PASADUNG-PASADO ang ganda at awrahan ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo sa standard ng isang Pinay cosmetic chemist.
Wishing and hoping si Dr. Mary Rose “Rahm” Dagdag na maging bahagi ang award-winning actress at Box-Office Queen ng kanyang matagumpay na skincare company.
“If given a chance, gusto kong maging endorser si Kathryn Bernardo. Because aside from being a big star talaga and a good actress, Kathryn fits the morena skin in my formulation,” ani Dr. Rahm.
Si Dr. Rahm ay isang successful Pinay entrepreneur na nagbigay-pagkilala sa husay ng mga Pilipino sa international beauty industry.
Recently lang ay pinarangalan siya bilang Best Skincare Formulator for PDRN Product sa 22nd Japan Bioformulation 2026.
Isang malaking karangalan ito para kay Dr. Rahm, na isang Filipina cosmetic chemist at founder at CEO ng ZY Shop Worldwide Company at ZY BioScience Corporation.
Mahigit isang dekada na siyang nasa industriya at patuloy na nagsasaliksik at gumagawa ng mga makabagong skincare formulation, kabilang ang paggamit ng Polydeoxyribonucleotide o PDRN, isang ingredient na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng skincare innovation.
Hindi lamang sariling negosyo ang pinagtutuunan niya ng pansin. Isa rin sa kanyang adbokasiya ang tulungan ang mga kababayang gustong magkaroon ng sariling skincare brand.
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo inusisa sa damit, ibinandera initials ni Mark Alcala?
Sa pamamagitan ng ZY Shop Worldwide, nagbibigay siya ng pagkakataon sa mga aspiring entrepreneurs na makapasok sa beauty business gamit ang private-label manufacturing services at entrepreneurship programs.
Aktibo rin siya sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at karanasan sa pamamagitan ng ZY Entrep Academy at ZY Shop Foundation.
Para kay Dr. Rahm, hindi dapat sarilinin ang tagumpay dahil mas magiging makabuluhan ito kung magagamit upang makapagbigay inspirasyon at oportunidad sa iba.
“Naniniwala ako na kayang makipagsabayan ng mga Pilipino sa buong mundo. Sa sipag, tiyaga, edukasyon, at pananampalataya sa Diyos, walang imposibleng pangarap,” ang mensahe pa ni Dr. Rahm.
The post Kathryn Bernardo pak na pak ang ganda para sa Pinay cosmetic chemist appeared first on Bandera.
