NAG-EXPLAIN sina Viva Hot Babes Maui Taylor, Katya Santos at Andrea del Rosario sa umano’y pag-cancel sa VMX Babes sa kanilang “Bulaklak” reunion concert.
Naunang naibalita na magiging guest daw ang mga miyembro ng VMX Babes sa “Bulaklak” ngunit bigla na lamang daw in-announce na hindi na ito matutuloy.
Sa isang panayan, sinabi ni VMX Babes member Zsara Laxamana na nanghihinayang sila sa chance na makapag-perform sana sa reunion concert ng Viva Hot Babes.
Ang sabi ni Zsara, sinabihan daw sila ng Viva Entertainment executive na si Boss Vic del Rosario na maggi-guest ang VMX Babes sa concert pero, “Parang kinansel po yata ng mga ate. Hindi ko lang po sure.”
Kaya naman sa guesting nina Maui, Katya, at Andrea sa bagong talk show ng GTV na “KALURKS!” sinagot nila ang isyu sa pag-cancel daw ng guesting ng VMX Babes sa kanilang reunion concert.
“You know, sometimes things must be addressed properly,” simulang sey ni Katya.
“It’s just that kasi we’re in the same company, so dapat ‘wag kang magsira ng mga kasama mo. Because we’re not seeing anything bad about them.
“Yung mga sinasabi niya, wala kaming alam do’n. Siyempre, lahat ‘yon management decisions. So ang amin lang kasi parang why use us for something, ‘di ba? Kasi kapamilya mo kami e. Respect,” aniya pa.
Esplika naman ni Maui, “Aside from respect, kung gusto mong sumikat, sumikat ka in your own way na wala kang tinatapakang iba. Do it on your own. You don’t need us.”
Nagkakaisa ang sagot ng tatlong aktres sa isyu ng VMX Babes, “Hindi kami. Management decision.”
Baka Bet Mo: Maui Taylor inalok ng milyones para makipag-one night stand: ‘Hard pass!’
Samantala, nilinaw din ng tatlong aktres kung bakit hindi kumpleto ang Viva Hot Babes sa kanilang reunion concert.
Sey ni Katya, “‘Yung mga wala, hindi ‘yon dahil hindi sila sinama. Lahat po ng batch one and two kinontact namin.
“It’s just that they have their talagang personal reasons kasi nga mga nasa ibang bansa na lahat. Hindi na makauwi. They have families, kids, and work.
“And we’d love to have them, of course, masaya ‘yon kasi ‘yun ‘yung mga original e. But, in fact, nandiyan sila sa group chat namin,” paliwanag pa niya.
The post Vivamax star Zsara Laxamana binuweltahan ng Hot Babes: RESPETO appeared first on Bandera.
