that when a man cheats, the woman is made to carry the blame. 

“It is this feudal-patriarchal culture that grants men impunity and punishes women for the wrongdoing of others,” ang banat pa ng Gabriela.

Ang punto ng grupo, kailangang malaman at maintindihan ng mga kababaihan na hindi nasusukat ang kanilang halaga sa pamamagitan ng kakayahan nilang paligayahin ang mga lalaki.

The post VP Sara binoldyak ng Gabriela sa hirit na ‘esmiringhuy’ sa mga babaeng OFW  appeared first on Bandera.

Source link